KABANATA 12: "Match Making"

1.1K 17 0
                                    

                      KABANATA 12
                    "Match Making"

···KRIS···

Napapangiti nalang ako habang minamasdan si Arex. Papunta na kasi kaming cutie bar. Gaya ng sinabi ni Arex ay ipapakilala niya daw ako sa mga kaibigan niya. Pero nung dinaanan namin si Jenny, dito na kami sa back seat umupo. Ang ending nag mukhang driver si Arex. Kandahaba tuloy yung nguso niya. Ang totoo ang cute niya. Hindi ko inaasahan na para siyang bata kung magtampo.

"Mahal, huwag mo akong pagtawanan. Pssh. Kainis naman kasi dito ka na sa tabi ko!" Napabungisngis ako kaya tinabig ako ni Jenny.

"Ayieee? Mahal? Waaah kinikilig ako haha. Mahal na pala tawagan niyo ah? Dapat irog! Mas unique." Sobrang laki ng ngiti ni Arex this time habang nakatingin sakin.

"Haha, Jenny ang galing mo! Irog dito ka na kasi sa tabi ko?" Nakuha niya pang kindatan ako.

"A-Arex ilubay mo yan!" Halata namang nangiinis siya!

"You're cute!" Hindi ko nalang siya pinansin dahil talagang sobrang pula na ata ng mukha ko. Pakiramdam ko buong mukha ko ay nagiinit na.

"Pssh. Jenny? Basta pumayag na si Arex na samin ka na muna tumira? Pwede mo namang dalawin yung pamilya mo. Makakapagpadala ka pa ng pera sa kanila dahil may trabaho ka na." Iniba ko nalang yung usapan, nakakainis yung ngiti ni Arex. Kapag ganyan yung ngiti niya. Hindi mapakali yung puso ko.

"Wahaha Kris ang obvious mo! Arex yung mahal mo change topic!"

"Jenny ako ang bestfriend mo ah? Bakit parang pinagtutulungan ninyo ako?" Ako na nakairap sa kanilang dalawa. Napasibangot tuloy ako.

"Bestfriend nga kita pero mas loyal na ako kay Arex ngayon! Boss ko yan ee. Hehe." Tss. I rolled my eyes kasi naman nag-apir pa sila!
       
"Haha mahal ano ka ba? Ngumiti ka nga! Nandito na tayo." Inirapan ko si Arex.

"Kris, nakakatuwa ka maasar! Tara na nga!" Inakbayan ako ni Jenny kaya pumasok na kami. "Kris! I'm so excited! Baka mahanap ko dito si Prince Charming!" Bulong sakin ni Jenny.

Napangiti tuloy ako. Yun din kasi ang gusto ko para sa kanya e! Ang makahanap din siya ng tulad ni Arex.

···AREXON···

"Lucas pare!" I tap his shoulder.

"Oh? Nasaan na yung bride mo?" Grabe kailangan nanghahaba ang leeg?

"Aray pare! Bakit parang hindi ka masayang makita ako?" Biro ko sa kanya sabay suntok sa dibdib ko.

"Gago! Sawa na ako sa pagmumukha mo! Haha!" Sabay pa kaming napatawa.

"Pasalamat ka masaya ako! Damn. I feel so alive Lucas. Nasaan na sila Kevin?"

"Nasa VIP room na. Nasaan na nga si Kris?"

"Bakit ba excited kang makita makita yung mapapangasawa ko?"

"Wala ka na dun!" Naningkit yung mga mata ko. Bwisit paano kung magkagusto din siya kay Kris? Lagot kayo sakin!

"Hoy Arex! Tigilan mo ako ng tingin mong yan! Hindi ako tumatalo ng kaibigan!"

"Mainam na yung malinaw! Pssh. Oh ayan na pala sila ee." I hold her hand. "Mahal are you nervous?" Umiling siya kaya pinisil ko yung kamay niya. Nakasunod naman samin si Jenny. Malaki na siya kaya na niya sarili niya haha.

"Mahal si Lucas. Isa sa matatalik kong kaibigan."

"Ikaw pala si Kris? Kaya naman pala nabaliw sayo mga kaibigan ko. Nice to meet you finally."

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon