KABANATA 16: "Food Tasting"

855 15 0
                                    

KABANATA 16
"Food Tasting"

···KRIS···

"Oh mahal? Nandyan ka na pala?" Tsk. waaah! Nakakainis yung ngiti niya! Nakangise siya at alam kong nangaasar pa din siya!

"Arex nakakainis ka!" Ako na inirapan pa siya.

"Oh? Mahal anong ginawa ko?" Pssh. Maang-maangan pa.

"Yang ngiti mo nakakaasar!" Nilapitan niya ako at niyakap. Ayan na naman itong puso ko! Lagi nalang. Haissst.

"Haha. Ano ka ba naman mahal, natutuwa lang ako sayo. Teka, bakit hindi mo isinuot yung mga pinamili natin?" Pants at t-shirt lang kasi ulit suot ko. Ewan ko ba, nakakailang kasi yung mga pinamili namin. Masyadong mahal, isa pa yung mga sapatos ang tataas ng takong.

"Eh, mahal kasi hindi ako sanay isuot yung ganun? Tsaka, mas komportable ako sa ganito."

"Mahal, masanay ka na okay? Sige naman na mahal, excited pa naman akong makita ka sa mga pinamili natin."

"Kasi Arex."

"Please?" Aisst! Fine! Kaasar bakit ba kasi ang cute niya mag-please?

"Okay. Saglit lang ako." Tumalikod na ako sa kanya at pumanik pero hindi pa ako nakakalayo.

"I love you Kris." Napahinto ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nakagat ko din yung ibabang bahagi ng labi ko dahil kung hindi baka napatili ako sa sobrang kilig. Alam kong sobrang pula ng mukha ko kaya mabilis akong tumakbo papuntang kwarto ko.

···AREXON···

Pagpasok niya sa guest room ay nagbihis na rin ako pero hindi ko pa rin mapigilan ang pag-ngiti ko. Kung minsan ay napapasipol pa ako. Hanggang sa hinintay ko na siya dito sa sala ay hindi pa rin ako maka-get-over sa issue sa baby. Kasi naman sila daddy! Pero masaya ako. Masaya akong hindi nagalit sila mommy. Tanga rin ako e! Bakit hindi ko naisip na sa dami ng pera nila, e kaya nilang mag-hire ng investigator? Tsk. Pero okay na rin yun, atleast hindi ko na kailangan pang ipaintindi sa kanila. At mabuti nalang talaga tanggap nila si Kris. Kasi kung hindi? Kaya kong iwan lahat ng meron ako para lang sa kanya. Para kay Kris. Ganun ko na siya kamahal na kaya kong piliin siya against sa lahat ng meron akong kayaman ngayon. She's my world. She's my everything. Tsk. Ang laki na talaga ng pinagbago ko. From babaero to seryoso! Aissst! I do love her! She's my everything at hindi ako papayag na may makaagaw pa sa kanya sakin. Ngayon ko lang din na-realize na napaka-swerte ko sa mga magulang ko. Naisip ko tuloy na ang sama ko pala dati? Puro inom, barkada, babae! Pero inintindi nila ako. Palagay ko nga kaya ako gustong ipakasal ni Daddy sa Jessa na yun ay para turuan ako ng leksiyon.
Mabuti nalang din at naintindihan na ni Jaypee na ako ang mahal ni Kris. Pero ramdam kong iniiwasan ako ni Jaypee. Tulad kagabi. Hindi siya dumating na ngayon lang nangyari. Aminado ako na nalamatan yung samahan namin. Pero sana isang araw, bumalik yung dati naming samahan. Ayoko rin namang kung kasama ko sila Lucas ay wala siya. O kung siya naman ang kasama nila ay wala ako. Nakakalungkot pero hindi ko naman kayang ipaubaya nalang si Kris. Ngayon na lang ulit ako nagmahal! After ng panggagago sakin ni Jessa nung High School? Shit! Ngayon nalang ulit! At palagay ko nga, ngayon lang talaga ako nagmahal! With Kris? Pakiramdam ko lahat bago! Yung mga tingin niya, yung ngiti niya. Yung pagiging inosente niya, nakakatuwa na napapabilis niya ang tibok ng puso ko. Everytime she's near? Shit! Ewan ko ba. Marami na akong nakasamang babae noon, pero si Kris. Iba e! Laging may kuryente! Laging pakiramdam ko nakalutang ako. Haist korni!
Naramdaman ko na siya sa likuran ko kaya nilingon ko siya. She's simple and innocent. I love her damn it! Ang sarap niya pang asarin. Inirapan pa ako aisst! I want to hug her! Ang cute niya mainis. Tsk. Ano ba yan! E wala naman talaga akong pangit na makita kay Kris e! Kahit ata kapintasan niya mamahalin ko pa rin.

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Where stories live. Discover now