Chapter 10

57 1 1
                                        

---- Wishes in a Bottle

Heinz's POV

Ang dame namin sa loob nang taxi. Sobrang sikip at halos di na kame makakilos sa loob sa sobrang sikip. Lima kameng nasa likod at si Micah ang nasa may upuan sa harap.

Unang beses ko makakasama ang mga 'to sa inuman. Ano kaya kahahantungan nang mga kasama ko? Sana walang mag-maoy.

Malapit na kame sa riverside. Naisipan kong buksan ang bintana dahil malapit ako dito at sumindi nang yosi

"Baka mahuli tayo niyan boy." sita sakin nung driver na hindi ko pinansin

"Gago ka talaga" sabi naman ni Micah

"Kaliwa na lang po tayo jan 'nong" dugtong ni Micah

mukhang malapit na kame at naisipan kong kumuha nang isang bote at inilabas ko ang ulo ko sa bintana pati ang isang bote na hawak ko sa kamay ko.

"SHAAAAAT NAAA MGA TAAAANG*NAAAA NYOOOOO" sigaw ko

- - -

Io' s POV

"Si Heinz na yun. Andyan na pala sila. Naks" sigaw ni Steff. Bukod sa bilib ako sa babaeng 'to, pati sa bunganga nito bilib din ako.

"Ano tara na?" yaya ni Heinz at sabay akbay na naman nito sakin. Yung totoo, hindi pa kami nito aa. May akbay na agad? Pero I find it sweet :')

"Teka, nga pala, wala pa tayong doof. Nakalimutan namin kayo itext." sabi ni Micah na kakatapos lang magbayad nang taxi

"Hala paano yan?" sabi ni Steff na may paawa face

"Di na lang namin kayo babayaran sa mga napamili niyo. Bibili na lang kame nang pagkaen na pag-aambag ambagan din namin. Kwits naman na di ba? suggest ni May

"Pwede din. Sige na nga" sagot ni Micah

kanya kanyang bigay sila nang 50 dahil yun ang napagdesisyunan namin lahat.

"Ayy,  Io, pasabay na din pala nang yosi. Isang kaha." pahabol ni Azazel nang 50 pesos

"Sige" sabay kuha nang pera at naglakad na papalayo

Naiwan ang mga boys para umpisahan na ang inuman at kami namang mga girls ang bumili nang magiging pulutan. Ano kaya ang mabibili namin sa halagang 500 pesos?

"Ano bibilhin natin?" tanong ko kay Nesh

"Pagkaing masarap. Tara McDo na lang tayo. Bahala na sila dun" sagot naman ni Nesh na nakapagpatawa saming lahat

"Uo nga. Tama yun" sabat din ni Chu na 1gusto nga totohanin ang binanggit ni Nesh

"Alam ko na, BBQ, mga isaw, dugo. You know?" sabi naman ni Beth na nagbigay samin nang seryosong aura

"Sarap. Saka inihaw na manok. Saka sisig. Kung may sosobra noodles na lang para pampawala nang tama natin mamaya" sabat din ni Chu

"Saan naman tayo magluluto?" tanong ko

"Samin, pwede naman samen!" sabi ni Micah na may pagtaas nang boses

"Hala, galit lang galit lang?" sabi ko dahil nabigla ako sa naging reaksyon ni Micah

"Sorry, pwede magsorry?" balik naman sakin ni Micah at muli na naman kaming nagtawanan

. . . . pabalik na kami sa riverside, sa maniwala kayo sa hinde nabili namin lahat nang yun kanina. May sumobra pa ngang lima kasi 45 pesos lang ang isang kaha nang yosi ni Azazel

at nang makarating na kame sa may riverside. . . . .

"Yun ohh. Ang tagal niyo" sabi ni Zaire sabay

nilapag ko ang mga bitbit ko. Nasakin yung sisig, kay Nesh ang mga barbeque. Si Chu ang may hawak nang inihaw na manok. At yung iba, wala lang, mga tag-along lang. Si Micah naman umuwi sakanila, kumuha nang mga lalagyan at kubyertos.

"WOOOW!" sabay sabay na sabi nang mga boys

"Ang galing niyo, nagdagdag pa kayo? Nga pala, nabili niyo yosi ko?" tanong agad ni Azazel pagtapos mamangha sa mga pagkain

inabot ko ang isang kaha nang yosi kay Azazel. "Haha. Kami pa. May sukli ka pa nga ee" sabi ko

"Wag na. Sa'yo na yan" sagot ni Azazel sabay ngiti :)

"Azel, usog ka. Gitna natin si Io." utos ni Heinz sabay hinila ako at pinaupo nga sa gitna nila ni Azazel

maya-maya pinaikot na din ni Heinz ang tagay samin mga girls dahil siya din ang tanggero. Naayos na din ang mga pulutan at pormal na nga nag-umpisa ang unang inuman namin na magkakasama sama >:)

- - -

Third person's POV

nag-umpisa na nga ang kanilang pagdidiwang. Ang unang inuman nila na magkakasama, na magsisilbi ding marka nang kanilang pagkakaibigan

"Uy gago, tingnan niyo si Louis. Pulang-pula na. Grabe!" gulat na sabi ni Micah dahil nangangalahati pa lang ang kanilang naiinom ay parang lasing na ito sa kanto dahil sa kapulahan nito

"Namumula na ako? Haha. Pero di pa ako lasing. Sige, babaan mo na lang din tagay mo sakin Heinz" utos ni Louis

"Ok sige pre." sagot ni Heinz

"Bossing lang Louis?" sabat naman ni Micah "Sabagay. Bagay din naman, Bossing Xian" dugtong pa nito

"Whoa" sabay sabay na sabi nang mga lalaki at nakatingin lang kay Louis. Napuno na naman nang tawanan ang paligid

agad naman sila nakaubos nang dalawang bote at makakalahati na nila ang panghuli pero mukhang di na lahat makakainom dahil hilo na di  ang iba sa kanila

"Ano kaya pa?" tanong ni Heinz sa mga kaibigan

"Wala na ata pre. Bagsak na sila" sabat naman ni Azazel

"Ui. Bawas na tayong kalat. Tapon na naten tong mga boteng walang laman" sabi naman ni Zaire na akma na itatapon yung bote

"Wag pre. Wag mo tatapon" pigil ni Azazel "Lagyan natin nang laman, lagyan naten nang mga wish naten tapos paagusin naten sa ilog"  dugtong nito

"Sige sige. May papel at ballpen ka jan Azel?" tanong nito na mukhang natuwa sa minungkahi nang kaibigan

"Oh Zaire" sabay abot nang mga gamit ni Azazel kay Zaire

isa isa ngang pinaikot ang papel at ballpen sa bawat isa sa kanila para ilagay ang kani-kaniyang wish.

"Nakapagsulat na kayong lahat?" tanong ni Azazel na medyo naikot na din ang paningin

"Uo tapos na"

"Uhh freeh"

"Ayos na"

"Ge. Oh Zaire, bato mo na. Ayusin mo aa. Dapat di yan lulubog" akmang bato ni Azazel kay Zaire na muntik na ding hindi ito masalo pero buti na lang at nahawakan ito agad sabay buong pwersang ibinato

"Lasing na yata ako" sabi ni Zaire

-----    End of Chapter 10    -----

Chapter 10 na tayo mga tropa ko :)

Sa susunod na chapter niyo malalaman ang laman nang mga wishes sa bottle

Tuloy-tuloy lang po sa pagbasa, salamat ulit sa inyo :)

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now