KABANATA 15: "Connivance"

965 14 2
                                    

                      KABANATA 15
                      "Connivance"

···JAYPEE···

Shit! Ang sakit ng ulo ko! Arggh. Mukhang napasobra ako ng inom kagabi! Teka? Alas dos na ng hapon? Ganun ba karami ang nainom ko para hindi ako makapasok sa office? I heard my phone rang kaya sinagot ko. Si Lucas pala.

"Pare punta ka dito sa bar." Tsk. Kagagaling ko lang dun ah?

"Why? Arggh i don't think makakapunta ako. My head hurts. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Ikaw ba ang naghatid sakin kagabi?"

"Yeah lasing na lasing ka e. Magpapainom kasi si Arex, kasama si Kris. Punta ka ah?" I close my fist.

"Ha? Hindi na muna siguro pakisabi nalang na marami akong tatapusin sa office."

"Jaypee naman!"

"Magdahilan ka nalang Lucas, bye." Shit! At ano bang gusto nilang mangyari? Na makita ko silang masaya samantalang ako sawi at malungkot dahil sa siya ang pinili ni Kris? Damn! Nakakabwisit! This past few days nagiging mainitin ang ulo ko, hindi ko na rin maasikaso ng mabuti ang kompanya ni Daddy. And it's all because of Kris! Ganito ko siya kamahal na hindi ako makapag-focus sa lahat! Magpakasaya ka Arexon! Dahil darating ang araw na ako naman ang mamahalin ni Kris! Ikaw naman ang iiyak at malalasing sa galit! I dialed her number. Who? Jessa Martin.

"Jessa."

"Jaypee? Is this really Doctor Jaypee Espiritu?" I cleared my throat.

"Wala ng maraming satsat. Alam mo bang ikakasal na si Arexon?"

"What the fuck? Nagbibiro ka ba? Kami ang ikakasal!"

"Well pumunta ka mamaya sa Cutie Bar. Find it on your own! Nandoon ang future bride ni Arex." Shit! Talagang binabaan ako ng phone? Pero sayang wala ako dun mukhang masaya ito ah? Tsk. Knowing Jessa, baka masaktan niya si Kris pero kung yun naman ang paraan para magkaaway sila ni Arex? It's fine with me! I will comfort her.

···AREXON···

"Mahal? Tara na kayang umuwi? Bakit ganun? Parang kaming mga lalaki lang ang nahilo?" Shit! Kala ko nagbibiro lang si Jenny tungkol sa tatlong case na red horse! Ang tibay nila ni Kris!

"Haha ganun talaga. Mas malaki kasi ang bahay alak namin." Tsk. Nakakainsulto naman. I look at her. Damn this heartbeat pero simpleng pagtawa niya lang nagwawala na ang puso ko. She's beautiful without make-up. She's naturally beautiful specially kapag ganitong masaya siya.

"Haha pare wala pala tayong binatbat kila Kris haha!" Si Bladd. Pssh. Lasing na din ang isang ito.

"Pssh mas lalo ka na gago! Tingnan mo nga isang pitik nalang tutumba ka na wahahaha!" Si Kevin tapos pinitik talaga sa noo si Bladd mga loko talaga nagpitikan pa ng noo. Mga isip bata.

"Mauna na kami ni Kris mga pare. Magda-drive pa ako! Iwan niyo na sila Lucas, matatanda na yun! Alam na nila ang tamang daan."

"Teka mahal, si Jenny paano si Jenny?"

"Mahal ihahatid yun ni Lucas huwag kang mag-alala. Isa pa, yung bestfriend mo kaya ang nag-provoke kay Lucas? Astig haha! Tameme ang loko." Hindi talaga ako makapaniwala kay Jenny. Halata namang kaya hindi siya hinalikan sa dare ni Lucas e dahil sa nirerespeto siya nito. I know Lucas. Tinamaan na ulit siya sa wakas. Pero si Jenny? Haha panes! Siya pa talaga ang nagsabing halikan siya ni Lucas! Ayun kinaladkad ng loko haha. Obvious naman kasing magselos yun. Talagang abot ang inom? Buti nalang at isa siya sa pinakamalakas uminom samin. Tapos hahaha lintik tumingin kay Jenny! Sulyap tulingan ang langya! Wahaha.

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now