Mission 11

2.2K 80 14
                                    


---
Naglagay ako ng light make up at red lipstick tsaka ko pinonitail ang buhok 'kong bagsak at inalis ko na rin ang coat na suot ko. Date naman ang pupuntahan ko at hindi naman opisina kaya kailangan na nakaformal ako.

Hapit sa katawan na sleeveless white dress ang suot ko. At sinigurado kong maganda ako sa lagay ko.

Gaguhan pala ang alam ni Jace. Sige, ibibigay ko sa kanya ang ibig sabihin nu'n. May pa I am territorial pa siya eh siya nga itong hindi kayang bakudan ang sarili eh. Tsk!

Bumama ako sa kotse at tinanguan ko lang ang mga tauhan ko. Alam na nila ang ibig sabihin nu'n.

Pumasok ako sa loob ng resto at ang masasabi ko lang ay ang GANDA. Nakakarelax ang dating niya at talagang napakasmooth lang ng mga bagay-bagay dito.

Agad akong nagtungo sa reservation area at sinabi ang pangalan ni Mr.Esperanza. Ginuide naman ako ng waiter hanggang sa makarating kami sa table na nareserve.

Ang pula ng paligid dito sa pinareserve ni Mr.Esperanza. Talagang pang-date ang dating dahil ang sweet tignan. May soft melody pa na humuhuni sa kung saan habang may pabonfire siya sa gilid. Parang italian resto ang dating.

"Sir, ito na po ang hinihintay niyo."wika ng waiter doon sa lalaking nakatalikod sakin.

Humarap naman ito at halos mahulog ang panga ko ng makita ang taong kaharap ko.

"No....way...."yan na lang ang naiwika ko dahil sa pagkagulat sa taong ito.

"Hi."bati niya sakin at parang nahihiya pa siyang nagkamot sa kanyang batok.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at hinila niya ang upuan na nasa harapan niya.

"Have a sit, Ms.Miyamoto."pormal niyang wika sakin at wala akong ibang magawa kundi ang maupo na lamang doon.

Tumawag siya ng waiter at nag-order ng kung ano. Samantalang ako ay nakatulala lang sa kanya dahil sa pagkagulat ko. P-paano? Is he his son?

"Kamusta na, Rylee?"banayad niyang tanong sakin habang seryoso lang na nakatingin sa mukha ko.

Hindi ko alam at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa utak niya pero wala na akong pakialam doon. Parang isang bagay lang ang gusto kong gawin ngayon. Yun ang isumbat lahat ng nangyari six years ago. Nawawala ang kuya at namatay ang lolo ko ng dahil sa kagagawan nila!

Dumating yung waiter at binigay yung order niya kaya di muna ako nagsalita. Nang okay na ay doon ko na isinumbat ang nararamdaman ko.

"It's been six years, then itatanong mo sakin kung kamusta na ako?"medyo may bahid ng pagkasarkastiko ang pagkakasabi ko nu'n.

Hindi ko lang maiwasan na ganunin siya dahil sa nararamdaman 'kong galit sa kanila. I don't know why but I can't help myself to control my feelings.

"I'm sorry."paumanhin niya.

Hindi ko alam kung anong meron sa sorry niya dahil parang gumaan ng kaunti ang loob ko doon. Pero nandito pa rin talaga yung galit. May galit pa rin talaga akong nararamdaman.

"Look, James. Nawawala ang kuya at hanggang ngayon ay di ko pa sita nahahanap dahil sa  pagkakamali niyo. Dapat di na lang kayo nakisali pa sa gulo namin! Mas lalo niyo lang pinalala ang galit na nararamdaman ko!"sumbat ko sa kanya.

Alam ko na ang lahat-lahat. Hindi si Luther ang ama ni Ked, kundi si Rex Santiago. May nabuntis noon si Rex at dahil siya ang crown prince sa clan nila ay pinaako ng ama ni Rex ang bata kay Luther. Dahil kapag nalaman ng ibang myembro na nakabuntis si Rex ay automatic na kay Luther ibibigay ang trono. Nagkataon naman noon na anak sa labas si Luther at ayaw ng ama nila sa kanya kaya ginawa niya ang lahat para mapunta kay Rex ang trono. Yun din ang isa sa naging dahilan kung bakit nagawang patayin ni Luther si Daddy dahil half brother ni Daddy si Luther. Tapos yung babaeng pinakamamahal pa ni Luther ay napunta kay daddy kaya gayun na lamang ang galit niya to the point na pati ang mommy ko ay pinatay din niya. Masama siya! Masama si Luther at ang buong angkan ng asawa ng nanay niya. Kung di dahil sa kanila ede sana hindi namatay ang daddy at mommy ko. Tsk!

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon