Mission 13

2.2K 78 19
                                    

---
How small this world, Ked? Sa dinami-rami ng pwede nating pagkitaan dito pa mismo sa kompanya ni Jace. Well, di na ako  magugulat kung bakit siya nandito. Kampo nga pala ito ni Jace. Kaya nandito lahat ng trumaydor sakin.

Naiyukom ko ang kamao ko dahil  kumukulo ang dugo ko sa taong nakikita ko. Damn you! Damn! Dahil sayo kaya hindi ko kasama ang kuya ko! Dahil sa inyo kaya namatay ang lolo ko!

Wala na akong naiintindihan sa sinasabi ng taong nasa harapan dahil nakatuon lang sa iisang tao ang atensyon ko. Tumingin siya sakin at ng makita akong nakatingin sa kanya ay agad siyang yumuko.

Ano? Nahiya ka no? Kasi alam mong may kasalanan ka sakin!

Gustong-gusto kong sabihin yan sa kanya pero di ko lang magawa dahil may mga taong nakaharap samin. Tsk!

Napatigil ako sa panggigigil sa taong kinaiinis ko ng maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Agad 'kong tinignan ito at namatay naman ang pagtawag ng nasa kabilang linya. Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng bigla na naman itong magvibrate at pangalan ni Joaquin ang nasa screen.

Napakunot ako ng noo dahil doon. Bago ako pumasok dito ay nagtext muna ako sa kanya na wag munang tatawag dahil may meeting ako. Hindi niya ba nabasa iyon?

Biglang namatay ang tawag at ilang saglit lang ng tumawag ulit siya at namatay na naman. Ako ba ang pinagloloko ng lalaking 'to?

Imbis na tawag ang mareviece ko sa susunod ay text na ang pumasok sa cellphone ko.

Agad 'kong inopen iyon dahil galing kay Joaquin. Wala namang makakakita dahil nasa baba naman ng mesa ang cellphone ko at kung titignan ay parang nagbabasa lang ako sa folder.

From:Joaquin

'Answer my calls, Rylee!'

Yan ang nakalagay sa mensahe niya at maya-maya lang ay nagvibrate na naman ang cellphone ko at pangalan ni Axl ang nagflash sa screen pero agad ding namatay iyon at napalitan ng pangalan ni Joaquin.

Tumingin ako sa mga taong kasama ko sa conference room at mariin naman silang nakatingin sa nagrereport. Napalipad ang tingin ko kay Jace at agad naman niya akong tinignan. Tinaasan niya ako ng kilay habang may ano-yun?-look siya.

Hindi na lang ako sumagot sa kanya at bahagyang tumikhim na nakakuha naman sa atensyon nilang lahat. Nakatingin kasi sila sakin eh.

"Ahm...Sorry ladies and gentlemen. But I need to excuse myself. I need to answer this call."sabay pakita ko sa cellphone ko na may nakaflash na pangalan ni Joaquin.

"Is he your boyfriend, dear?"tanong sakin ni Mr.Esperanza.

"No, sir. He's my P.A."sagot ko naman.

Alalay ko naman talaga si Joaquin. Ang MIA kong alalay.

"Oh. It's okay. Go ahead. It seems like that call is emergency."wika niya at bahagya akong nginitian.

Minsan talaga ay natutuwa ako sa matandang ito. Ang lakas-lakas ko sa kanya dahil lahat ng sinasabi ko ay sinusunod niya. Tapos ang lakas din niyang mang-impluwensya sa kapwa niya BOD.

Agad akong tumayo sa kina-uupuan ko at sinagot ang tawag ni Joaquin kahit na hindi pa ako nakakalabas ng tuluyan sa conference room.

"Wha----"

["MYGHAD, RYLEE! BUTI NAMAN AT SINAGOT MO NA ANG TAWAG KO! ALAM MO BANG KANINA PA KITA KINOKONTAK! RYLEE, ANG MGA ANAK MO NAWAWALA!"]

"WHAT THE HELL, JOAQUIN?!!"sigaw ko sa kanya.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now