KABANATA 33: "Miracle"

931 20 0
                                    

KABANATA 33
"Miracle"

···Kris···

"Mahal...."


"Arex? Bakit ang layo mo? Halika yakapin mo ako?"

"Mahal patawarin mo ako."

"B-bakit? May nagawa ka ba?" Pilit ko siyang inaabot pero lalo lang siyang lumalayo. "Arex!"

"Mahal kita, mahal na mahal." Pero nung inabutan ko siya ay bigla nalang siyang nawala. Hindi! Hindi totoo ito. Arex! Nangako ka! Hindi mo ako iiwan! Mahal mo ako hindi ba? Mahal kita kaya bakit? Hindi maaari ito! Tumakbo ako ng tumakbo pero hindi ko siya makita!

"Mahal! Arex! You promised me! Nangako ka sakin hindi ba? Arex!"

"Kris gising!" nagising akong tinatapik sa pisngi ni Jenny.

"Huh? Nananaginip lang ako?"

"Oo, panay ang ungol mo kaya ginising na kita." Bigla akong kinabahan ng maalala ko si Arex.

"Si Arex?"

"Nasa ICU siya, medyo kritikal ang lagay niya dahil sa dibdib siya tinamaan pero lumalaban siya."

"Pupuntahan ko siya!"

"Kris, pero may tama ka din ng baril sa kanang balikat. Magpahinga ka muna medyo marami ding nawalang dugo sayo kaya nawalan ka ng malay habang isinasakay ng ambulansiya si Arex." Ngayon ko lang naalala na nabaril nga pala ako.

"Si Jessa?"

"Dinala na siya sa isang mental institution, yung baliw na yun! Dapat sa kulungan siya mabulok e! Kinarma na siya sa ginawa niya! Hindi na niya kayo masasaktan pa!" Napabuntung-hininga nalang ako. Inalis ko yung swero na nakakabit sakin. Nagmahal lang din si Jessa.
Katulad ni Jaypee nagmahal lang din siya, yun lang sakim ang pagmamahal niya.

" Anong ginagawa mo? Kris ano ba?!!"

"Kailangan ako ng asawa ko Jenny, kung nangyari ito kay Lucas? Ganito din ang gagawin mo hindi ba?"

"Pero Kris." Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto. Inabutan ko sila Jaypee, Lucas, Bladd at kevin sa labas ng kwarto.

"Kris bakit lumabas ka na?" tanong sakin ni Jaypee.

"Pinigilan ko siya pero mapilit!" sumunod pala sakin si Jenny.

"Gusto kong makita ang asawa ko." Grabe, naiiyak na naman ako.

"Kris.."

"Please, nakikiusap naman ako?" I sigh.

"Pumasok ka na." Inabutan ko sila mommy na umiiyak habang hawak ang kamay ni Arex.

"Mahal." Pinipilit kong hindi maiyak. Hindi ko maisip na si Arex ang nakahiga sa hospital bed na iyan!

"Oh Kris? Okay ka na ba? Bakit lumabas ka na? Kamusta ang sugat mo?"

"Mommy." Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko, humagulgol na ako at naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Mommy.

"Shhh matapang ang anak ko. Matapang ang asawa mo. Lalaban siya, magtiwala ka lang."

"Pwede ko po ba siyang makausap?"

"Sige maiwan ko muna kayo, tatawagan ko lang ang daddy mo." Nung makaalis si Mommy ay agad ko siyang nilapitan.

"Mahal." I can't control my tears ang sakit makitang ang daming nakakabit na aparato sa katawan niya pati na sa bibig at ilong niya. "Lalaban ka di ba? Sabi mo hindi mo ako iiwan? Sabi mo mahal mo ako? Please lumaban ka." Pinahid ko yung mga luha ko at kinuha ang mga kamay niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko. "Mahal, gumising ka na." Nanginginig na rin ang mga kamay ko. Natatakot ako. Hindi naman mangyayari yung napanaginipan ko hindi ba? Hindi mo ako iiwan? Mahal na mahal kita at mahal mo din ako?

"Magha-honeymoon pa tayo mahal. Bibigyan pa kita ng maraming anak. Kaya gumising kana diyan! Namimiss ko na yung mga ngiti mo. Yung ngiting nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Yung mga halik mong nakakapagpalambot ng tuhod ko. At yung yakap mo na pakiramdam ko hinding-hindi mo ako pababayaan! Tuparin mo naman yung pangako mo lumaban ka!" Iyak lang ako ng iyak habang hawak ko yung mga kamay niya. "Paano mo mararanasang matulog at gumising na ako ang makikita mo kung hindi ka babangon diyan? Paano mo ko makakasama sa pang-habang buhay kung nakahiga ka diyan? Lumaban ka Arex. Lumaban ka mahal! Ngayon pa lang mag-uumpisa ang buhay natin bilang mag-asawa, ipaparamdam ko pa sayo.." Natigilan ako nung maramdaman kong pinisil niya ang kamay ko. Hindi ako makagalaw. Sari-sari ang nararamdaman ko. Gulat? Saya? "Arex?" Pero pinisil niya ulit ang kamay ko. "My God! Thank you! Thank you dahil pinakinggan mo ako! Salamat! Saglit lang tatawag ako ng doktor." Lumabas agad ako ng kwarto.

"Kris bakit?" tanong sakin ni Lucas.

"Oo nga Kris? Bakit ka? Si Arex? Kamusta siya?" Si Jenny.

"Tumawag kayo ng doktor! Si Arex, si Arex gising na siya!" Tuwang-tuwa kong sagot at napayakap na ako kay Jenny.

"Fuck! Sinasabi ko na nga ba?! Haha masamang damo siya kaya hindi siya mamamatay!" Si Jaypee na napayakap kay Lucas.

"Langya! Pagkalabas ni Arex kailangan niyang magpainom!" Si Kevin na nagpapahid ng mga luha.

"Tama kailangan nating mag-celebrate! Teka--tatawagan ko sila Tito!"

"Mahal niya lang ako, hindi niya ako kayang iwan hindi ba Jenny?"

"Haha, tama ka Kris!" sabay pa kaming natawa ni Jenny.

Lumipas ang isang linggo at sabi nga ng mga doktor, himala daw na napakabilis ng recovery ni Arex.

"Mahal, ikaw naman?" Pilit niya akong sinusubuan ng ubas pero panay ang iwas ko.

"Mahal naman e!"

"Oh bakit? Gusto ko lang namang bumawi sa pag-aalaga mo sakin?" Tapos niyakap na naman ako. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

"Haha, huminga ka nga mahal! Masyado kang kabado. Tsk. Paano pa kaya sa araw ng honeymoon natin?" Waaah! Nakakainis! Magaling na talaga siya! Numumula na nga ako e! Nahampas ko tuloy siya sa braso.

"Awww!"

"Hala! Sorry ikaw kasi e!"

"Asawa na kaya kita, natural na gawin natin yun! hehe."

"Oo nga pero magpagaling ka nga muna!"

"Ayieee, aminin excited ka din sa big night natin! Ayieee ang asawa ko excited!" Ang bwisit sinusundot pa ako sa tagliran! Pasalamat talaga siya may sugat pa siya.

"Aisst ewan ko sayo Arex! Kumain ka na nga lang!"

"Subuan mo na ulit ako. *pout*" Aisst bakit ba ang gwapo niyang ngumuso? I kissed him pero smack lang. Halata namang nagulat siya. Haha nanlalaki pa ang mata.

"Sus parang smack lang e? Paano pa kaya sa honeymoon natin?" haha, gantihan lang! Nakakatawa na itsura niya. Kaso ang bwisit kunyaring nagtakip ng katawan niya! Arggh! Ang kapal!

"Mahal? Ngayon ko lang nalaman na matindi ang pagnanasa mo sakin?!"

"Ewan ko sayo!" Tatalikuran ko nalang sana siya pero bigla naman niya kong niyakap.

"Haha, binibiro lang e! Kiss mo na ulit ako bilis!" Tapos ngumuso na naman. Pero hindi na ako nakakibo ng kabigin niya ang batok ko at siilin ng halik. Oh I love you Arex!

"Time for your med--- ay!! Sorry po sir, ma'am?"

"Tsk. Istorbo." bulong niya sakin.

"Okay lang nurse tuloy ka." Ako na ang sumagot. Pero hindi pa ako nakalalayo sa kanya ay siniil na naman niya ako ng halik! Bwisit! Nanlalaki ang mata ko dahil alam kong nagulat ang nurse!

"Ayoko lang magselos ka, abot ang tingin sakin e hehe." bulong niya sakin..

"Kapal ah!"

"Sus, kinikilig ka naman misis e!" Oo kinikilig ako! Inirapan ko nalang si Arex at kunwaring nagbalat ng mansanas. Masaya ako. Sa sobrang saya ko ay halos mapunit na nga itong labi ko sa labis na pag-ngiti. Hindi ko rin mapigilang hindi maiyak. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko. Ang dami naming pinagdaanan. Muntik na siyang mawala sa akin at nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan pa kami ng chance na magkasamang muli at maging masaya. Matutupad pa namin ang mga pangako namin sa isa't-isa. "Hey bakit ka umiiyak?"

"Ha?"

"Nakaalis na yung nurse!?"

"Ganun ba? Wala nakakaiyak palang magbalat ng mansanas?"

"Sus mahal? I love you! Mahal na mahal kita."

"I love you too Arex.."

To be continued...

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now