Chapter 31

24 0 0
                                        

--- Art Jean Delicanio

Third Person's POV

Simula nung huling insidente na nag-walkout si Heinz sa klase, lumipas ang maraming araw na hindi na ito masyadong nagpapapasok sa klase. Laging late o 'di kaya minsa'y cutting. Hindi na din siya masyadong nakakasama ng mga tropa dahil nga sa sitwasyon niya. Minsan nga ay tinatanong na nila ang kapatid ni Heinz na si Harvey pati na din ang magulang nito, pero ganun pa man ay wala din silang alam sa mga nangyayari kay Heinz dahil sa sobra din silang busy sa trabaho

"Miss Raja??" tanong ng close na professor ng klase na si Bb. Franciso. Kakapasok pa lang nito at mag-aatendance pa lang

"Yes. . po??" mahinang tugon ni Io

"Bebe. . si Bebe Heinz ba, kamusta na? Bakit hindi na naman pumasok nitong nakaraang linggo??" nag-aalalang tanong ni Bb. Francisco

"Aa. . ka. ." sabi ni Io nang putulin iyon ni Beth

"Hayy naku Bb. F. Wag ka na magtanong jan kung nasaan jowa niyan. Kahit siya clueless din! Sabi ko kasi talian para hindi makawala basta basta at maglalayo, ayun nawawala tuloy!!" malakas na tugon ni Beth "Araay ko!!" angal niya dahil kinurot ni Io ang braso niya

"Maraming salamat sa iyong tugon Ms. Fontanillas! Ikaw bebe Io wala ka bang sasabihin??" malumanay na sabi ni Bb. Francisco

"Ayy wala din po. Sa totoo lang tama po si Beth na wala din po kaming alam sa kung bakit hindi na naman po siya nakapasok ng buong linggo" sagot ni Io

"Ee ang mga tropapips ni Bebe Heinz. Mr. Zaire at Mr. Dharwin, may nais ba kayong ibahagi?? pagbalin ni Bb. Francisco sa dalawa na nasa likod

"Wala din po ee. Kaw Zai baka may alam ka?" - Dhar

"Huh? Ako? Last two weeks ago nag-inom kami pero last week 'di din kami nagkita ee" - Zaire

"Ohh siya sige na. . .Ako na lang ang bahalang gumawa ng paraan para makontak o makipamalita kay bebe Heinz. Maaring pakilabas na lamang ng aklat at ilagay ito sa pahina ika-tatlumput siyam. . Paki-basa Ms. Fontanillas"

Pinagpatuloy nga nila ang klase hanggang sa matapos ito. Hindi lamang si Bb. Francisco ang naghahanap kay Heinz. Halos lahat ng kanilang prof ay hinahanap si Heinz dahil sa malapit na nga din ang midterm exam at ang iba pa nga ay binabalak na i-drop na siya sa kanilang klase. Kundi lang din sa pakiusap ng buong klase ay marahil wala na ang pangalan ni Heinz sa ibang subject

- - -

Uwian na. Lahat sila ay sabay-sabay na lumabas. Patingin-tingin si Io sa kaniyang cellphone dahil sa nagbabakasakaling sa pagkakataong ito ay may text na mula kay Heinz. Matapos ang nangyari nung huli ay hindi na masyadong natawag at nagtetext si Heinz kay Io. Nagkikita sila pero hindi sila nag-uusap o kahit kibuan man lang. Dalawang beses sa isang linggo ang kanilang pag-uusap sa text nga lang ito at ang pinakamatagal pa nito ay hanggang dalawang oras lang. Pero nito lang nakaraang linggo ay napansin nga ni Io na hindi man lang nagtext si Heinz kahit ni isang "Ha" o ano ay wala siyang natanggap

"Ano? Nagbabakasakali ka na naman na umilaw yang cellphone mo?? Gaga ka talaga" naiiritang sabi ni Beth

"Ayy hindi. . tinitingnan ko ang oras! Porket nakatingin sa cellphone text na ba kaagad? Tss" pambabara ni Io

"Hayy. Ikaw pa ba? Ilang linggo ka nang ganyan, ngayon lang kita pinansin. Ano? Oras pa din ba ang tinitingnan mo??" pambabalik ni Beth

"Tss!! Tara na ayan na yung jeep. Umuwi na tayo" sabi ni Io sabay hila sa kamay ni Beth pasakay ng jeep para lamang matigil siya sa pagsasalita

Kinuha ni Beth ang kanyang IPod Shuffle sa kanyang bag saka nilagay sa tenga ang headset at pinatugtog ito. Si Io naman ay nakatulala lang sa labas ng jeep dahil nasa may daanan siya nakaupo. Maya-maya ay natigil si Io sa kanyang pagkatulala sa jeep dahil kinalabit siya ni Beth kaya naman napatunghay agad siya sa gawi ng kaibigan

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Nov 10, 2015 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Infinite Loop (on Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt