-- Dilemma
Heinz's POV
Napagdesisyunan ng tropa na umuwe na lang din muna dahil na din sa nangyari saken. Aaminin ko na pagod ako at masakit pa din ang katawan ko sa mga natamo kong sapak, bugbog at kung anu-ano pa. Buti na lang at walang tao sa bahay ngayon dahil sandamukal na sermon na naman ang aabutin ko kay papa. Kumuha ako ng mga ice cube sa ref at nilagay ito sa ice bag sabay dumiretso na sa kwarto. Dumiretso muna ako din ako sa CR para mag-shower, pakiramdam ko kasi napakadumi ko, ang dumi-dumi ko. Ikaw ba naman pagtatadyakan, pagsasapakin at sipasipain ee.
Hawak ang icebag ay nahiga na ako sa kama ko, nang bigla ko maalala na itext pala si Io kung nakauwe na ba siya. Mas ok siguro kung tatawag na lang ako
Alerting BebeKo
Ring. . .
ring. . .
ring. . .
"Nakauwe ka na?"
[ Kakapasok lang nang gate. Ikaw? ]
"Ito nakahiga na ako. Bukas na lang aa. Sobrang sakit pa din kasi ng katawan ko ee, saka kumikirot pa din. Pero mukhang hindi ako makakapasok bukas. Punta ka na lang dito sa bahay"
[ Anong oras? ]
"Basta titext kita. Ge na. Buhbye! Love you"
[ K! ]
END CALL
Toot toot
Hindi ko pa din maisip kung sino ang pwedeng makagawa saken ng bagay na yun! Wala talaga akong matandaang pinagkaka-atrasuhan ko, o di kaya ay pinagkakautangan. Posible kayang si. . . ? hindi din mukhang malabo mangyari yun. Hmmm
Naalimpungatan ako dahil sa may tawag saken sa cellphone ko. Anong oras pa lang? Alas tres pa lang ng madaling araw! Hindi ko na tiningnan kung sinuman ang tumatawag dahil hindi ko pa din maimulat ng maayos ang sarili kong mga mata kaya direktang sinagot ko na lang ang tawag
"Hello, sino 'to?"
[Azazel' to pre, anyare sa'yo?]
"Tangina mo pre. Alas tres pa lang ng madaling araw, saka ko na ikwekwento sa'yo pag-uwe mo dito sa Pinas!"
[Ok sige. Pauwe na ako sa isang araw!]
"Ge ingat k. . ."
toot toot
Loko yun aa. Binabaan ako! Inistorbo na pagtulog ko binabaan pa ako ng tawag. Makabalik na nga lang sa pagtulog
~ ~ ~
"Hoy Boguz! Saan ka na naman galing? At ano yan ha? Andami mong pasa at gasgas sa katawan. Akala ko ba hindi ka na active sa frat mo?"
"Mother. Ang aga-aga ang ingay-ingay mo! Hindi pa nga ako nakakapag-almusal plano mo na ako busugin ng sermon mo. Sana hindi ka na lang nag-business sana naging babaeng pari ka na lang"
"Loko ka talagang animal ka! Pakigising na lang si baby Harvey at sabi niya may lakad daw siya mamayang after lunch"
"Pss! Kaya naman nang gumising ng bobo mong anak mag-isa. Bahala siya!!"
"Ok, tatawagan ko na lang si baby Harvey mamaya. Hindi ka talaga maaasahang animal ka! Sige na aalis na ako at may executive meeting pa akong hinahabol"
VOCÊ ESTÁ LENDO
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
