Mission 47

1.4K 44 0
                                    


---
"Wife, I love you."muling wika sakin ni Jace habang sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri.

Balik na ulit kami ngayon sa dati. Maayos na ang naging daloy ng buhay namin sa mga nakalipas na linggo. At dahil nawala kami sa opisina ng dalawang linggo ay tambak ako ng trabaho ngayon. Ewan ko lang kay Jace dahil nandito na naman siya sa opisina ko at ginugulo ako. Halos araw-araw siyang tumatambay dito na ikinaiinis ko naman dahil sa di ko matapos-tapos ang ginagawa ko.

Humarap ako kay Jace na may blankong mukha.

"Alam mo, Jace. Naiinis na ako sayo. Kanina ka pa I love you ng I love  you. Alam ko naman na patay na patay ka sakin kaya pwede ba mamaya na iyan dahil nagmamadali ako."inis 'kong wika sa kanya.

May flight kasi ako mamaya patungo sa Japan dahil may problema ang kompanya ko doon. Hindi naman porket nandito na ako sa kompanya ni Jace ay pababayaan ko na ang responsibilidad ko sa kompanya ko. That's a big no, NO WAY!

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? You know, I miss you so much wife."wika niya sakin.

Kararating din kasi ni Jace galing sa Los Angeles dahil sa dinaluhan niyang convention. Tsaka kailangan din siya ng isa pa niyang kompanya  doon kaya napalipad siya ng wala sa oras. Gusto niya pa sana akong isama pero madami naman akong ginagawa dito kaya di ako pumayag. That's explain why he's too clinché right now.

"I have an urgent flight at 1 pm. I need to go in Japan."pagsagot ko sa tanong niya.

Napaatras naman siya sa inuupuan niya at kasabay nu'n ang OA niyang pagsigaw.

"WHAT?! Why you didn't tell me?! I need to book a flight too."

Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Sabi na nga eh, sasama yan kapag sinabi 'kong aalis ako.

"Paano ang kambal?"tanong ko sa kanya.

"Your clan and my clan will babysit them. Don't worry, they will going to protect our kids."nakangiting wika niya na inirapan ko na lang.

Nakakainis kasi eh! Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya. Hsst!

*kriiinnngg!*

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Si Ace ang tumatawag kaya agad-agad 'kong sinagot ang tawag.

["Ry, susunduin ba kita mamaya?"] tanong niya mula sa kabilang linya.

"No need. Just send us the limo."

["Us? May kasama ka? Yung kambal ba? Ba'ka mapano sila dito. Nandito pa naman si Rawshew."]nag-aalalang wika niya sakin.

"Nope. Jace will come with me."sagot ko naman sa kanya.

Napatingin ako kay Jace na mariing nakatingin sakin.

["Ahh. Yung gago mo pa lang asawa."]natatawang balik niya na nagpaikot naman ng 360 degress sa mga mata ko.

"Pwede bang tumigil ka diyan. Sipain kita eh."inis 'kong pagbabanta na  tinawanan naman niya.

Kapag siya tinutukan ng baril ni Jace ay di ko sila aawatin. Lakas mambwisit ng lalaking 'to eh.

Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin at pinatay ko na ang tawag.

"Who's that?"tanong ni Jace at muli kong ibinalik ang atensyon ko sa kanya.

Hindi niya ba nakita ang caller ID?

"Si Ace."tipid na sagot ko at niligpit ko na ang mga folder na nasa harapan ko.

"Why he's calling you?"napairap naman ako dahil sa tanong ni Jace.

Nakalimutan ko. Seloso nga pala siya. Tsk!

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now