Chapter 9

55 1 2
                                        

-----  Inuman Session

Azazel' POV

Hello. Azazel here. Formal akong magpapakilala sainyo.

Ako si Azazel Watabe. Half-Japanese, half-pinoy. Cute, pogi, malakas ang dating, lahat yan sinasabe nila sakin. Mukhang obvious naman kaso wala lang talaga akong bilib sa sarili ko. I lack self-confidence and self-esteem. Kaya din siguro parang napagkakamalan akong bakla, lalambot lambot kasi ako sa mga kilos ko.

Siya nga pala, nagthird ang grupo namin sa sayaw namin sa P.E. Akalain niyo yun, nag-third pa kami sa lagay nang pagsayaw ko. Hahaha xD

"Hoy, Azel, sumama ka mamaya aa. Isi-celebrate naten yung kahapon. Mag-iinuman tayo sa riverside" sigaw sakin ni Micah

Mukhang masaya yuuun. Sabi ko sa isip ko. "Sige, uo ba. Sasama ako!" masayang sagot ko kay Micah

"Anong oras ba? Saka saan tayo?" tanong ko habang pababa kaming lahat nang hagdan

"3:30p.m mamaya. Sa overpass na lang tayo magkikita-kita. Dun sa riverside. San pa ba?" sagot sakin ni Micah

"Ge" maligayang tugon ko sa sinabi niya

THIRD PERSON POV

Nairaos nang buo nilang klase ang kanilang project sa P.E. Dahil dun, na-exempt sila sa magaganap na midterm examination sa subject na 'to. Matapos ang isang nakakapagod na performance, nagsihiyawan ang mga ito.

. . . . . Flashback

"WHOOOOOO !!!" sabay sabay silang naghiyawan pagkaalis nang prof nilang matanda na at di mo na aakalaing magtuturo pa nang ganung subject.

"Nice one team." sigaw ni Louis

"Shot na!" sinundan naman ni Micah

"Game shot!" sabat naman ng iba

"Ngayon na? Go lang. Hahaha" sabi ni Zaire

"May last subject pa tayo mamaya ii" sabi nang mga babae

"Uo nga. Bukas na lang saka Friday na din naman ee." sabat din nang iba

"K" ang tanging nasabi ni Micah na medyo nadismaya

KINABUKASAN. . . .

"Hi guys, mamaya aa. Shot na tayo!" bungad agad ni Micah pagpasok na pagpaok agad nang pinto

"Ang aga aga Micah aa. Hahaha. Alak na alak ka na ba?" sarkastikong tanong ni Dharwin

"Uo" sagot ni Micah na may nakakalokong ngiti

Natapos na nga ang klase at nagyaya na si Micah nang mga kakalase niya bago sila maghiwahiwalay nang mga ito

End of Flashback . . . . .

Nagsiuwian na nga ang mga ito at gaya nga nang sinabing oras. Lahat ay nakarating nang 5:30p.m. Ang galing diba? Tanging mga lalaki lang ang mga nauna sa meeting place at nang sa tingin nila ay kumpleto na. Umalis na din silang magkakasama.

Io's POV

Medyo nalate kame nang dating. Hindi lang pala late. Late pala talaga. Pan ba naman kasi. may mga kanya knayang dahilan. Yung iba nakatulog, yung iba malayo daw ang pinanggalingan, atbp. Yung mga boys kaya naman andun agad, paano 'di naman umuwi yung mga yun. Andun lang sila kasi naglalaro lang din nang DOTA. Mga dayukdok!

"Ang tagal niyo naman" sabi ni Heinz sabay lapit sakin at nakahawak agad sa baywang ko

"Nakatulog kami, basta kanya kanyang issue" sabat ni Nesh

"Dali, Alis na tayo?" atat na yaya ni MIcah

"Ge, mukhang uulan din ee." sabat ni Louis

"Taxi na lang tayo? Ano? Ambagan na lang." suggest ni Micah

"Kami na nila Zaire, Heinz, Louis, Dharwin, PJ, at ako ang magkakasama"  dugtong ni Micah

"Sige amin na si Azel." sabat ni May

"Kami na lang nila Michelle, Keira, Lourdes, at Reiza ang magsasama sama" sabi ni Steff

"Sigurado kayo? Wala kayong kasamang lalaki?" pag-aalala na tanong ko

"Uo naman. Alam ko yung lugar na yun. Malapit lang din naman samin yun" dugtong pa ni Steff

bigla kong naalala na taga- Buting lang pala ang babaeng 'to. "Ok. Ingat na lang" tangi kong nasabi

Nag-abang na kame nang masasakyang taxi. Nauna ang taxi nila Micah, sunod ang amin at huli yung killa Steff. Makalipas ang 20 minutes ay nakarating na kami sa may riverside. Unang nakarrating ang grupo nila Steff. Bilib ako sa babaeng 'to. Sumunod yung samin at huli sila Micah? Huh? Di ba dapat magkakasunod lang kami? Asan na sila?? -__-

"Relax lang. Hindi yun mawawala" pangaasar sakin ni Steff. Hala paano niya yun nalaman? Nabasa niya kaya ang laman nang aking isipan? Haha

"Nagtext si Micah. Bumili lang nang alak at yelo. Dito na lang paghahatian yung nagastos pagdating nila" sabi ni May habang nakatingin ito sa cellphone niya

Uo nga naman. Pwede nga naman na bumili lang nang alak di ba? OA much. Feelingera lang ako bigla dun.

biglang may papalapit na taxi sa direksyon namin. Medyo malayo layo pa ito pero matatanaw mo na may nakalabas na ulo at kamay na may hawak na bote

"SHAAAAAT NAAA MGA TAAAANG*NAAAA NYOOOOO" sigaw nito

-----    END OF CHAPTER 9    -----

Haha. Pasensya na po. Bibitinin ko muna kayo sa kanilang love story

Gusto ko sanang magpasalamat kay FluffyBluenee at pinkyjhewelii. Dahilsa dalawang 'to nainspire din akong magsulat nang story dito sa wattpad. Alam ko kilala niyo din sila. Salamat po ulit nang madami sa mga di pa nakakabasa nang libro nila, aba, basahin niyo na :)

Sa mga silent readers ko naman po. Comment comment din po. Salamat ^_^

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now