"Sira ulo ka ba? Hindi mo ba nakikita? Design yan! Design yan! Hindi yan mantsa!" nangigigil kong sabi sa kanya. Napakapit ako sa noo ko nang makitang madami dami na din siyang nalabhan. Tiyak na madami din syang ni bleach.

"Well, it looks stain to me." he said nanchalantly kaya mas lalo akong naasar.

"Bwisit ka! Bwisit ka talaga kahit kailan!" inihampas ko sa balikat niya ang kinukusot niya. "Tumabi ka nga dyan!" singhal ko sa kanya at umupo para ako na ang magkusot ng iilang damit na tira. Nakakabuwisit! Tinabig ko ito pero hindi ito natinag at nakikusot din ito ng damit.

Lumipas ang ilang sandali na walang nagsasalita sa amin. Tunog lamang ng mga kinukusot na damit ang maririnig habang ako'y nakabusangot pa rin. Nakikita ko sa peripheral view ko na patingin tingin ito sa akin.

"You're really beautiful, you know." anito. Hindi ko siya pinansin.

"I really miss you, baby. Every fvcking day." pahayag nito. "I wish I could turn back time." mahinang bulong nito pero naabot ng pandinig ko.

"Kapag di ka nanahimik diyan, isusupalpal ko sa'yo tong nilalabahan ko." banta ko sa kanya na hindi pa rin siya nililingon. Hindi na ito nagsalita na ipinagpasalamat ko.

"Hold me now
It's hard for me to say I'm sorry
I just want you to know..."

Muntikan ko na siyang lingonin nang marinig ko ang malamig at buo niyang boses habang nagkukusot pa rin. Marunong palang kumanta ang lalaking ito. Pang matandang kanta. Matanda na kasi.

"Hold me now
I really want to tell you I'm sorry..."

Kahit ayaw ko, kusang nagtindigan ang balahibo ko sa ganda ng boses niya. Medyo hindi na rin ako makapag-concentrate sa pag lalaba. Nangingilabot kasi ako sa pinaggagagawa niya.

"After all that we've been through
I will make it up to you
I promise to..."

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin pero nagkukunwari akong di ko siya pinapansin.

"And after all that's been said and done..."

Alam kong nakatitig siya sa akin pero sa pagkakataong ito' y hindi ko malabanan ang titig niya. Naiilang ako sa pagkanta niya.

"You're just a part of me I can't let go"

At hindi ko na napigilan ang sarili kong lingunin siya at napaawang ang labi ko. Dahil hawak na pala niya ang kanan kong kamay at itinataas ito upang igiya sa kanyang mga labi habang madiing nakapikit. Dinampian niya ng halik iyon, matagal. Walang pakealam kahit may bula pa. Unti-unting nagmulat ang mga mata nitong binabalutan ng makakapal at malalantik na pilik.

"Alyanna, I will do everything to make you mine again. Because you are mine from the very start." wika nito habang nakatingin ang bughaw niyang mata sa akin. Punung puno ng intensidad at pangungulila. Bigla kong naramdaman ang pamilyar na tibok ng puso ko. Ang pamilyar na tibok na una kong naramdaman noong labing tatlong taong gulang pa lamang ako.Ang pamilyar na ritmo na kay tagal na nagmaliw at ngayon ay tila nagbabalik.

No. This can't be!

Padarag kong inagaw na tila napaso ang mga kamay ko sa kanya at tumayo. Para akong nagising sa isang hipnotismo. "Tapusin mo yan!" utos ko bago ko siya nilisan.

Marami pa akong pinagawang pagpapahirap sa kanya. Kahit di na trabaho ng isang PA ay pinagawa ko. Tinitiyak kong pinahihirapan ko siya. Wala naman itong reklamo kaya mas naiinis ako. Dahil di ko makuha sa kanya ang reaksyong gusto ko.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Where stories live. Discover now