"Huyy pre. Asan na si Io?"

"Pupunta ba si Io, Steff??"

"Andito na ba si Io pre??"

Hayy. Ta**ina naman talaga. Pati ba kayo sasabay? Tsss. Badtripp na gabing 'to.

"Claaaassssmaaaatessssssss! Kumpleto na tayo!!" HUH? KUMPLETO? Ano sinisigaw ni Ken? Pero teka, isa lang ibig sabihin nun. Andito na din nga si Io?

Maya-maya napansin ko na may sinasalubong si Mommy Hannah kasama niya si Beth at Nesh. Si Io na kaya yun? Lalapit na ako ng biglang. . . .

"Psychmates...Any minute now we will going to start the program, so let us now wear our mask!"

F*ck sabay pa talaga ng patay ng ilaw!! Grabe not my night. Hindi ko man lang nakita yung mukha niya. Pero ramdam ko na si Io nga yun. Uupo na lang ako dito sa table namin.

"Micah!! Andito na ba si Io??"

"Uo andito lang siya. Subukan mo hanapin gamit ang puso mo hindi lang ng mata mo" sagot ni Micah

"Ge salamat!"

Hanapin daw gamit ang puso hindi lang ng mata. Tssss.

At magsisimula na nga ang program. Blah blah blah. Dasal dasal dasal. Intro intro intro. Yess natapos na din sa wakas!!

"Alam ko gutom na kayo psychmates. Tama ba?? Hindi na namin patatagalin pa. Tara kainan na!!"

"Whooohhh" sigaw ng mga ibang year at section. Sana naman makita ko na si Io. Ayoko magmukhang tanga ngayong gabe. Sa gwapo kong to?? Tss. No way! Pero kakaen muna din ako.

*Burp

"Hoyy PJ paawat ka! Pang-ilang balik mo na ba yan??" tanung ni Zaire

"Ang sarap brad saka hindi pa ako busog!" Haha. Grabe ka PJ. Anong tiyan meron ka? Isang warehouse yata yan aa. Haha! Pero sa totoo lang masasarap ang hinanda nila, hindi yung tipong lagi mong matitikman sa handaan o fiesta. Lupet!

So much of that. Ililibot ko muna paningin ko para makita ko si Io

. . . . HANAP

. . . . HANAP

. . . . HANAP

Finally, the search is over! Hindi ako pwedeng magkamali. Si Io na nga yun! Sakto si Reiza lang kasama niya ngayon sa upuan. Pupuntahan ko na siya. Pero paano ko siya iaapproach? Tae bahala na!!

"Hi Io :)"

Io's POV

Andito ako ngayon sa pila na kasama ko sila Mommy Hanna, si Vanna, si Ken, si Harry, si ate Jenny at Reiza at Lourdes. Kakatapos lang ng intro sa program at inannounce na nga nila na kakaen na kame ng dinner. Good thing because I'm already dead hungry! (TRANSLATION: Sakto kasi patay gutom ako. Dead hungry = patay gutom) Ang ganap lang ngayon ay naghahantay kame makakuha ng foods at kasalukuyang nagtsitsimisan muna kame.

Kanina ko pa nakita si Heinz na nakikipag-usap kung kani-kanino. He looks good in his black tux and violet polo. At mukhang kanina pa din siya pinagmamasdan ng ibang psych girls at psych gays. Siya na pogi! Hayyss.

"Pero Io, ang ganda mo talaga ngayon. Ikaw na ba talaga yan?" paulit-ulit na tanong saken ni Mommy Hanna dahil sa sobrang pagkamangha

"Ako man din mommy manghang-mangha sa ganda ko ngayon. Ngayong gabi lang 'to mommy last na 'to" pabiro kong sabi. Sana pala araw araw may event nu? Para laging ganito ang getup ko. Haha

"Credits talaga to psychixx. Job well done girls!" sabi ni Mommy mga pangatlong beses na

"Maliit na bagay mommy. Wala yan. Pinagbigyan ko lang ngayon si Io. Ngayon lang" sabi ni Micah

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now