Chapter 17

28 1 0
                                        

----- He made me do it

(A/N): Sabay ko na din 'to sa pag UD ko since nagkaroon ako ng idea for this chapter. Salamat sa mga nagbabasa. Enjoy :)

Io Jade's POV

Ang sweet naman nila tignan habang nagsasayaw. Yung iba kinikilig, yung iba naman halatang napilitan lang sa mga kasayaw nila. Hahaha xD

Samantalang ako, eto. . . Eto ako ngayon, nag-iisa... Nakaupo sa gitna ng dilim... Last na to. Peace :)

"May I??" may biglang lumuhod sa harap ko at inilahad ang kamay niya ngayon. Pagtungo saka ko napansin na si Heinz pala yon. Ayy?? Halaaa wait!! Isasayaw niya ako o_0

Kalma Io. Hinay lang. Will I take his hand? Or will I not?? He's staring at me with his sincere eyes. Sige na nga. Kinuha ko na din ang kamay niya at dinala na lang ako ng mga paa ko kung saan papunta si Heinz. Hinde ako makaimik ngayon, he's the one positioning my hands in its proper places para lang magsayaw kame. Hindi ako makapalag!!

"Io :)"

He whispered my name so softly pero parang pasigaw ko yung narinig. I also began to stare at him, pero hindi sa emotionless way, pakiramdam ko punong-puno ng pagmamahal yung titig ko ngayon sa kanya. Seems like all the bad things that happened, all that he've done, is now all gone. Ganito ba ako kaweak sa'yo Heinz. Ang daya mo! Ang daya daya mo!! :'(

"Io, umiiyak ka ba??"

Hindi ako makapagsalita at inalis ko na lang ang mga kamay ko at yumakap na lang ako sa kanya. I can't help it. Put Tang in a kanta naman ohh!! Nakakadala!! :(

"Cge lang, iiyak mo lang yan. Pero wag masyado, you'll ruin your look tonight. Ang ganda mo ngayong gabi Io"

Put Tang in a Heinz. Tama na!! Lalo lang ako naiiyak ee. Sige na abswelto ka na. Wala ee. Mahal yata talaga kita T_T

"I hate you!!"

"Well. Love you too bebe ko!!"

Abnoy. Haha. Sabe ko i hate you. Lakas ng tama mo. Hahaha :')

"Ok ka lang. Alam ko nakakabaliw ako, pero hinde ko alam na ganito ang epekto sa'yo. Iyak tawa ka na jan"

"Ok lang ako. Letsee. Kapal talagaa!!"

Hayy naku Heinz. I think it's ok to get hurt, it's ok to cry, as long as it's you :')

"Io?? Tapos na yata yung kanta. Maliwanag na ulit"

"Ehem! Ms. Raja and Mr. Fernandez?"

OMG. WE ARE STILL IN THE MIDDLE!?? NAKAKAHIYA!!?? SALAMAT SIR. ESTEBAN AA. SPECIAL MENTION TALAGA??

"Io. Huuyyy. Humawak ka sa kamay ko. Pagnarinig mo yung 'Go' ko sumabay ka aa. Game??"

Anong pinaplano mo?? Bahala na

"Sige??"

"Isa. . . Dalawa. . . Goooo!!"

Tumakbo nga kami palabas ng event papunta sa may hall. Grabe Heinz, wala tayo sa field! Runner ka yata ee. Hiningal ako dun. Langya ka!! Haha xD

"Ok. . na. . siguro. . dito!! PHEEWW!! Malayo layo na 'to"

"Tanginaang yaan!! Whoo!! Ambilis ko, ikaw din pala. Ano ayos ba??" hinihingal na sinabi ni Heinz

"Phew. Grabe ka!! Ambilis nun huh? Buti hindi tayo nadapa!!"

"Ako pa. Heinzikul yata 'to! Ok ka lang ba? Mamaya na tayo pumasok ulit. Wait mo ko. Punta lang akong CR"

"Ako din. Mag-aayos na din muna ako. Feeling ko nasira ko yung make-up ko"

"Sige sige"

Buti na lang mabilis kami nakaalis dun. Pero grabe naman ang hingal ko,at mas grabe na kilala na kami ng buong Psychology Society. Ang baet ni sir sa special mention niya. Hayyss nakakahiya talaga. Bahala na nga.

"Antagal mo. Bakit ang tagal niyo mag-CR mga babae??"

"Wala ka na dun!"

"Halika na, balik na tayo :)"

Palihim kaming bumalik sa mga pwesto namin. Nakabalik naman ako sa pwesto ko ng hindi napapansin nila mommy Hannah dahil madilim na ulit. Sabi kasi ni Heinz, galawang ninja. Mukhang ito na nga yon. Whaha xP

Awarding na, sino kaya ang Masque Duke and Duchess of the Night?? Malamang hindi na ako yun. Pero sino kaya?? At muling nagliwanag. . .

"Huy Io, anjan ka na pala. Kabog kayo ni Heinz kanina huh. Romantic escape ang nangyari??"

"Sobrang hingal ko nga mommy ee. Grabeee!!"

"Ayan na. . . Ayan na. . Maya na ulit!"

"Our Masque Duchess of the Night is. . . Beatriz Melasso!!"

Wow, si ate Bea ang Duchess. Sabagay, hindi lang siya maganda, pati suot at maskara niyahalatang pinaghandaan.

"Our Masque Duke of the Night is. . . James Angelo Asuncion!!"

Sino si kuya?? Aa, baka 4th year. Hindi ko siya kilala. Asan ba si Beth?? Beth, James daw ohh. Whahaha xD

"Whooo. Baby ko yan. Go baby James!!"

Sabi na nga ba ee (-_-)

Natawa naman ako dun sa baby James. Hahaha xD

"This just in, according to Mr. Esteban, we will be awarding the Masque Couple of the Night. Sila yung nagpakilig sating lahat ngayong gabe"

"Sir talaga ang daming alam!"

"Bago yan aa. Sinu kaya??"

bulong ng mga katabi ko ngayon sa upuan

"And this special award goes to. . . Io Jade Raja and Heinz Fernandez. Please go up here on stage!"

"Io!! Girl tawag ka. Io!!"

"Beh. Tawag kayo ni Heinz. Akyat na!!"

"Kayo nanalo! Umakyat na kayo!!"

"Bessy. Tara na!!"

"Dude. Akyat na!!"

Ano daw?? Asan si Heinz?? Heinz?? Pagkita ko hinahatak na din pala siya ng mga boys papuntang stage. At ng makatapak kami parehas sa stage. . .

"Whoo classmate namin yan!!"

"Tropa ko yan. Nice one pre!"

"Nice bessy"

"Ayiiieehh"

Napuno ng hiyawan at kanchawan ang buong event venue. Lahat tuwang-tuwa, lahat kinikilig. Kami ni Heinz, hiyang-hiya, nanliliit. Wala bang alien na kukunin kami para lang mawala kami ngayon sa kinakatayuan namin?? Badtripp naman si sir ohh :/

"Well congratulations to the both of you. Ang sweet niyo tingnan. Kayo ba??"

Wag niyo po itapat yung mic saken please. Mam wag saken :(

Napansin ko dumaan lang yung mic saken at nakatapat na 'to ngayon kay Heinz. Nagulat ako ng bigla na lang siya humawak sa kamay ko, at hinigpitan niya pa yun

"Syempre naman po mam. Bebe loves ko' to ee"

At muling naghiyawan ang madlang PsychSoc. Pati si Mam, hala ka siya kinikilig. Yung totoo mam, PBB teens?? Whaha xD

"Whoo ang lupet mo brad!!"

"Ikaw na Heinz!!"

"Baka Heinz yan!!"

"Whooo"

"Ayiieeehh"

"Kenekeleg eke. Enebe!!"

Whoo. Daming fans ng love team namen huh. Haha xD

"Hmm. Haha. Nakakakilig kayo kanina pa. Pero bakit nga ba kayo kumaripas ng takbo?? Heinz??"

"Hindi ko din po alam mam. Basta, ayoko lang mapahiya. Pero sa ngayon mukhang mas malaking kahihiyan?"

"Hindi aa. Nakakakilig kaya! Kayo na!! Ano namang masasabi mo Io? Bakit ka din tumakbo??"

Bakit nga ba?? Ano nga ba isasagot ko?? Ayoko din kasing mapahiya!

"Wala na po akong nagawa. . . Nagsabi lang siya na sundan ko siya pag nag-go siya. He made me do it!

--- END OF CHAPTER 17 ---

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now