KABANATA 14: "Game"

1K 21 4
                                    

                     KABANATA 14
                           "Game"
···LUCAS···

Shit! Shit! Sarap sapakin nitong si Kevin! At talagang tinabihan pa si Jenny? The fuck! Ngayon na nga lang ulit tinamaan tapos kukumpetensiyahin pa ata ako nitong Kevin na ito! Itong playboy na ito subukan niya lang na isali sa koleksiyon si Jenny, bibigwasan ko siya bwisit! Oo na! O.A. na! Ngayon lang kami nagkakilala ni Jenny, pero anong magagawa ko? I like her pero hindi ako makaporma dahil sa labanos na playboy na ito pssh. After Clarisse ngayon nalang ulit tumibok itong puso ko! Hindi ko hahayaan na maunahan ako ng ugok na ito. I need to do something. Isa pa kung si Kevin lang din huwag nalang. Alam ko likaw ng bituka niyan. Sasaktan niya lang si Jenny gaya ng mga babaeng naikakama niya.

Jenny is different. Parang si Kris. Hindi ako papayag na pumuntos ng pumuntos si Gago! Inom lang ako ng inom ng alak. Pampalakas ng loob. Damn. Dinadaga ako! I've never felt this way before kaya hindi ko alam ang gagawin. Paano ko kukunin ang atensiyon ni Jenny kay Kevin? Sa inis ko inom lang ako ng inom ng alak. Ni hindi ko alam ang mga pinag-usapan nila. Basta ang alam ko maglalaro daw ng truth or dare. Halata namang inaasar pa ako nila Bladd at Arex e. Pero ang mas nakakainis? Yung napapatawa niya si Jenny. Shit! Bakit kasi nahiya pa akong tumabi sa kanya ee! Tss. Naunahan pa tuloy ako ng babaerong ito!

···JENNY···

Napapansin ko si Lucas. Alam kong samin siya nakatingin ni Kevin. Panay ang inom niya ng alak. Pero kasi, posible ba? Na sa unang pagkakataon? Magkagustuhan kami? Ano yun? Love at first sight? I mean mayaman siya. Mahirap ako. Mas marami pa siyang makikilala. Isa pa ayokong mag-assume anong malay ko kung ano talagang nararamdaman o iniisip niya? Ni hindi nga ako tinabihan. Nakakadissapoint pero sino ba kasing magkakagusto sa isang katulad ko? Ganda lang ang meron ako. Char. Pero totoo di ba? Sa fairytale nalang nageexist ang happy ending. Bitter ko bigla pero kasi ayoko lang umasa. Oo patunay si Kris at Arex na hindi hadlang ang estado sa buhay para magmahalan. Pero kasi, sila nagkadevelopan. Contract wife dapat si Kris pero narealize nalang nila na mahal na pala nila ang isat-isa. Si Arex, attracted kay Kris na nauwi sa pagmamahal. Si Kris, crush niya si Arex, at ganun din. Nauwi sa pagmamahal. Kami ni Lucas? Ano yun? Sa isang tingin? Love agad? Nakakatawa lang si Kevin kasi inaasar lang daw niya si Lucas kaya feeling close siya. Magaan ang loob ko kay Kevin pero wala akong makapang iba. Hindi katulad kay Lucas. Just looking at him. Parang may naghahabulang daga sa dibdib ko.

"Jenny, makisakay ka lang ah?"

"Ha? Bakit?"

"Alam mo kasi Jenny yang si Lucas after ni Clarisse? Yung ex niya na iniwan siya dahil sa amerikanong hilaw? Hindi na ulit nagmahal yan! Hindi na ulit pumansin ng kahit sinong babae, pero ikaw? Ang lagkit ng tingin sayo haha. Gusto ko lang siyang asarin. Huwag kang magalala alam ko namang attracted kayo sa isat-isa." Hinampas ko ng bahagya si Kevin.

"Sira! Hindi ganun yun! Mahirap lang ako Kevin at mahirap paniwalaan na magugustuhan ako ng kaibigan mo!" Ininom ko yung alak na para sakin.

"Kita mo nagsasabi na nga ako ng totoo e! Tsaka kung hindi lang halatang-halatang magselos si Lucas? Baka nagustuhan din kita. Kaso, kaibigan ko yan! Minsan nga naiisip ko ng bakla yan e! Haha." Napahagalpak tuloy ako ng tawa. Napatingin ako kay Lucas ang sama ng tingin niya samin.

"Playboy ka daw hindi ba? Malamang magustuhan mo din ako, magustuhan bilang koleksyon." Biro ko sa kanya. Nagkunwari naman siyang maiiyak kaya binatukan ko siya. Komportable na ako sa kanya.

"Jenny ang hard mo sakin. Grabe!" Nagboses bakla siya kaya natawa na naman ako.

"Haha sira tumigil ka nga Kevin!"

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now