--- Usapang Lalaki
Heinz's POV
Pagkatapos na pagkatapos nang tawag namin ni Ping ay agad na akong bumaba. Andito na ako ngayon sa may living room namin at inaabangan ko ngayon sila Ping at Biboy. Wala pang 15 minutes ay dapat andito na yung mga yun dahil hindi naman kalayuan ang bahay nilang dalawa sa bahay namin
"Heinz??"
Tama ba ang rinig ko? May tumatawag sakin?? Agad akong napasilip sa labas ng bahay at muli kong narinig ang pagtawag
"Heinz??"
Dahil doon ay talagang napalabas na ako ng bahay at ngayon, para akong tangang nakatulala sa harap niya. Bakit siya nandito?
"Anong ginagawa mo dito?" yan na lang ang tangi kong nasabi habang hindi pa din ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. Si Io, si Io ang nasa harapan ko ngayon
"Huyyy. . Ok ka lang? Bakit ka nakatulala? Mukha kang tanga.." sabi niya habang winawave yung kamay niya sa harap ng mukha ko
Hinawakan ko yung kamay niya nang matapos ako sa pagkatulala at ikinagulat niya yun. Mahigpit kung hinawakan yun, naririnig kong umaaray siya kaya binitawan ko iyon
"Masakit! Ano bang problema mo?" sigaw niya
"Ipapara kita nang taxi. Umuwi ka na! Gabi na nasa kalsada ka pa! Puta ka ba?" sabi ko dahil sa sobranginis ko sa ginawa niya ngayon
Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa kanto ng street namin at ramdam ko din na nakasunod siya sakin. Malapit na kami sa kanto nang bigla niyang hinila ang dulo ng damit ko dahilan para mapahinto ako
"H-Hei.. nz" nanginginig niyang sabi
Hindi ko siya hinarap dahil alam ko ngayong umiiyak siya. Ayoko sa lahat makakita nang babaeng umiiyak, dahil naaartehan at naiinis lang ako lalo
"Umuwi ka na. ." mahina kong sabi at akmang maglalakad na muli ako ay yinakap niya ako mula sa likod dahilan para hindi matuloy ang paglalakad ko. Ilang minuto kaming nasa ganung kalagayan at ramdamko ang pagkabasa ng likuran ko dahil sa luha niya
Unti-unti niyang inalis ang pagkakayakap niya sa likod ko at pumunta sa harap ko na nakatungo. Bago siya tumingala ay mariin niyang pinupunasan ang luha niya sa kanyang mga mata "Sorry ha" sabi niya at ngumiti na pilit
Hindi na ako kumibo at hinawakan ko na lang ang kanyang kamay. Sabay kaming naglakad papuntang kanto at huminto para pumara ng taxi na sasakyan niya. Walang nagsasalita saming dalawa habang nag-aabang ng taxi. Tahimik kaming nakatayo at nag-aabang ng dadaang taxi hanggang sa nahagip ng mata ko ang paparating na taxi. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko dahilan para mapahinto iyon sa tapat namin, dahilan din para bumitaw ako sa pagkahawak ng mga kamay namin. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya pero bumitaw din ito
"Manong, Comembo lang po" sabi ko sa driver at tumango naman siya bilang sagot. Binuksan ko ang pinto ng taxi at pumasok na si Io. Hindi siya nagsalita pero nakita kong nakangiti siya, isang pilit at malungkot na ngiti
Naglakad muli ako papunta sa bahay at rinig ko naman ang pag-alis ng taxi at ni Io. Habang naglalakad ay ramdam ko ang lungkot sa loob ko na hindi ko maipaliwanag "Fvck" bulong ko sa sarili ko sabay dumiretso sa tindahan na nakita ko at bumili ng yosi
"Isang kaha ngang Marlboro Lights" sabi ko sa tindera. Alam ko na may isang kaha pa din ako sa bahay pero ayos lang. Gusto ko lang maibsan ang nararamdaman ko ngayon
Sinindihan ko ang isang stick saka bumalik sa paglalakad papunta sa bahay. Malapit na ako sa bahay nang matanaw kong may dalawang nilalang ang nakatayo sa may gate. Yung isa sa sobrang puti ay kitang-kita kahit pa nasa dilim, samantalang yung isa ay halos mag-blend na sa dilim ng paligid dahil sa kaitiman pero sapat lang para maaninag mo pa din. Dalawa lang ang kilala kong may katangian ng ganyan, ang kapre sa Balete Drive at ang glow-in-the-dark kong stickers sa kwarto. Hahaha xD
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
