KABANATA 20: "Realization"

821 13 0
                                    

KABANATA 20
"Realization"

···AREXON···

Sinalubong agad ako nila Lucas pagkababa ko pa lang ng sasakyan.

"Arex! Si Kris! Palagay namin ni Lucas, may masamang balak sa kanya si Jaypee!" Si Jenny.

"Akala ko ba ikaw ang kasama niya Jenny?" Malamig kong tanong, ngayon ko mas napatunayan na si Kris nga ang nasa litrato, hindi ko mapigilan ang galit ko! Ewan ko pero pakiramdam ko niloloko ako ni Kris! Bakit ang sabi niya sakin ay si Jenny ang kasama niya? Then may magse-send ng picture sakin ni Kris na may kasamang lalaki? At ngayon parang ang lumalabas ay si Jaypee yun? Arggh! Gustong-gusto ko ng magwala pero nagtitimpi ako.

"Teka lang Arex relax ka lang!" Si Lucas, pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Relax? Really huh Lucas? Alam mo ang pakiramdam ng niloko! You should know dahil iniputan ka din sa ulo ng ex mo!"

"Arex please, nawawala ang bestfriend ko at kasama niya ang taong malamang ay may masamang balak sa kanya!" Si Jenny. Pero ewan ko ba tinatalo ako ng galit. Ipinakita ko sa kanila yung litratong pinadala sakin.

"Diyos ko! Si Kris ba ito? Arex, tumawag kasi sakin si Kris kanina sabi niya nasabi nga niya sayo na kami ang magkasama, pero ang totoo ay makikipagkita siya kay Jaypee may ibibigay lang naman daw na regalo.."

"So nagsinungaling nga sakin si Kris? Tell me Jenny? Ilang beses niyo na ba akong niloloko? Ilang beses mo ng pinagtakpan si Kris para lang makipagkita siya kay Jaypee?!" Shit! Halos bumiling yung mukha ko sa lakas ng sampal ni Jenny. Oo masakit ang sampal ni Jenny pero mas masakit ang nararamdaman ko! Si Kris lang ang tanging babaeng minahal ko ng ganito!  Masakit sakin na makitang may kasama siyang iba! At isa pa bakit kailangan niyang magsinungaling sakin? Bakit hindi niya nalang sinabi sakin na makikipagkita siya kay Jaypee!

"Hoy Arexon! Malinis na babae ang kaibigan ko! Yang picture na yan hindi ko alam kung paano nangyari yan! Wala ka bang tiwala sa kaibigan ko? Ikaw lang ang mahal niya! Hindi mo man lang ba naisip na baka sinet-up siya? Na pinlano lahat ito ng Jessa na yun at ng kaibigan niyong si Jaypee para mapaghiwalay kayo? Tangina Arex! Napakababaw mo! Ganyan mo pala kamahal ang kaibigan ko! Na isang litrato lang hinusgahan mo na agad! Hindi mo man lang na naisip na baka na-rape si Kris?" Tama si Jenny, shit! Dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko, hindi na ako makapag-isip ng tama!

"Oh Kevin shit sigurado ka ba? Sige papunta na kami."
                                                                   
"Lucas, anong sabi ni Kevin?"

"Si Kris, nasa bahay nila Jaypee." Hindi ko na hinintay yung sasabihin ni Lucas. Agad kong kinuha yung susi ng sasakyan ko. Hayup ka Jaypee! Itinuring kitang kaibigan! Akala ko ba sports ka? Fuck! Mapapatay talaga kitang hayup ka! Hinding-hindi kita mapapatawad! Pagkaparada ko pa lang ng sasakyan ay agad akong bumaba.

"Pare.." Naabutan ko si Kevin na nakasandal sa sasakyan niya.

"Sigurado ka ba pare? Nandito ba si Kris?"

"Oo sinundan ko sila and guess what! Nakita ko si Jessa na lumabas sa bahay na yan! Ibig sabihin mukhang magkasabwat talaga ang dalawang yun. Shit ano bang nangyayi kay Jaypee?"

"Ewan ko pero mapapatay ko siya!" Grabe gigil na gigil ako!

"Sir sino pong kailangan niyo?"

"Nasaan ang amo mo? Si Jaypee nasaan?" tanong ko sa security guard.

"Nasa loob po." Hindi ko na siya hinintay na matapos, pumasok na ako sa loob. Kabisado ko ang bahay nila Jaypee dahil madalas din kami dito noon. Agad kong hinanap yung kwarto ng walanghiya! Naka-lock kaya naman sinipa ko!

MY CONTRACT WIFE ✔️(Published under immac)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon