"Girl. Gutom lang yan. Kaen na lang tayo" pambasag ni Vanna kay Micah
Nakabalik na nga kame sa table namin at pinasingit na lang namin si Reiza at Lourdes dahil mas gusto daw nila kame katabi.
*BURP :3
Nabusog ako dun huh. Sarap ng foods! Heaven.
"Io, CR lang kame retouch retouch. Alam mo na" paalam ni Harry saken at ngayon dalawa na lang kame natira ni Reiza.
"Sarap ng pagkaen nu tol? Busog much ako" sabi ni Reiza at hawak sa tiyan
"Uo tol. Sarap! Busog din ako :)"
"Mukhang matatagalan pa yung mga yun. Tara picture muna tayo" pagyayaya ni Reiza sabay labas ng phone niya at nag-umpisa na nga kami magpicture. Matapos ang ilang pose at click. Nanawa din kami ni Reiza kasi wala na kameng maisip na pose. Maya-maya lang napansin ko na parang may tumabi sakin at pamilyar yung boses niya.
"Hi Io :)" sabi nung tumabi saken at paglingon ko. Hindi nga ako nagkakamali sa akala ko. Sh*t si Heinz nga.
"Hello..." cold kong sabi at nagkatitigan kame ng mga .8 secs at binigyan ko lang siya ng Anong-ginagawa-mo-sa-tabi-ko look sabay inirapan ko siya at binalik ang atensyon ko kay Reiza na nakangiti lang din na nakakaloka at mapang-asar. Ano na Nesh at Beth??
Akala ko ay umalis na si Heinz sa tabi ko dahil hindi ko na narinig ang boses niya. Paglingon ko, andun pa din siya sa likod ko at tinitigan lang niya ako. Inalis ko ang tingin ko sa kanya dahil feeling ko sobrang pula na nang mukha ko. It took us 5 minutes of silence ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko, take note, ng MAHIGPIT!! Syeeettt :(
Hindi ko alam kung matutuwa ako o lalong magagalit
"Ngayon, dahil nasa tabi mo na ako hindi ka na makakawala (evil laugh) >:)"
"Ano kamo Heinz? Just to check at in case you forget. Hindi na tayo diba? Ikaw nga nakipaghiwalay diba? Nakalimutan mo na?" Naiinis na ako. Nakadrugs ba to ngayon? Naumpog ang ulo ng matinde at wala ng maalala? Urgh :/
"Ano yan huh?? Hoyy Heinz ang tinde ng kapit ng kamay mo aa. Wagas wagasan yan huh??" pasimpleng bulong ni Beth saken habang kitang-kita ko ang wagas na ngiti ni Heinz na kita pa ang mga pangil. Hayyss salamat Beth. Binigyan ko muna si Beth ng Dito-Ka-Muna-Wag-Ka-Muna-Umalis-Kundi-Patay-Ka-Sakin look at mukhang naintindihan yun ni Beth
"Hindi ko din alam bessy, bigla na lang sumulpot at hinawakan na kamay ko. Kapal ng mukha diba?"
"Bessy ano ka ba?? Ayos lang yan at least successful ang plano naten. Go lang ng go jan" mahinang bulong ni Beth. Pero ayaw ko pa din sa mga ginagawa niya. Parang ang sitwasyon ngayon ee the joke was on me. Hayyy life :(
Dahan-dahan ko inalis ang kamay ko sa pagkahawak ni Heinz
"Ano ginagawa mo??" tanong ni Heinz sabay hinila niya ulit ang kamay ko, pero this time dalawang kamay na niya ang gamit niya.
"Bakit ba? Bakit mo ba hinahawakan kamay ko?"
"Wala lang. Ayaw mo ba?" Sh*t impakto ka Heinz Hernandez (-_-). Hindi lang dun tumigil may paakbay-akbay pang nalalaman. Inaalis ko lang at binabalik niya lang din ulit. Mukhang tanga lang. Hindi ko napansin na wala na pala si Beth sa tabi ko.
Lumipas ang ilang games at performance na kasama sa program pero andito pa din ako, katabi ko ang mukhang tangang si Heinz. Nang biglang nagdim lights. . .
"Ok students, teachers, everybody. Feel free to dance in the dance floor. LET'S PAAAAAAARRRRRRTTTTTTTTYYYYYYYY"
Sheeemaaayyy!! Nataranta na yung ibang psych students sa ibang section at naging wild. Samantalang ako kalmado akong tumayo sa kinauupuan ko para pumunta kila Beth at magpasama sa CR.
"Bessy. CR tayo" mahinahon kong sabi kahit malakas ang tugtog
"Anu ba yan. Sasayaw na ee. Hmmphh sige na nga" angal ni Beth pero sinamahan pa din ako. Hahaha xP
"Oh mag retouch kana o kung ano man ang gagawin mo dito." sabi ni Beth na halatang atat na sumayaw
"Oo na! Kalma lang!" sabi ko sakanya
After I take a pee and konting retouch, lumabas na kami sa CR. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-open up kay Beth
"Bessy. Naiinis ako kay Heinz. Bakit ganun siya? Bakit napaka impakto niya?"
"Ano ka ba Io. Ayaw mo nun? Isa lang ibig sabihin nun. Effective ang plano naten. Kaso nagreresist ka ee, naiinis ka sa kanya. Natutuwa siya kapag ganun ka. Kaya umiimpakto mode siya. Kuha mo ba bessy? Ang goal naten is magmukhang tanga siya hindi ikaw!"
Naiiyak ako sa mga sinasabi ni Beth saken. Tama siya. Ako dapat ang naghihiganti ngayong gabing to. Gabi ko to. Payback night ko to sa lahat ng sakit na pinadama niya. "Thanks bessy. Salamat talaga >:)" sabay yakap sa butihing supportive friend ko. Love you Beth
"Tara na ano pang ginagawa natin dito?? Party party!!!" hatak ko kay Beth at sinalubong namin ang iba namin klasmeyt sa dance floor. Kanya-kanyang sayaw kami at naghihiyawan. Sobrang enjoy talaga! Akala mo mga first time lang namin sumayaw. :-) Bwahahah!!
********
After ng ilang party songs, grabe sobrang pagod na pagod kami! Superr! Sila Steff at Micah nagsasayaw pa din. Walang tigil mga te?? Hahahaha. Kami naman nila Beth, bumalik muna sa table at nagpahinga saglit.
Chika dito, chika there. (^_^)
Tumagal ng ilang minutes, biglang nag bago ung kanta! Naging love song!
Nagkahatakan na ng partner sa dance floor.
Nakita ko naglalakad papalapit samin si Dharwin. Nako. Sino kaya isasayaw neto? As usual, kay Nesh lumapit. Syempre, galak na galak naman yung isa. Pa-chicks pa, sasama din naman. Tss. Hahaha! :P Aba! at si Chu, may partner na rin! Si Xian naman ang kasayaw niya. Lupeeet! Si Steff at Micah naman mga taga-ibang section ang kasayaw. Si Reiza at Lourdes, nakaupo lang din sa isang tabi.
Si JP naman, niyaya si Beth.
Okay. Ako lang magisa natira. K. (-_-)
Ang sweet naman nila tignan habang nagsasayaw. Yung iba kinikilig, yung iba naman halatang napilitan lang sa mga kasayaw nila. Hahaha xD
"May I??" may biglang lumuhod sa harap ko at inilahad ang kamay niya ngayon. Pagtungo saka ko napansin na si Heinz pala yon. Ayy?? Halaaa wait!! Isasayaw niya ako o_0
--- END OF CHAPTER 16 ---
Nakapag UD na din sa wakas. Salamat sa malaking tulong @IraJara haha xD
Enjoy :)
BINABASA MO ANG
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
Chapter 16
Magsimula sa umpisa
