--- I know I'm not the only one
Third Person POV
Tahimik na inaabangan ni Beth ang pagdating nang kanyang kaibigan sa labas ng gate nila. Alam niyang kailangan siya nito ngayon, kailangan niya nang masasandalan. Sa totoo lang, hindi gusto ni Beth si Heinz para kay Io. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya, hindi niya pwedeng utusan ang pusong umiibig at baliw sa taong kailanman, siguro ay hindi kayang gantihan ang pagmamahal niya
Napalingon si Beth sa kanyang kanan ng may mapansin siyang ilaw na papunta sa direksyon ng bahay nila. Hindi nga siya nagkamali, iyon na nga ang taxi na sakay-sakay si Io. Sa salamin pa lang ng taxi ay kita na agad ni Beth ang matang namamaga ni Io dahil sa pag-iyak nito
"Halika na. Handa na yung higaan mo madam. Ikaw na lang inaantay" pagbibiro ni Beth saka niyakap ang kaibigan "Chika mo sakin lahat aa bago tayo matulog" dagdag nito
Tahimik lang si Io nang umakyat sila sa kwarto ni Beth habang si Beth naman ay daldal nang daldal para kahit papaano ay mapasaya ang kaibigan ngunit mukhang wala itong talab kay Io na nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang puso
"Hoyy. Ayaw kitang katabi ng mukha kang ganyan! Magshower ka, mukha kang gusgusing maghapon na naglaro sa kalsada!!" pagbibiro ni Beth "May extra pang tuwalya sa banyo ko and feel free to use my toiletries" sabi pa ni Beth na nag-aala donya
"Che!" sagot ni Io na bahagyang napangiti sabay tumuloy na sa banyo ni Beth at nagshower
- - -
"Ayy. Wow! Sabi ko shower lang. Ginawa swimming? Halos antukin at makatulog na ako sa kakaantay sa'yo teh!" bungad ni Beth nang makalabas na si Io galing sa kanyang pagsha-shower
"Wait kuhaan lang kita ng pajamas! Matutulog kang nakaganyan? Hindi ako si Heinz nu! Ayy sorry" sabi ni Beth sabay diretso sa kanyang mini cabinet na para lang sa kanyang mga pambahay
"Ohh! Ayan isuot mo yan! Hindi kita papahiramin ng Hello Kitty pajama ko kahit love kita! Noooo waaayy!!" sabi ni Beth sabay hagis kay Io ng pajama at blouse na puti
Pagtapos nito magbihis ay agad itong sumuot sa kumot at tinaklob ito sa kanya. Hinatak naman iyon ni Beth para maialis ito sa pagkakataklob kay Io "Hoyy anong ginagawa mo? Matapos kitang intayin sa tagal mo sa pagshower, tutulugan mo ko? Nasaan ang hustisya??" pabirong pasigaw na sabi ni Beth
"Saan mo ba ako gusto mag-umpisa??" tanong ni Io
"Sa tell me about yourself! Job interview kaya 'to!" sarkastikong sagot ni Beth at napansin niyang bahagyang ngumiti si Io "Natural, dun sa pagpunta mo sa kanila. Anong nalaman mo?" seryosong bawi ni Beth
"Wala!" maikling sagot ni Io kay Beth na may lungkot sa tono ng boses nito pati na din sa ekspresyon nang kaniyang mukha
"Anong wala? Wala? Ganyan itsura mo? Maga mata mo? Aksidenteng dinapuan ng dalawang manyak na ipis yang mata mo saka tinira kaya nabuntis? Kaya namaga??" seryosong sabi ni Beth pero akala ni Io ay nagbibiro ito kaya hindi niya napigilang tumawa
"Bakit ka tumatawa? Tangaa, seryoso ako. Look at my face! I'm being serious here!!" puna ni Beth sa pagtawa ni Io kaya naman napahinto ito
"So, ayun nga. Dahil sa sinabi mo kanina. Pumunta ako sa kanila. Nakita kong nag-iinom siya nang beer-in-can sa may labas ng bahay nila" kwento ni Io
"Beer-in-can? Oh tapos?" tanong ni Beth
"Uo. Hindi niya narinig yung una kong tawag, sa pangalawa siyang tawag ko lumabas at nakita kong gulat na gulat siya na makitang andun ako kanina" patuloy ni Io
"Anong gimawa niya?" usisa ni Beth
"Ayun, tulala lang siya ng ilang minuto bago ako hinawakan sa braso at hinila papalayo sa bahay nila" dagdag ni Io "Nasaktan ako sa ginawa niya kaya naman bumitaw siya. Pero mas nasaktan ako sa sinabi niya pagkatapos nun" patuloy nito
YOU ARE READING
Infinite Loop (on Going)
Romance*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
