Chapter 30

22 0 0
                                        

--- May Paglalandi, may Pagseselos

Io's POV

Gaya nga ng sinabi ni Beth, pinagpatuloy ko lang na maging isang girlfriend kay Heinz. Kahit na sa loob loob ko ay alam ko na may bagay pa din siyang hindi niya sinabi o wala talaga siyang lakas nang loob na sabihin. Pero kahit pa na ganun ay ramdam ko na mahal niya na nga din ako dahil sa mga ikinikilos niya, mga sinasabi at ginagawa niya sakin. Ayokong mag-asume at hindi din naman ako nag-aassume dahil nakikita ko yun, pati na din nang aking mga kaibigan. Isa lang din ang patuloy na gumugulo at parating tanong ng isip at puso ko, kung mahal niya ako, ano ang tawag niya sa fiance niya? Mas mahal? May ganun ba??

Papasok na ako sa school at mukhang napaaga ako dahil wala pang katao-tao sa loob ng classroom pero bulas naman ito kaya naman pumasok na lang ako. Umuupo ako sa pinakadulong upuan sa likod, kinuha ang headset at ang IPod ko saka nakinig dito. Maya-maya ay nagulat ako nang may nakita akong may tao na nakatayo sa harap ko, matangkad kaya tiningala ko siya, pero nang makita ko siya ay tinitigan ko siya nang matagal. Hindi ko napansin na napangiti ako hanggang sa alisin ko ang tingin ko sa lalaking ito. Matangkad, maputi, chinito, mukhang good boy at ang ganda ng ngiti niya. Binalik niya sakin ang aking pagngiti kanina kaya naman napayuko ako. Naramdaman ko ang biglang pag-init nang mukha ko at mas lalong nag-init yun nang bigla siya nagsalita

"Io Jade" sabi niya na ikinagulat ko, aaminin ko din na nakaramdam ako nang konting kilig. Hindi ko pa din inaangat ang mukha ko kahit na tinawag niya ako sa pangalan ko dahil alam ko na namumula pa din ako

"Io Jade. Tama 'di ba?" sambit niya ulit kaya sinagot ko lang siya nang pagtungo dahil inuulit ko kinikilig talaga ako dahil sa sobrang kilig. Ang pinagtataka ko lang din ay kung bakit? Malanding umaga?

Ilang saglit pa ay nakita ko ang kanyang kamay na nakahawak sa baba ko at inangat niya ang ulo ko na mas kinagulat at kinakilig ko "Tingnan mo naman ako, I want to see you gorgeous" sabi nito sabay ngumiti ulit na nakakaloko naman this time. He was about to kiss me nang may biglang nagbukas nang pinto sabay pasok nang janitor

"Anong oras klase niyong dalawa?" - Janitor

"7:30 po" sabay namin sinabi ni kuyang pogi

"Ganun ba, sige antayin niyo na lang yung professor niyo" sabi ni Janitor sabay alis

Pagkasara na pagkasara nang pinto ay nilagay ni kuyang pogi ang kanyang kamay sa ibabaw ng desk ko sabay nilapit niya ulit ang mukha niya sa mukha ko. Wala akong naging ibang reaksyon kundi ang pagpikit. Inilapit pa niya ang mukha niya. . . palapit nang palapit hanggang sa lumihis iyon nang direksyon, papunta siya tenga ko. Sisigaw na sana ako nang bigla siyang bumulong "I don't want to be rude on our first meeting pero napakaistorbo pa din talaga nung janitor na yun. But the next time that we will be alone together, I promise you that I will give you more than a kiss. Okay, my princess?" sabi niya sabay lakad palabas. Ako naman ay ito naiwang tulala, nakatingin sa kawalan dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko. Nang makawala ako sa kalandian ko kay poging stranger ay napansin ko na may papel sa ibabaw ng desk ko

You're a princess. . . I will be your prince
My name is Art
text me, call me anytime you want ^_^
0918****258

Agad kong kinuha ang cellphone ko para isave ang number ng aking prinsipe, choss!! Ni Art na super pogi, na sobra makapagpakilig at makalaglag panty!! Kyaaaahhh. IO JADE!! MAGHUROS DILI KA!! Hinampas hampas ko ang pisngi ko, tingin ko nanaginip pa din ako sa kama ko, nahilik at tulo laway. Pero habang ginagawa ko yun ay pumasok bigla sa isip ko si Heinz. Uo nga pala may boyfriend ako. . Boyfriend nga ba talaga??

Habang iniisip ko ang bagay na yun ay may biglang umakbay sa akin at hinalikan ako sa pisngi "Good morning bebeko. Ang bango bango talaga nang bebe ko >:)" sabay upo sa tabi ko

Infinite Loop (on Going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt