KABANATA 7: "Broken Heart"

1.9K 32 1
                                    

     KABANATA 7
      "Broken Heart"

···Jaypee···

Kanina ko pa nahahalata na wala sa sarili si Kris. Ako nga ang kasama niya pero lumilipad naman ang isip niya. After naming makakain ay bigla nalang siyang nanahimik.

"Kris?"

"Oh, ano nga yun?" Shit halata naman ee, dahil ba kay Arex? Oo nakita ko ring nalungkot siya kanina. Posible bang-- damn. Gusto na ba niya ang kaibigan ko? Nahuli na ba ako?

"Kris, gusto mo na ba si Arexon?"

"Ha? B-Bakit mo naman nasabi?" See? Nautal pa siya.

"Nararamdaman ko. Kanina ka pa wala sa sarili. Kanina pa kita kinakausap pero tulala ka lang. Dahil ba nalungkot siya kanina? Gusto mo na ba siya? Nahuli na ba ako?"

"A-Anong sinasabi mo? Nahuli saan?" Ito na ba? Aamin na ba ako? Pero kung hindi ngayon? Habang buhay akong magsisisi na hindi ko man lang nasabi. Anong malay ko kung may pag-asa pa ako.

"Matagal na kitang mahal Kris, pero nato-torpe ako."

"Jaypee.."

"Naduwag ako noon. At nawalan na ako ng pagkakataon."

"Pero ikakasal na ako sa kanya."

"Pero Contract Wife ka lang hindi ba? Magpapa-annul din kayo, kaya kong maghintay Kris."

"Pero?"

"Gusto mo na ba siya?"

···Kris···

Aist bakit ba hindi mawala sa isip ko yung reaksyon ni Arex kanina? Bakit parang mas nasaktan ako, nung makita ko siyang nalungkot? Crush pa ba ito? O Mahal ko na siya? Mahal? Ng ganito kabilis? Gusto siguro pero mahal agad? Argghh ang gulo! I supposed to enjoy this lunch with Jaypee, namiss ko siya pero natatalo ako ng pagiisip tungkol kay Arex. Nagulat pa ako ng kausapin ako ni Jaypee. Shit! Kasama ko siya pero lutang naman ako, nakakahiya. Pero ano?
                                                                             
Mahal niya ako? Pero paano? Oo minahal ko rin siya noon, pero kasi ngayon parang nakalimutan ko na lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Nung magkita kami kagabi parang wala na talaga kahit katiting na kilig.

"Naduwag ako noon. At nawalan na ako ng pagkakataon."

"Pero ikakasal na ako sa kanya.."

"Pero Contract Wife ka lang hindi ba? Magpapa-annul din kayo, kaya kong maghintay Kris."

"Pero?"

"Gusto mo na ba siya?" Sorry Jaypee pero mukhang wala ka ng aasahan sakin. Hindi ako yung klase ng tao na magpapa-asa.

"Jaypee, hindi ako ang para sayo. Oo aaminin ko, minahal din kita noon."
        
"Minahal? Mahal mo din ako?" Biglang sumaya yung boses niya. Napakabait mo sakin Jaypee pero ayokong paasahin ka ayokong saktan ka.

"Oo noon, pero iba na ngayon. Jaypee i'm sorry. Minahal kita pero sa ngayon? Bilang kaibigan nalang. Sorry Jaypee." Nakakaguilty. Nakakalungkot na nagkaaminan kami kung kailan may gusto na akong iba. Kung noon sana siya nagtapat? Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa buong mundo. He's almost perfect. Mabait. Mayaman. Gwapo. Pero mukhang hindi talaga kami para sa isat-isa.

"Mahal mo na ba siya?"

"Hindi ko alam. Hindi ko din alam Jaypee."

"Pero hindi ako susuko Kris, matagal kong itinago ang pagmamahal na ito, matagal kong inasam na masabi sayo, ang tanga ko dahil mahal mo na pala ako noon pero naging manhid ako. Naduwag ako. Kris, nakikiusap ako, huwag mo akong lalayuan, hayaan mo lang akong mahalin ka."

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now