----- The Acquaintance Party
Third Person POV
Bumiyahe na ang magto-tropa patungo sa venue ng Acquiantance Party nila. Lahat sila ay posturang postura at pormang porma, mga gwapo't magaganda. Hindi nila maitago ang excitement sa mga magaganap na eksena sa gabing yon. Maging si Io ay nanabik sa kung anung mangyayari sa kanilang pinaplano. Inaabangan na sila ng iba nilang mga classmate na nauna nang nakarating sa Makati Shangri-La.
Io's POV
Text na nang text ang iba kong classmate na nasa Makati Shangri-La na. Ano ba tong pinasok ko, malamang naman ay hindi eepekto ito kay Heinz. Malamang hindi niya ako mapapansin dahil andoon na si M.J. Bahala na, basta ieenjoy ko na lang ang gabing ito. Mangyari na kung anuman ang mangyari, basta ngayong gabing ito ang ganda ganda ko. Hmmp >:)
"Yan, that's the spirit bessy. Tama yan. Ngiti lang. Wag kang kakabahan. Sa ganda mong yan, imposibleng hindi ka niya talaga mapapansin." sabi ni Beth nasa harap ko dahil sa bandang likod na ako napwesto at malapit sa bintana.
"Thanks bessy. Saka syempre ayoko masira ang make-up ko. Pinaghirapan niyo kaya 'to." sabi ko saka tiningnan ang aking cellphone. Grabe ang dame na talagang text. Ganito ba talaga ako ka-artistahin ngayon. Shocks! (^_-)
Maya-maya pa ay nakarating na kame ng Makati Shangri-La nang hindi namin pare-parehas namalayan.
"OMG. I'm so excited. Tara na. Bilisan niyo na at umakyat na tayo!" utos ni Beth sa sobrang excitement. Andito pa ako sa loob ng kotse at parang ayaw ko pang bumaba.
"Ano pang inuupo-upo mo jan mam? Sumunod ka na sa mga kaibigan mo at magpakasaya ka na kayo! :) " aba pati si Kuya Driver may moral support sakin. Naks. Pero tama siya dapat lang din na magpakasaya na lang ako. Sabi ko nga, mangyari na ang mangyari.
Hayy. Mga tropa ko nga naman ohh. Ayun nasa taas na lahat. Kinalimutan ako sa sobrang excitement. Makaakyat na nga lang.
*Ting
Andito na ako at papalapit na ako mismo sa venue dinig ko na may natawa at nag-uusap. Pamilyar saken yung mga boses. Ilang saglit pa. . . .
"WOW. As in wow!!" sabi ko ng makarating na sa bungad ng venue ng party. Andito pa lang kami ngayon sa hall pero grabehan na kaagad. Halatang pinaghandaan at pinabongga talaga. Nice one PsychSoc ^_^
"Ayy. Io. Haha. Sorry. Haha. Sorry talaga. Haha" sabe ni Beth na kada words na sinasabe may kasama laging tawa.
"So ganun. Iniwan niyo lang ako? Galing."
"Sorry naman, panu kasi tong tropa mo. Nag-look out na naman. This time hotel boy naman ang nakita. Ayun sinundan." sagot ni Nesh
"Aa. Kaya pala. Hmmp" tinutuloy ni Nesh yung hotel boy na nakasabay ko sa elevator. Ok din si kuya ha! Hayys ewan talaga kay Beth. Haha!
"Hala bessy sorry na kasi. Ayan na sincere na yan. Sorry na bessy" with matching beautiful eyes pa ni Beth at hindi ko na napigilang matawa xD
"Anu pang ginagawa naten dito? Andun yung party ohh." singit ni Nesh
"Tara na nga! Hanapin na din natin yung table ng section naten" pagyaya ko at sabay kaming tatlo naglakad papunta sa venue ng mismong party.
"Wait. Si Baby boy ko. Wait lang baby!" sigaw ni Beth
"BETH!!" pagpigil namin ni Nesh
Heinz's POV
Badtripp. Hindi nakapunta si M.J. Buti pa tong mga ungas kong tropa may mga partner. Hayyysss
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
