KABANATA 17: "Lucas and Jenny"

860 14 1
                                    

KABANATA 17
"Lucas and Jenny"

···JENNY···

Nagising akong may mabigat na nakadagan sa ibabaw ko. Arrghhhhh ang sakit ng ano ko. Napabalikwas ako ng bangon pero hindi man lang natinag itong nasa ibabaw ko! Sobrang bigat niya kaya wala akong magawa kung hindi ang dalin ang bigat niya.

"Lucas!"

"Goodmorning." Grabeng sexy voice yan! Nakakaloka!

"Good morning. Ano aalis na ako."

"No! After what happened last night?" Napatayo siya kaya napalunok ako. Nakakaloka. Yung abs na pinapak ko kagabi.

"Ha? Ee kasi baka mag-alala sakin sila Nanay at Tatay. Ahmm kita nalang tayo text-text?" Alanganin kong sagot.

**Flashback**

"S-Sigurado ka ba talaga Jenny?"

"Seryoso ako! Halikan mo ako! Dahil gusto kita! Gustong-gusto kita!" Sa halip na halikan ako ay hinila niya akong bigla. Hawak niya yung kamay ko at sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko.

"Kris ako ng maghahatid kay Jen. Maguusap lang kami sa office." Ni hindi na ako nakakakibo ng hilahin niya ako papuntang office niya. Amoy na amoy ko yung naghalong amoy ng alak at hininga niya. Halos lumuwa yung mata ko ng makarating kami dito sa office niya. Ganito ba ang office para sa kanya? May higaan? May ref? May kusina? May C.R? Ee halos pinaliit na bahay na ito e!

"Jen."

"Ha?" Bakit ba ganun yung boses niya? Bedroom voice plus kami lang dalawa dito ngayon. Kinakabahan ako pero mas lamang yung excitement sa puso ko. OMG! Goodbye virginity na ba ito? Pero okay lang, I like him. Gusto ko talaga si Lucas. Sobrang bilis siguro pero alam ko ang nararamdaman ko. Isa pa hindi naman na ako bata para magpabebe sa nararamdaman ko. Unang kita ko pa lang sa kanya kanina pakiramdam ko para akong teenager na nakita ang first crush niya. Isa pa ang gwapo niya. Yun lang mayaman! Ang layo ng agwat namin sa pamumuhay. Oo nga at pangarap ko ring makapangasawa ng mayaman, kaso sino namang papatol sakin? I mean malabong magustuhan ako ng isang Lucas Mauricio. Isa lang akong mahirap. Mahirap pa sa daga gaya ni Kris. Pero si Kris, sinwerte siya sa buhay, minahal din siya ng taong mahal niya. Ee ako? Ano bang malay ko kung nagandahan lang sakin itong si Lucas? Anong malay ko kung baka katawan ko lang ang habol niya? Aisst ewan! Kung may mangyayari man samin okay lang sakin. Para na rin akong naka-jackpot kung magbubunga ang mangyayari samin. Hindi dahil sa pipikutin ko siya, pero dahil malamang sa malamang ee gwapo ang magiging anak namin! Bakit ba? Kayamanan din naman ang anak hindi ba? Nagulat pa ako nung hawakan niya yung mga balikat ko.

"Jen, gusto din kita. Hindi ko pa sigurado kung pagmamahal na ba ito? Pero after ng ex kong si Clarisse? Ngayon lang ulit ako nakaramdamn ng kakaibang damdamin para sa isang babae. Maniwala ka." Totoo ba? Gusto niya din ako? Hindi ko mapigilang mapaiyak. Gusto din ako ni Lucas?

"Lucas."

"Jenny gusto din kita! Gustong-gusto! When I first saw you kanina sobrang lakas ng tibok ng puso ko. I can't take my eyes off you." Bigla niyang itinapat yung kamay ko sa dibdib niya! "Nung tabihan ka ni Kevin? Inis na inis ako. Hindi ko alam kung nagseselos ako pero gusto ko na siyang sapakin. Loko na yun!" Waah. Kinikilig na talaga ako! "Alam kong nahahalata na ako nila Arex pero wala akong pakialam. Naiinis ako na siya ang kausap mo, naiinis ako na siya ang nakakapagpatawa sayo! I really like you Jenny! Huwag mong itatanong kung bakit at paano dahil hindi ko rin alam! It's just happen na itong puso ko." Hindi ko na siya pinatapos pa dahil hinalikan ko na siya. Yun lang! Wala talaga akong alam dito. Ang lakas ng loob kong i-dare siya kanina na halikan ako pero wala akong alam. Pero nung gumalaw yung mga labi niya at yakapin ako palapit sa kanya? Nanlalambot ako, kaya napakapit ako sa batok niya. Hindi ko alam pero bawat pagbuka ng labi niya ay ginaya ko lang! And to my surprise? Para na akong expert! Ang sarap niyang humalik! Nakaka arggh! Oo na! Nakakadala! Babae lang ako! May puso't damdamin! May katawang lupa! "Jen. I want you, at kung ano man ang consequences ng gagawin natin ay pananagutan ko." Hindi pa ako nakakasagot ay hinalikan niya na naman ako. Pero ano pa bang isasagot ko? Nung halikan ko siya isinuko ko na ang lahat sa kanya.

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon