—- Confessions
Heinz's POV
Napakaingay ng sinasakyan naming bus ngayon papuntang MOA. Kagagawan din naman namin dahil sa asaran at kantyawan namin kay Beth at PJ. Paano ba naman tong si PJ, kinukulit si Beth na maging sila na lang daw dalawa. Si Beth naman ayaw, hindi naman sa dahil hindi kagwapuhan at wala sa standards ni Beth si PJ, pero parang ganun na nga. Haha xD
"Beth, paano ba yan. Tayo na lang dalawa ang wala pang relationship. Available ka, available ako. Pwede naman maging tayo diba?" banat ni PJ
"Nope" maiksi at cold na sabi ni Beth
"Si Nesh at Dhar na. Nagkabalikan na din si Io at Heinz. Si Zaire may girlfriend na din. Si Azel, busy na yun, malamang nga may fiance na yun ee. Yan si Xian, malabo din yan, matrona trip yan. Triple M kumbaga" pagpapatuloy ni PJ
"Loko ka pre aa. Matandang matronang mayaman? Inamoo dun aa. Tsk!" sabat ni Xian
"Ayy sorry naman pre. Pero tama naman di ba?" patuloy pa din ni PJ
"Ewan ko!" cold na sabi ni Xian dahil mukhang hindi niya nagustuhan ang nasabi ni PJ
"Alam mo PJ, hindi mo naman kailangan magpakadesperado ee. Makakahanap ka din. Pero kung ipagpipilitan mo pa din ito lang yun ee, "WE'RE JUST FRIENDS" sa tagalog "TROPA LANG TAYO". Hanggang dun lang yun, kaya pwede tama na??" sagot ni Beth sabay paslak ng headset sa tenga at sa bintana na lang ibinaling ang tingin
Nagulat kaming lahat sa naging sagot ni Beth. After 5 seconds sa kami nakabalik at napasigaw sabay-sabay "WHOAAA!!"
Nanahimik din sa wakas si PJ at umalis sa tabi ni Beth. Panandalian kameng natigilan at nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Maya-maya lang ay nagsalita si Io
"Guys, tama na aa. Wala ng babanat pa. Pikon na 'to si Beth. Tigil na, kayo din" sabi ni Io at umalis sa tabi ko para tumabi kay Beth
"Bakit?" pagpipigil ko habang hawak ko braso ni Io
"Kailangan ako ng tropa ko. Tatabihan ko muna si Beth" sabi niya sabay alis ng kamay ko sa braso niya. Ok, sige naintindihan ko naman siya. Walang mas nakakakilala kay Beth kundi si Io at Nesh lang. #UnderstandingNaBoyprenMode
"Ok. Sige basta mamaya akin ka lang aa. Hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko >:)" utos ko sabay ngiting nakakaloko
"Wow Heinz, makaangkin wagas? Sa'yo na si Io? Property? Akala mo napirmahan mo na si Io aa" sarkastikong sabi ni Beth
"Uo muntik ko na nga mapirmahan yan. Muntik lang >:)" proud kong sabi na may ngiting nakakaloko. Nakatitig si Io ng masama saken habang binibigyan ko siya ng Anong-Masama-Sa-Sinabi-Ko look
"Aa. Hindi na ako magtataka. Heinzikul yan ee" pasok ni Micah na nakapagpaalis sa masamang tingin saken ni Io
"Iba ka talaga pre. Magawa nga din yan kay Nesh. Babe, pipirmahan na din kita mamaya aa" biro ni Dhar kay Nesh sabay binatukan siya ni Nesh
"Io. Usap tayo mamaya" sabi ni Nesh kay Io na may pag-utos sa mata nito
Isa-isa na ngang nagbigay ng kumento ang bawat isa sa tropa. Andiyan yung kinongratulate ako, yung iba nakikitsismis kay Io pero hinde naman niya ito pinapansin dahil nagpalit sila ng pwesto ni Beth. Si Io na ang nasa loob at nakadungaw sa bintana at si Beth naman na ang nasa dinadaanan. May mali ba sa nasabe ko? Wala naman siguro, 'di ba?
~ ~ ~
Bumaba na nga kami sa bus at naglalakad lakad na kami ngayon sa MOA. Sa aming pag-uusap habang naglalakad, nakabuo kami ng Plan A at Plan B. Ang Plan A namen ay manunuod kami ng sine habang ang Plan B namen ay tatambay sa Seaside. May optional plan din kami na mag-inom sa isa sa mga bar sa Seaside. Naghiwa-hiwalay muna kami. Ang iba nagpunta sa Hypermarket para bumili ng foods, ang iba nagpunta sa cinema para tingnan ang mga movies na showing habang kami andito sa arcade. Hati din kame dito sa dalawa. Kasama ko sila Dhar at PJ. Si Io kasama si Steff, Nesh, Beth at Chu. Si Zaire, Xian at May ang nagpuntang Hypermarket habang si Micah, Aphrodite at Lourdes at Reiza ang nagpuntang cinema.
BINABASA MO ANG
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
