KABANATA 6: "Past"

2.3K 29 2
                                    

  KABANATA 6
"Past"

···Jaypee···

Tinawagan ako ni Dr. Salasar. Personal doctor siya nila Arex pero pag-out of town siya ay ako ang inaasahan niya. Doctor ako remember? Pero dahil ako lang ang nag-iisang tagapagmana ni Daddy, ako muna ang namamahala sa kompanya namin nung nagkasakit siya. But I make sure na hindi ko pinababayaan ang tinapos kong propesyon. Mabuti nalang at wala akong meeting ngayon kaya nakapag-drive ako agad papunta kila Arex.

"Pare out of town si Doc Salasar kaya ako ang tinawagan niya para pumunta dito."

"Ganun ba? Sige tara nasa guests room siya."

"Teka nga pare sino ba ang may sakit?"

"Yung future wife ko haha. Tara na?"

"Ayos makikilala ko na pala ngayon ang contract wife mo!"

"Gago huwag kang maingay! Buti nasa baba sila Daddy marinig ka ugok."

"Sorry naman!" Pero pagbukas ni Arex ng pinto. Damn. This isn't happening.

"Kris?" No. Hindi naman si Kris ang contract wife na tinutukoy niya right? Imposible!

"Jaypee?"

"Magkakilala kayo?" Gusto kong sabihin at isigaw sa mukha niya na OO MAGKAKILALA KAMI! Si Kris lang naman ang babaeng tanging minahal ko. Damn hindi nangyayari ito. Matagal na kaming magkakilala at dahil dakila akong torpe hindi ko nasabing gusto ko siya. Nawalan ako ng pagkakataon hanggang sa hindi ko na nasabi pa at nawalan na kami ng connection sa isat-isa.

"Yeah nabangga ko siya dati. Nagtitinda sila ng lola niya noon ng kamoteque." Sagot ko kay Arex. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis. Matagal kong hindi nakita si Kris. Suki nila ako ni Lola Elay sa mga kakanin nila noon. Pero dahil sa ako na ang pumalit sa posisyon ni Dad madalang nalang akong makadalaw sa pwesto nila at hanggang sa hindi na kami magkita dahil hindi na sila nagtinda kung saan ko sila pinupuntahan. Ni hindi ko man lang nasabing mahal ko siya. Na gusto ko siya matagal na. Alam kong mahirap lang siya pero wala akong pakialam. Minahal ko siya dahil napakabuti niyang tao. Mabait siya, maganda, mahinhin at sa kanya lang tumibok ng ganito ang puso ko. Damn. Tulad ngayon sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Just looking at her my heart was beating way too fast. But the hell! Paanong nangyari na siya at ang tinutukoy na contract wife ni Arex ay iisa? Paano sila nagkakilala at bakit pumayag siya?

"Jaypee? Ikaw pala yung doctor nila?"

"Ah hindi. Si Doc Salazar kaso out of town. Part time nalang ako ngayon sa pagiging doktor. Kamusta ka na? Kamusta si Lola Elay?" Damn agad ko siyang nilapitan ng bigla siyang napaiyak. I hugged her. Damn. I want to comfort her. I miss her. Sobrang init niya. Sobrang taas ng lagnat niya at makakasama kung iiyak pa siya. "Shh. Stop crying okay? Lalong sasakit ang ulo mo."

"P-Patay na si Lola."

"What? Paano? I-I'm sorry, hindi man lang ako nakadalaw. Sorry. Ako na kasi ang pumalit kay Dad sa pamamahala sa company namin kaya nawalan na ako ng oras na dalawin kayo ni Lola Elay."

"O-Okay lang. Kamamatay lang niya at si Sir Arex ang tumulong sa akin para matubos ang katawan niya sa hospital."

"Check-up in muna kita ha? Para makapag-pahinga ka. Ang init mo. You should rest."

"Thank you Jaypee. Namiss kita." Damn. I can hear my heartbeat. Namiss din kita Kris kung alam mo lang. Pero paano? Damn. Paanong siya ang naging contract wife ni Arex? Shit! Sabi niya kagabi attracted na siya kay Kris!

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now