Chapter 20

163 0 0
                                        

--- Sweetness and Petty fights

Third Person POV

Nagmamadali nang makarating si Io at Heinz sa Rizal Coliseum. Andoon na ang halos lahat sa kanilang mga kaklase at kanina pa sila tinatawag tawagan ng mga 'to.

Kinuha ni Io ang kanyang cellphone sa bag para alamin kung anong oras na. "Anu ba yan? Quarter to ten na ohh, aabot pa kaya tayo??" sabi nito na iritable na

"Ang ingay mo. Akin na nga yang phone mo?" sumbat naman ni Heinz sabay agaw sa phone ni Io

"Akin na yan. . . Ano bang gagawin mo jan??" mas lalong nairita si Io sa ginawa ni Heinz

"Anong number nga ulit ni Beth??" sabi ni Heinz habang nakangiting mapang-asar kay Io

"Bakit??!!" galit na sabi ni Io

"Basta. . . Beth. . . Beth. . . Ayun, nakita ko na" sabi ni Heinz sabay tinawagan si Beth gamit ang phone ni Io

"Hello Beth. Nasa loob na kayo? Sino nang andyan?" sabi ni Heinz kay Beth na nasa kabilang linya

"Aa ganun ba. Sige, paabot naman kay Azazel ohh. Pakausap ako" utos ni Heinz

"Tingnan mo, tayo na lang wala doon. Kasi. . ." ngawa ni Io

"Kasi ano?? Kasi muntik na may. . ." basag ni Heinz na iritable na din kay Io

"TSEE!!" sabi ni Io na may pagtataray

"Pre. May upuan ka na?. . . Aa, may upuan pa diyan sa tabi mo?. . . Ok good, alam mo na aa. Salamat" sabay tinapos na ang tawag at iaabot na kay Io ang phone

"Oh. Ano pa ingangawa mo jan? Tapos na, may upuan na tayo!" sabi ni Heinz habang binibigay niya ang phone kay Io

"Edi wow!!" basag ni Io

"Ano??" pagbalik ni Heinz sa pambabasag ni Io

"Sabi ko, ee di wow!" pag-uulit ni Io

"Isa pa, hahalikan talaga kita!" paghahamon ni Heinz

"Tss. Ee-di-W. . ."

Io's POV

Nakasakay kami sa jeep ni Heinz at naiirita na ako sa sobrang tagal ng biyahe. Paano ba naman, wala pa din kami sa Rizal Coliseum, nasa biyahe pa kami. Tapos inagaw pa ni Heinz phone ko. Tatawagan niya daw si Beth? Ano kayang plano nitong kumag na 'to??

"Tingnan mo, tayo na lang wala doon. Kasi. . ." sabi ko, sa sobrang irita ko habang kausap niya si Beth sa kabilang linya

"Kasi ano?? Kasi muntik na may. . ." sagot saken ni Heinz. Urrgggh, gusto ko siyang saguting 'Uo, kasi ang landi landi mo! Kaya tayo nalate! Letsee ka!'

"TSEEE!!!" yan na lang nasabi ko kasi kausap niya na din si Azazel ngayon at ayoko din naman na ituloy kasi baka kung ano isipin ng mga tao dito sa loob ng jeep

"Pre. May upuan ka na?. . . Aa, may upuan pa diyan sa tabi mo?. . . Ok good, alam mo na aa. Salamat"

Aa okey!! Nagpareserve pala siya ng upuan para hindi na kami mamoblema mamaya. Hindi ko naisip yun, nadala ako ng emosyon ko. Sorry naman!

"Oh. Ano pa ingangawa mo jan? Tapos na, may upuan na tayo!" sabi ni Heinz habang ibinibigay ang phone saken. Gusto ko sanang mag-thank you pero naiinis at asar pa din ako

"Edi wow!!" yan na lang nasabi ko, bahala ka diyang magalit. I'm very pissed off! Magalit ka din bahala ka jan

"Ano??" sigaw na patanung ni Heinz. Haha. Sabi na ee. Pikunin ka din minsan ee nu??

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now