Chapter 22

41 0 1
                                        

—-    Who??. .What??. .Where??

Heinz POV

"Fvck! Sino kayo?"

Pota naman talaga oo! Anong tripp to? Wala naman akong kasalanan para ganituhin ako! Wala naman akong matandaan na may pinagkakautangan, atraso, ni-rape? o inagrabyado!

"Wag ka na manlaban! Kung ayaw mo pang mas masaktan!"

Damn! Who are these two fvcking bastards? Saka asan na ba mga security guard ng mall na to? Nagkakape? Fvck! Why is that no one is attending to me?

"Heinz? Sh*t Heinz!!" boses ni PJ yun aa. Hayy salamat! Sa wakas may resbak na ding dumating. "Teka lang pre. Hihingi kame ng tulong!" Potaaa naman talaga! Napanood ko na 'tong ganitong eksena sa pelikula brad, pag dating ng tulong niyo lupaypay na ako!

"Uugghh!!" sigaw ko pero yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko sa sobrang higpit ng pagkakabusal saken

"Hah? Ano lalaban ka pa?" *Thudg*

Solid yun brad! Makaalis lang ako sa pagkakatali ko, triple pa ipaparamdam ko!

*Thump*

*Thudg*

"AAAHHH!! *Ubo ubo*" Naiiyak na ako sa sakit. Sakit hindi dahil sa mga sapak at sipa nila, kundi dahil sa hindi ako makaganti! Ayoko ng ganitong pakiramdam, yung hindi ako makalaban at maipagtanggol man lang sarili ko! Fvck!

"Ano? Buboses ka pa ba?"

"Dali, gumanti ka na!"

Patuloy pa din sila sa pagpapaulan ng sipa't suntok sa sakin. Sinasabi ko na nga ba na ganito ang mangyayari ee, na sa huli dadating ang mga security guard o ang resbak. Hayy naku! Pilipinas nga naman talaga oo!

"HAHAHA" tawa ng dalawang gunggong. Panandalian silang tumigil sa pagbibigay ng sipa't suntok sa akin. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman na naghihina na ako at inaantok. Aaminin ko kahit isa akong miyembro ng frat ay hindi ako sanay sa pakikipagbasag-ulo. Kasi alam ko kapag ako na ang gumanti literal na basag-ulo ang mangyayari! Maya-maya pa ay naramdaman kong hinahatak nila ako papalayo sa may arcade at isinakay sa kotse nila.

Mahangin at naririnig ko ang hampas ng alon sa bato, sa may Seaside nga yata 'to kung hindi ako nagkakamali. Plano ba talaga akong patayin nang dalawang 'to? Fvck, katapusan na ba ni Heinz Fernandez 'to?

"Aalisin ko takip ng bibig mo, pero siguraduhin mong hindi ka sisigaw kung di lalabas dito yang laman ng bungo mo!" sabi ng isa sa gunggong habang may nakatutok na baril sa may sintido ko. Sumagot ako sa pamamagitan ng pagtungo ng dalawang beses

Pagkaalis ng busal sa bibig ko ay hindi muna ako nagsalita. Inantay ko muna na alisin din nila ang baril na nakatutok sa ulo ko. Pagkaalis na pagkaalis ng baril ay agad akong nagsalita ng mahinahon "Anong kailangan niyo saken?"

"Wala kaming kailangan sa'yo boy!" sagot ng isa

"Kung wala, anong ginawa ko sa inyo para ganituhin niyo ako?" patuloy kong tanung

"Wala din, sadyang napag-utusan lang!" sagot din nung osa sa gunggong

"Potaa, sinung nag-utos sa inyo para gawin niyo saken 'to?"

"Wag mo na alamin. Sabihin na lang naten na may gusto ka lang kamustahin, sa ganitong paraan nga lang. Ngayon kung magiging mabaet ka lang boy baka maabutan mo pa ang pagsikat ng araw bukas. Kung susundin mo lang lahat ng sasabihin namin, mabubuhay ka!"

Hindi na ako nag-abala pang magtanong pa ng mga bagay-bagay at nanahimik na lang. Sumagot na lang ako ng isamg maiksing "Uo!"

"Tatanggalin na namin ang piring at tali mo pero gaya ng kanina ay huwag na huwag mong susubukang lumingon at manlaban. Manatili kang nakatalikod hanggang sa maramdaman mong nakaalis na ang kotse namin. Wag mo ring susubukang magreport sa kahit saan man. Maliwanag ba?!"

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now