----- Si Astroboy
Io's POV
Nakakapagod pero nakakatuwa yung mga nangyari kanina. Grabe sila hindi ko kinaya. Walang kaabog-abog yung mga pagsagot nila Nesh at Chu. Pati yung pikong reaksyon ni Beth. Di ko mapigilang matawa sa tuwing naalala ko yun.
Ganito kasi yun kaya naging Astroboy yung CODENAME namen kay Heinz
. . . . Flashback
Sa Computer Class
"Wala na naman atang klase. Wala pa si Mam. Naman!" inis na tono ni Ate Ruth
"Uo nga baka nga wala na naman. Ang aga ko pa naman pumasok" sabat ko mas nakakainip kasi kung 'di ako makikipag-usap
may paparating, si Mam. na ata. Hayyss salamat. Pero teka ang ingay mga boses lalaki. Pamilyar yung ibang boses pero may isa na ngayon ko lang narinig
"H... Hii??!" gulat na sabi ni Zaire pagbukas nang pinto
Sabi na kaya pamilyar saken yung boses sila Zaire, Louis, Dharwin, Azazel, si Heinz at si?? Teka sino to? Ang astig niya. Astig nang aura niya
"Hayy.. Salamat wala pa pala si Mam. Pheww!!" utas ni Zaire
"Ok class. Goodmorning. Take a seat." biglang pasok ni Mam. Andyan na pala siya pero nakakatuwa ang naging reaksyon ni Zaire dahil sa biglang pagpasok ng aming proffesor
"Huwaah" umakto si Zaire na akala mo kakaratehin si Mam. Sabay nagbow na lang ito nang marealize niya ang kanyang inaksyon at ang naging reaksyon ni Zaire sa mukha ng prof
"Yes mister. You can take your seat now." nagpipigil na tawa na sambit ni Mam
"Ok. First of all this is not a Karate nor a Taekwondo class... Haha kasi ito ay Computer 101" hindi na napigil ni Mam ang kanyang tawa kaya sumabay na din ang buong klase
"Ok. Hush class. I'm Ms. Augusta Silvana and I'll be your proffesor for this semester in, I repeat, Computer 101" sabay tawa ulit si Mam.
"Ok. I wanna know each and everyone of you. And tell me what's your greatest ambition. So, I wanna start with Mr. Taekwondo. You can now defend your part" pang-aasar nito kay Zaire
Haha. Ayan napansin ka tuloy ng sobra Zaire. Bleeh :P
"Hi I'm Zaire Exequiel Maximo. 16 years old. I wanna be a renowed chef someday" sabi ni Zaire na may hiya sa tono ng boses nito
"Sorry din po Ms. Silvana. Nagulat lang po kase ako ng sobra." habol ni Zaire
"OK LANG YUN! You somehow made my day. But don't call me with my surname. Call me with my name, Ms. August, same as through all of you in this class. Ok?" maligayang utos ni Mam. She's cool xD
"Next?" habol ni Ms. August. I like her :)
"Hi. I'm Azazel Watabe. Half-Japanese and someday I wanna become a fashion designer" sabi ni Azazel, ohh 'di ba alanganin nga. Haha
sunod-sunod na kame nagpakilala
"I'm Dharwin Apolinario. I'm fifteen and I want to be a History teacher."
"I' m Xian Louis Cruz. Fifteen. I want to be a businessman and manage my own company"
"I'm Fred Elric Cordero. You can call me Dicdic. Fifteen too. Single, Hi girls! And I'm seat-in." sabi nang hindi pamilyar na lalake ang astig nang aura
napansin ko naman ang pagtataka sa mukha ni Ms. at nagtanung ito dun sa Dicdic
"Saan po ang klase nyo? Sorry but I can't let you seat-in in my class all the time. But since you're here. I will allow you." sabi ni Ms. na may halong landi sa boses nito
Haha. Lumalandi ang aming prof aa. Hahaha xD
at nagpatuloy lang ang aming pagpapakilala
"Hi. I'm Heinz Fernandez. Fifteen years old din po. Gusto ko po maging Astronaut at magpunta sa outerspace."
muling nagtawanan ang buong klase. Hanggang sa natapos na ang klase dahil naubos ang aming oras sa pagpapakilala lang namin
"Tara kaen tayo sa likod bago magstart yung next class naten." yaya ni Beth
"Sige"
"Kakagutom"
"Tara na"
habang nakaen ay hindi namin napigilan na pag-usapan ang mga ambition nang mga boys
"Uyy Chu. Hindi ka na pala magugutom kay Zaire ee. Renowed Chef pala ee." asar ko
"Uo nga ee. Ee si Nesh may teacher na. Nakanaks. Hahaha" sagot ni Chu at sabay binaling kay Nesh ang atensyon
"Ee ikaw nga Io, businessman si Louis ee. Yayaman ka nang bongga." baling naman sakin ni Nesh
"Uyy. Beth. Ano nabilaukan ka na jan at hindi ka na nakapagsalita?" pang-aasar ni Chu
"Ayiieeh. Sabagay iniisip lang ni Beth kung sang planeta siya dadalhin ni Heinz, The Astronaut." dagdag ni Nesh
"Hahaha. Nakakatawa nu? Ang saya anu po?" pikon na tono ni Beth
"Asus, kasi may Astroboy ka na kaya ka na nagkakaganyan. Hahaha" pabiro ni Chu
"Ayiiieeeeh. Astroboy!" dagdag ni Nesh
na hindi tinigilan si Beth
tawa lang kame nang tawa nun pwera lang kay Beth na pikon na pikon
End of Flashback . . . .
Haha nakakatawa talaga si Beth sa tuwing napipikon siya. Hahaha xD
Andito lang ako ngayon sa aking kwarto ngayon at nagpapaantok. Kaharap ko ngayon ang aking laptop at nagbabasa lang ng kung ano-anung status.
maya-maya . . .
*FB Pop-up Message
"Hi. Ano yung mga assignment naten?" message ni Heinz
"Aa. Yung sa Bio lang saka sa Philippine History. Wala naman na" reply ko
"Aa. Salamat." sagot nito
"Ok. No prob." reply ko
Maya-maya lang ay nagmessage si. . .
Si Heinz ulit?
"Io" sabi nya
"Bakit" sabi ko naman na nagtataka
"Pwede bang magtanong?" sabi nya ulit
"Aa. Kung tungkol sa mga assignment ayos lang. Ge. San dun?" sagot ko
"Hindi. Gusto kong malaman kung pwede ka ba. . . ."
"Pwede bang. . ." paputol putol nitong sabi
Ano ba to. Bakit hindi niya matuloy tuloy ang kanyang gustong sabihin? Tatanung ko na nga kung ano ba yun nang matapos na 'to.
"Pwede bang manligaw??"
----- END OF CHAPTER 5 -----
COMMENT AND VOTE PO KAYO GUYS. Salamat nang madame :)
Nga pala, mag-uumpisa na ang love story ni Io. Saka subaybayan niyo sa next chapters pa yung mga POV ng iba niyang classmates. ENJOY (^_-)
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
