----- Isang Linggong Kalungkutan
Io's POV
Isang linggo na din pala ang nakalipas nung pumunta kami ng Intramuros. Walang mapaglagyan ang kilig ko nung mga oras na iyon. Kulang na lang gumulong-gulong ako. Basta sobrang saya ko at ngayon ko lang nadama yun sa buong buhay ko.
"Bessy!!" sigaw saken ni Beth, nauso kasi samin ang callsign. Medyo corny pero at least may mga endearment kame sa isa't- isa.
"Oh. Makasigaw nasa kabilang building? Yung totoo?" pambabara ko
"Ayy sorry naman. Kasi naman itong isa mong magaling na tropa may sinasabi. Kelan ba naten i-eexam ang Advance Algebra, ngayon ba o bukas? Sumagot ka. Inaatake ako ng G. A. D ko" paliwanag ni Beth. By the way ibig sabihin ng G. A. D ay General Anxiety Disorder
"Ano ba kayo? Wala tayong midterm exams dahil sa Algebra. Si Maam na ang bahala kasi nga ayaw niya ng departmental 'di ba? Chill chill" sagot ko kay Beth na nag-papanic na at pinapakalma ko
"I hate you. Makareview pa naman ako akala mo mag-tatake ako nang board exam sa Algebra. Take note, Algebra lang!!" sabi ni Beth na akala mo may pinaglaban talaga. Haha xP
"Ewan ko sa'yo Bessy. Abnoy ka. Mabuti pa magpalamig muna tayo sa mall. After 3 hours pa naman yung next exam naten. Sama ba kayo?" yaya ko sa iba pang PsyChixx. Si Azel ang unang tumawag samin niyan. Dami alam -_- pero gusto din naman namin ^_^
"Go lang."
"Sige tara"
"Tara na para makabalik tayo ng maaga"
"Ok"
Heinz's POV
"AZEL!! Si Zaire at Xian nakita mo pre? Saka bakit ka pa nagrereview? Kayang kaya mo na yun ee." bungad ko kay Azel
"Hindi ko lang alam Heinz kung nasan yung dalawang yun baka nasa likod naglalaro ng DOTA. Saka wala naman akong ibang magawa kaysa naman sa tumunganga ako dito at mapansin pa ko ng mga babaeng panget. Wag na uyy ok na ko sa ganito" paliwanag ni Azel
"Haha. Ikaw bahala pre. Sama ka na lang sa likod kahit dun mo na lang gawin yan. Saka pwede ka pa magyosi. Tara?" yaya ko sa kanya
"Ge"
Habang naglalakad kami nakasalubong namin ang mga babae. Nakita ko si Io. Pero hindi ako makatitig sa kanya
"Oh. Saan kayo? Palikod din ba kayo? Tara sabay sabay na?" yaya ni Azazel sa mga babae
"Hindi ee. Punta kame mall. Sama kayo? Papalipas oras lang. Papakalma saglit. Alam mo na." sagot ni Micah
"Aa sige lang. Madaming tao dun. Madaming nagmamaganda dun. Tama na yung isa ngayong araw" pagbalik na sabi ni Azel kay Micah na halata mong may laman. Haha gago talaga
"Ok" maikling sagot ni Micah
"Ok bye PsyChixx" sabi ni Azel na naglakad na palayo sa mga babae. Pre may kasama ka, hintay lang sabi ko sa isip-isip ko! At saktong tumatalikod na din ako at maglalakad na papalayo sa kanila ng biglang. . . .
"Heinz?" hinawakan ni Io yung braso ko dahilan para mapahinto ako at pagharap ko nakatitig siya sakin
"Oh?" tanong ko
"Bakit hindi ka nagtetext? Hindi ka nagrereply?" tanong niya at nag-isip muna ako ng pwedeng sabihin
"Io. Halika na. Mamaya na yang kalandian mo. Hindot ka!"
"La akong load. Ge na, tinatawag ka na ni Beth" sabi ko sabay talikod at lakad papalayo, hindi ko na ulit nilingon si Io
"Pre. Inamo ka. Antay. Haha" sigaw ko kay Azel na medyo malayo-layo na din ang diatansya mula sakin
BINABASA MO ANG
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
