KABANATA 29: "Guilty"

888 15 2
                                    

KABANATA 29
"Guilty"

···Kris···

Nandito kami ni Garden ni Simon. Gusto niya daw kasi akong makausap ng sarilinan. Lumawas kasi siya ng Maynila kaya hindi ako nakapagpaalam sakanya buti at naisipan akong puntahan. Siya lang kasi ang tanging kaibigan ko doon. Bestfriend na nga ang turing ko sa kanya dahil mapagkakatiwalaan talaga siya. At siya din ang dahilan kung bakit walang naglakas ng loob na ligawan ako noong naroon pa ako sa Bulacan, dahil ang alam ng lahat ay may unawaan kami.

"Grabe ka Carmela! Ang ganda ng magiging bahay mo oh?"
       
"Sira! Makikitira lang din ako dito!"

"Ikaw ang sira! Magiging asawa mo na yung poging yun, kaya bahay mo na din itong mansion na ito. Langya! Buhay prinsesa ka pala dito tapos sa Bulacan, taga pitas kalang ng sili at petchay!" Natawa nalang ako. Kahit kailan talaga hindi na ako masasanay sa pagiging malambot nitong si Sammy. Ang gwapo pero pusong babae.

"Kamusta nga pala si Lola Idyong?"

"Naku namimiss ka na nga e. Sana daw kapag ayos na ang lahat ay madalaw mo siya."

"Hindi ko lang siya dadalawin, kukunin ko na siya dun. Para ko na siyang tunay na lola alam mo yan! Kaya pwede ba habang hindi pa kami okay? Ikaw na muna ang titingin-tingin sa kanya?" Tapos niyakap niya ako.

"Oo naman Carms."

"Huwag mo na nga ako tawaging Carmela alam mo namang nung una palang na ako si Kris e."

"Haha ee ayoko nga nasanay na ako sa Carmela!? Bakit ba kasi ang daming trip niyang mga kaibigan ninyo? Pagselosin ko daw yang Arex mo! Gusto pa kayong pahirapan? Mahal niyo naman ang isa't-isa! Alam mo bang halos patayin na ako ni Arex sa tingin kanina habang magkayakap tayo? Ang talim e! Kung nakamamatay nga lang daw ang tingin tiyak bulagta na ako dito, parang ngayon! Haha huwag kang lilingon ah? Ayun ang lover boy mo! Abot ang inom habang ang sama ng tingin satin!" Pinamulahan naman agad ako ng pisngi.

"Ang totoo ako ang nakaisip na magpanggap muna akong walang maalala. Ang gusto ko kasi, bumalik muna yung tiwala namin sa isat-isa, pero Sammy! Nung makita ko siyang umiiyak at nagkakaganoon ng dahil sakin? Parang gusto ko siyang yakapin! Ang sabihing nandito na ako at hindi na ako aalis! Pero bago ko pa masabi? Nawalan na siya ng malay dahil sa kalasingan. Tapos kinabukasan ayun, sabi nila Kevin magpanggap nga raw muna ako. Hayaan ko muna daw na ligawan ako ni Arex dahil hindi naman daw talaga ako naligawan. Naikwento ko naman sayo hindi ba? Contract Wife lang ako dati. Pero yun nga, nagising nalang kaming mahal na namin ang isat-isa."
"Teka naguguluhan pa ako! Hindi ba kaya ka umalis dahil nga sa napagsamantalahan ka at hindi ka matanggap ni Arex? Kaya nga nagpanggap ka nalang na walang maalala at nabuhay sa Bulacan bilang ibang tao?"

"Oo pero wala naman pala talagang nangyari Sammy, nagawa lang yun ni Jaypee para paghiwalayin kami. Nahanap nila ako at ipinagtapat sakin ang lahat. Nagawa lang yun ni Jaypee dahil sa pagmamahal."

"At???"

"At ayun kaninang umaga sinundo ako ni Arex kila Jenny at pinaalala niya sakin lahat nung masasayang araw namin buhat nung magkakilala kami, pati mga ginawa namin nung unang date namin. Sammy anong gagawin ko?! Gusto ko ng umamin! Hindi ko na kayang magpanggap!" Niyakap lang ulit ako ni Sammy.

"Girl, alam mo namang mahal kita, ikaw ang pinakamalapit kong naging kaibigan na halos kapatid na nga kita. Basta sundin mo lang ang tinitibok niyang puso mo. Huwag niyo ng pahirapan ang isa't-isa! Magtiwala kayo sa pagmamahalan niyo, at yun na! Sasaya na kayo! Sa ginagawa mo bang pagpapanggap sasaya ka ba? Mabubuo ba ulit ang tiwala niyo sa isat-isa?"

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now