---- Lady's Finger
Third Person POV
Nagkayayaan ang mga magkakaklase na maglaro. Ayon nga sa sinagest ni Micah, napagdesisyunan nilang maglaro ng Spin-the-Bottle
pinaikot na ni Micah ang bote at nagsimula na silang maglaro
"Before we start, ganito pala ang mangyayari. Kung kanino tumapat ang dulo nang bote siya ang sasagot nang kung anumang itanong sakanya" sabi ni Micah
*Ikot
*Ikot
*Ikot
"At. . . huminto kay. . . CHUUUUUU!!!" sabay sabay silang nagsigawan. Napuno ang ingay ang foodcourt
"PSSSSS" sabay sabay din nilang sinabi
at nagtawanan na ang magkakaklase
"Chu, sino ang pinaka-nagagwapuhan ka sa room? Andito ba siya ngayon?" usisa ni Micah
"Si Zaire. Chinito kase, naaalala ko yung ex ko dahil sa mga mata niya" kilig at walang kaabog-abog na sabi ni Chu
"Ok. Nice one Zaire." patuksong sabe ni Louis at may kasama pang apir
*Ikot
*Ikot
"NEEESHHHH!!" sabay sabay ulit na medyo humina na nang kaunti
"Sino ang Top 3 na gwapo para sa'yo sa room?" muling usisa ni Micah
"Top 3, si Zaire. Si Louis gwapo din naman. Saka si Dharwin." medyo nahihiyang sagot ni Nesh
"3 si Zaire, 2 si Louis at ang 1 si Dharwin? Ganun ba Nesh?" kinikilig na tanong ni Micah
"Uo" na may tono nang pagkamahiya
"Ayiiieeehh!!" pangaasar na hiyaw nang mga kaklase
Dahil sa nasobrahan na sila sa ingay sa foodcourt, nasita na sila nang guard na nandoon.
"Tara. Dun na lang tayo sa taas. Sa may playground. Wala nang sisita sa atin dun panigurado." minungkahi ni Steff
Muling naupo ang mga ito at inumpisahan na muli ang laro
*Ikot
"Daya isang ikot lang. Ikot mo ulit" inikot ulit ito ni Nesh dahil sakanya na naman iyo natapat.
*Ikot
*Ikot
*Ikot
"Ohh Heinz, ikaw na daw! Tatanungin pa ba kita?" panunukso ni Micah sa kaibigan
"Uo. Laro to di ba?" pabalik na sabi ni Heinz
"Kanino ka nagagandahan sa lahat nang babae sa room?" tanong ni Micah
"Kay Aphrodite. Naalala ko din kasi yung ex ko sakanya. Kulot, Maputi at maganda." sagot ni Heinz na parang wala lang
"Yun lang, parang may di ka pa nababanggit bukod kay Aphrodite." sabi ni Micah na may mapang-asar na tono
"Si Io." plain na sagot ni Heinz na parang may halong pagkaasar sa pagigung usisera ni Micah
"Kasi kahawig niya si Hailey Williams" pagpapatuloy ni Heinz na bigla na lang may nabuong ngiti at sumulyap kay Io
*Io biglang napaiwas nang tingin
"Ok. . . Ok. . . Yun naman pala!" pang asar na tono ni Micah
*Chu, Io, Beth, at Nesh nagbubulungan
"Wala Beth. Io pala ee. Wala na si Astroboy mo. Haha" pang-asar na sabi ni Nesh kay Beth
"He. . . He. . . Funny" sabi ni Beth na ginantihan niya nang sarcastic smile
*Ikot
*Ikot
"Yun ohh. Si Io naaaa!!" sigaw ni Micah
"Alam mo na. Kelangan ko pa ba itanung sayo?" patuloy ni Micah
"Anu kaya yun. Di ko naman alam itatanung mo ee." asar na sabi ni Io
"K. So ayun na nga. Sino ang para sayo gwapo ngayon na andito. Name me three at bakit?" sabi ni Micah
"Si Dharwin. Si Louis" sagot ni Io
"Kulang pa nang isa" patuloy ni Micah
"Si Heinz." bulong ni Io
"Huh? Sino daw?" paasar ni Micah
"HEINZ DAW. AYIIIEEEE!!!" hiyaw ni Steff
"Yung bakit?" patuloy ni Micah na may paniniko na kay Heinz
"Dharwin, given na gwapo. May dating. Si Louis naman, gwapo din at mukhang matalino" sagot ni Io
"Ee si Heinz?" may halo nang pagkakilig sa boses ni Micah habang patuloy na sinisiko si Heinz
"Ano ba Micah?!!" sita ni Heinz na mukhang iritable na sa ginagawa ni Micah
"Si Heinz. Kasi maappeal din siya at ang ganda nang mga daliri niya. Pambabae!" medyo may halong kilig at hiya ang tono nang boses ni Io habang sumasagot
"Yun naman pala ee. Pang-girl ang daliri mo Heinz." pang-aasar ni Louis kay Heinz habang may halong tawa
"Hala ayan na yung guard!" sigaw ni PJ na nakapagpatakbo sa magkakaklase
nang makarating sa labas nang mall ay napagdesisyunan na nila na magsiuwi na din at gabi na. Isa pa maaga din ang klase nila bukas.
----- END OF CHAPTER 5 -----
Sa next UD na yung mga POV nila aa. So sana basa lang po nang basa. Comment na din para alam ko yung mga saloobin at hinanakit niyo (KIDDING) at votes na din kung nagustuhan niyo
Salamat ^_^
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
