Epilogue

1.6K 26 1
                                    

Epilogue

···Kris···

"Waaaah! Ang taba ko na Jenny!" Pagmamaktol ko kay Jenny habang karga niya yung baby nila ni Lucas na si Tomas Luhan. Four months na yung baby nila at ako? Eto kabuwanan ko na! At waaah ang taba ko! Super taba ko!
      
Flashback...

"Mahal, pangit na ba ako?"

"Mahal, ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko." tapos niyakap ako ni Arex.

"Sinungaling! Ang taba ko na kaya! Tapos, hindi ka na maka-score sakin kasi ang laki na ng tiyan ko!"

"Mahal, kasi nga baka masaktan si Baby. Di ba? Healthy pa naman daw sabi ni Dra. Pero ayoko namang i-risk kayo ni Baby. Nakakapagtiis naman ako."

"Tsk. Pangit na kasi ako kaya ayaw mo na sakin!"

End of flashback...
      
Hindi ko naman talaga naramramdaman na nagbago sakin si Arex. Sweet pa rin siya pero kasi nakakainsecure! Promise maggy-gym talaga ako pagkapanganak ko! Si Jenny kasi isang buwan after manganak ang sexy niya agad!
      
"Lola Idyong, pakisabi nga po dyan kay Kris na normal lang na tumaba! May baby kasi siya sa sinapupunan niya hindi po ba Lola?"
      
"Oo nga naman apo, tama si Jenny. Ikaw naman ang ganda mo pa rin naman. Isa pa papayat ka rin kapag nagpa-dede ka na." Pero kasi waaah ang pangit ko na ata talaga! Nandito kasi kami sa mansion. Nagiinuman ngayon sa garden sila Arex at ang barkada. Ang totoo malaki din ang hirap sakin ni Arex buhat sa paglilihi ko hanggang sa ngayong malaki na ang tyan ko. Alam kong nagseselos siya kay Jaypee tuwing ipinapatawag ko ito, pero kasi si Baby. Si Baby ang may gusto na si Jaypee ang naaamoy ko! Kahit kasi bumili na si Arex ng deo at pabango ni Jaypee? Ewan ko ba pero si Jaypee talaga ang gusto kong maamoy hehe. Tapos kung ano-ano pa pinapabili ko. Tapos waah! Hindi ko maintindihan sabi ni Dra. Pagtalunan, normal lang daw na magbago ang hormones ng mga buntis. Na mas maging mahilig ako. Pero grabe, nakakahiya talaga kapag naiisip ko na pagod na si Arex ee gusto ko pa! Waah ni hindi ko maisip na ako yung nangangalabit!
                                                                      "Lola, kasi naman kasi.." O my God! Ba--bakit ang sakit ng..
      
"Kris bakit?!" tanong sakin ni Jenny. Hindi ako makakibo kasi biglang humilab yung tyan ko.
      
"Apo! Yung panubigan mo! Jenny, bilis tawagin mo si Arex! Manganganak na si Carmela!" Whooo inhale*exhale. Sabi ni Dra. Huminga daw ng malalim when my water bag brokes pero..
      
"AREXON! Awwww hoo-hoooo ang sakit! Lola, si Arex! Ang sakit!" Nakita kong pumasok si Arex.
      
"Arex, mabilis ka! Si Carmela!" Narinig ko si Lola Idyong waaaa ang sakit talaga!
      
"Mahal, damn! Manganganak ka na!?"
      
"Ay hindi! Naihi lang ako! Waaah ang sakit na dalin mo na ako sa ospital!" Pagdating palang namin sa ospital ay dinala na agad ako sa labor room!
      
"Bladd! Bwisit ka! Huwag mo nga akong i-video!" Walanghiya! Ang pangit ko kaya sa camera!! Bwisit! Buti hinila na siya ni Kevin kung hindi sila sasabunutan ko sa delivery room!
      
"Kris, kaya mo yan! Fighting!" Si Jenny.
      
"Mahal? Okay ka lang?"
      
"Ikaw kaya dito! Tsaka mo ulit tanungin kung okay lang ako! Waaah, ang *hoooooo* ang sakit!"
      
"Damn it! Mahal, hawakan mo lang ang kamay ko!" Sorry Arex alam ko namang nagaalala ka pero kasi! Ang sakit talaga! Nung sunod-sunod na yung sakit.

"Arex hi-hindi pa ba lalabas ang anak natin? Ang sakit na talaga!"

···Arexon···
      
Damn! Wala akong magawa sa sakit na nararamdaman ni Kris. Halata sa mukha niya ang paghihirap! Alam kong kahit gaano niya pigain ang kamay ko ay hindi mababawasan ang sakit ng pagle-labor niya.
      
"Arex hi-hindi pa ba lalabas ang anak natin? Ang sakit na talaga!" Hinawakan ko yung kamay ni Kris ng mahigpit at hinalikan ko siya sa mga labi.
      
"I love you, mahal. Kaya mo yan, hindi kita iiwan."

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon