Chapter 7

48 2 0
                                        

---- HEINZiKul

Heinz's POV

Hi, ako si Heinz Fernandez. Marami akong pangarap sa buhay. Gusto ko yumaman at mabili lahat nang gusto ko. Pati na din ang maging Astronaut. Minsan, gusto ko nasusunod lahat nang gusto ko, gaya nang pagyaman. Kaso, ayaw yata nang DIYOS niyo na umunlad ako dahil magiging masama akong tao. Tama ang narinig niyo, dahil yun sa ATHEIST ako. Tapos! wala nang tanung tanung! Kilala ako sa pagiging COOL. Sa aking mga kaibigan at sa mga babae. Hahaha wala ee, HEINZIKUL kaya to >:)

Andito ako ngayon sa computer shop kasama ang dalawang LOSER na nilalang sa mundo(JAZ KIDDING). My two best men in the whole world. Kristoff Ralph Tivi at Luigi Ester. Naglalaro lang kame nang online game, tambay na din

Uo nga pala taena, may mga assignment ngayon. Kaso nakalimutan ko kung saang subject. Sana may naka-online sa mga kaklase ko.

"Hanap.. Hanap.. Ayun, sakto, si Io."

"Hi. Ano yung mga assignment naten?" send

*Facebook Pop-up Message

"Aa. Yung sa Bio lang saka sa Philippine History. Wala naman na" reply niya

"Aa. Salamat" sabi ko

"Ok. No prob" mabilis na reply nito

Yun lang pala. Akala ko naman sa Algebra. Haha xD

*Yosi lang saglit

Maya-maya lang naisipan ko ulit ichat si Io dahil sumagi siya sa isip ko. Di ko alam kung anung meron sa babaeng yun bukod sa kahawig niya talaga si Hailey Williams but I find her attractive at gusto ko lang din magpapansin :P

"Io" bungad ko sa kanya

"Bakit" haha, ambilis nun aa. Anu bang isusunod ko?

"May gusto ka ba sakin kasi halata naman ee" i-enter ko na ba? Haha. Wag, baka sabihin pa niyang "UO" ee di ang gwapo ko na naman >:]

"Pwede bang magtanung" tama ito na lang muna. *ENTER

"Aa. Kung tungkol sa mga assignment. Ayos lang. Ge. San dun?" haha, akala niya tungkol sa assignment pero bigla naman akong nakaramdam nang pagkaseryoso

"Hindi. Gusto ko malaman kung pwede ka ba. . . .?" hala, bakit may mga tuldok? :|

Pero teka nga, bakit para akong nahihiya? Di ko alam isusunod ko

"Pwede bang. . . ?" may tuldok na naman. Hindi pwede na nahihiya ako sa babae. Heinzikul kaya 'to! Pero, anu isusunod ko?? -_-

Hindi ako bakla. Didiretsuhin ko na nang matapos na' to!! Huh! Huh! Heinzikul to. FvckYuu

"Pwede bang manligaw??" Tang*na natapos din. Nice one Heinzikul >:)

"Makapagyosi nga ulit, naistress ako dun aa. Tss!"lumabas ako nang shop, naupo sa tabi sabay sindi nang yosi

"Boguz(tawag sakin nang taong mas nakakakila sakin), pahits!" sabi ni Biboy(aka Kristoff)

"Oh, boy" sabay abot kay Biboy ng yosi

"Musta nga pala dun sa pinasukan mo University pre?" tanung ni Luigi

"Boguz" akmang kuha ko nang yosi kay Biboy

"Ayos lang pre. Masaya sila kasama. Saka classmate ulit kami ni Micah" sagot ko at pasa naman ng yosi kay Luigi

"Oh? Haha. Nice. Basta sama mo kami minsan?" sabi ni Luigi at balik ulit sakin nang yosi

"Ge ba. Ka-chat ko nga ngayon yung kamukha ni Hailey Williams" sagot ko

"Lul Boguz. KAHAWIG NI HAILEY?" pasigaw at patakang tanung ni Biboy na parang ayaw maniwala

"Uo nga. Ayaw pa? Tingnan mo pa ee. Halika" yaya ko akmang tapon nang upos

pag-upo na pag-upo ko agad akong pumunta sa wall ni Io. At tiningnan ko ang mukha ni Luigi at ni Biboy na may pagtataka

"Ano boy? Sabi sa'yo ee. Haha." proud ko pang sabi

"Hindi tanga, saka ang liit niya kaya. Hindi niya kaheight si Hailey. Pango yan oh. Hindi din ganun kaputi." balik ni Biboy.

Pss. Natawa naman ako dun. Haha. Yung totoo boy? Pero, uo nga tama si Biboy. Hindi nga, but still I find her attractive xP

"Mukha pang inosente pre." tipid na sabi ni Luigi

napaisip tuloy ako. Habang tinitigan ang picture ni Io at iniisip ang sinabi ni Luigi, biglang tumunog ulit yung

*Facebook Pop-up Message

"Seryoso ka? Ikaw bahala ka." nakalagay dun sa chatbox galing kay Io

"Whoa! " sabi ni Biboy na akala mo amazed na amazed

"Hoy boy, baka iba iniisip mo tado ka. Wala pa dun pre. Ligaw pa lang 'to!" paliwanag ko at muling akong napaisip

So, anu ibig sabihin neto? Uo nagpapaligaw na siya? Uo pumapayag na siya? Pero teka seryoso ba talaga ako?

sabi naman niya bahala na daw ako. Ee 'di sige

"Uo naman. Ibig sabihin ba nito na pumapayag ka na?" send at may nakakalokong ngiti namuo sa aking labi

"Nice one Heinzikul!" sigaw ko sabay tingin kay Luigi at Biboy at sabi nang

"LOSERS!!"

>:]

----- End of Chapter 7 -----

Hala. #MedyoBadAss ang ating tropang si Heinz. Paano na kaya si Io? Umpisa na >:)

Patuloy lang po sa pagbabasa guys. Comment at Vote na din po. Salamat ulit :)

Infinite Loop (on Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon