Chapter 26

24 0 0
                                        

--- Sana Dalawa ang Puso ko

Heinz's POV

"FIANCE??" sigaw ni Azazel dahil sa laking pagkagulat niya sa narinig niya sa sinabi ni Karin

Hindi ko na lang pinansin ang pagsigaw ni Azazel at agad naman akong sumabay sa paglalakad ni Karin pati ng ibang tropa habang siya ay naiwang napako sa kinatatayuan niya. Maya-maya lang ay napahinto ako dahil sa paghawak niya sa balikat ko "Pre"

"Bakit?" tanong ko na binigyan lamang niya ng isang seryosong tingin na para bang sinasabi niya na magkwento ako. Huminto naman ako sa paglalakad at pinasabay ko na lamang si Karin sa paglalakad sa iba

"Kwento" utos niya "Yung detalyado!" na may seryosong ekspresyon sa mukha nito

"Anong ikekwento ko pre?" sabi ko "Ano bang gusto mong malaman?"

"Pre, alam mo kung anong gusto ko malaman" sabi niya na may seryosong mukha pa din na binigyan ko ng sarkastikong ngiti "Sige"

Dahan-dahan kaming naglakad habang kinikwento ko ang lahat kay Azel. Na hindi naman totoo ang mga sinabi ni Karin kanina na fiance ko siya, na maski ako ay nagulat na sinabi niya yun sa harap ng tropa. Mukha namang nakuha ni Azel ang lahat ng sinabi ko at panandaliang nanahimik ito

"Pero. . mahal mo pa din siya?" pagbabasag ni Azel sa katahimikan namin habang naglalakad kami at napansin kong medyo malayo-layo na ang iba samin

"Alam mo naman na siguro ang sagot jan pre di'ba? Kung may mas nakakakilala sa akin ng higit sa tropa ikaw yun" sagot ko "Simula pa lang alam mo na ang nararamdaman ko kay Karin di'ba?"

"Ok. So mahal mo pa nga din si Karin, ee pre paano yung sa inyo ni Io? Wag mong sabihing mahal mo din si Io habang mahal mo pa pala si Karin?" naguguluhang sabi niya "Paano yun?"

Akmang ibubuka ko na ang bibig ko para sagutin ko ang tanong niya ng bigla akong natigilan at napaisip. Mahal ko pa nga pala si Karin at ngayon minamahal ko si Io. Kahit man ako ay biglang naguluhan at natigilan. Masaya akong nandito ulit si Karin dahil matagal na panahon ko din siyang hindi nakasama at napag-alaman ko na, hanggang ngayon, hindi pa din nawawala ang nararamdaman ko sa kanya at ganun din pala siya sa akin. Samantalang si Io naman, parang hindi ko kaya na mawala siya sakin ngayon. Ayokong hindi siya nakikita, gusto ko siya laging kasa-kasama at iba ang nararamdaman ko sa tuwing kami lang dalawa "Hindi ko pa din alam pre. Hindi ko pa din alam" yan na lang ang nasabi ko kay Azel at napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at tiningnan ako ng mata sa mata

"Pre, hindi pwedeng hindi mo alam. Dapat ngayon pa lang ay mamili ka na. Hindi mo sila pwedeng mapagsabay. Kailanman, hindi ka pwedeng magmahal ng magkaibang tao sa iisang panahon at oras" sabi niya habang nakahawak sa balikat ko "Meron at meron ka dapat pakawalan, dahil kung wala, pare-pareho lang kayong magkakasakitan" patuloy niya sabay alis nang kamay niya sa balikat ko, tinapik ito at binigyan ako ng ngiting nakakaloko. Lumakad ito ng mabilis papunta sa mga tropa namin na sobrang layo na mula sa amin at agad naman akong sumunod

. . .

Halos lahat na yata ng pakulo dito sa convention ay nasubukan na namin, halos mag-aalas tres na din kaya nakaramdam ako ng gutom na inunahan naman ako ni Karin sa pagsabi sa tropa

"Guys, I'm hungry already. Saan ba ang cafetteria niyo dito? I'm craving for pizza" maarteng sabi ni Karin "Malayo ba dito? Kasi nagugutom na talaga ako"

"Ayy hindi naman, malapit lang naman dito tara" sagot ni Beth

"Good" nakangiting sabi ni Karin "Tara na Hei -" hindi na natapos ang pagyayaya ni Karin dahil inagaw ko mula sa kaniyang kamay ang wallet nito at tumakbo papuntang caffeteria

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now