Mission 22

1.9K 59 9
                                    


---
Nagising ako na masakit ang ulo ko. Parang bibiyakin sa sobrang sakit.

Bahagya akong umupo sa kama at tinignan ang katabi ko. Wala na siya dito at sa malamang sa malamang ay nauna na siyang lumabas. Kaya kahit na masakit ang ulo ko ay pinilit kong tumayo at lu.abas. Pero wala akong nadaanan na Jace sa sala kaya pinilig ko na lang ang ulo ko. Dumiretso ako sa kwarto at basag na salamin mula sa bintana ang naabutan ko.

Tinignan ko ang dalawang kama pero tanging si Aivonne lang ang naroon at tulog na tulog kaya di ko maiwasang hindi kabahan. Damn! Nasan na si Aivan?!!

Agad akong lumapit kay Aivonne at cheneck ang katawan niya. Ba'ka kung ano na ang nangyari sa kanya. Wala namang dugo o kahit na ano kaya ginising ko na lang ang anak ko.

"Aivonne, wake up. Wake up, baby."

Damn! Nasan na ba si Aivan?! Kung magkasama man sila ni Jace eh bakit nabasag ang bintana dito?! Damn it! Hindi ako tanga para hindi ko maintindihan ang mga nangyayaring ito.

"Ugh! M-mommy, my h-head."daing ng anak ko habang sapo-sapo niya ang ulo niya.

Binuhat ko siya at tsaka ko hinagod ang likod niya.

"Ssssh~ it's okay, it's okay."pag-aalo ko para kahit paaano ay maibsan ang sakit ng ulo.

Sino ba ang may gawa nito?! Tangina!

Ginala ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto. Tanging basag na bintana lang na nagkalat sa sahig kaya malamang sa malamang ay binato ito.

Napadapo ang tingin ko sa isang sulok malapit sa pintuan nila at may isang korteng lata doon. Agad ko iyong nilapitan at tinignan at halos mapamura na ako sa isipan ko dahil sa latang ito.

Damn it! Someone throw a sleeping bomb. The hell! Who's that fucking person?!! Damn! Damn! Damn! Wala si Aivan tapos may ganitong nangyari. Shit! Di ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa anak ko.

"Mommy, where's kuya?"tanong ni Aivonne habang nakahilig siya sa balikat ko. Siguro masakit pa rin ang ulo niya hanggang ngayon.

"I don't know. Let's find him, okay?"sagot ko sa kanya at ramdam ko ang pagtango niya.

Bumalik ako sa kwarto namin ni Jace at kinuha ang cellphone ko doon. Agad 'kong tinawagan ang number ni Kino dahil siya ang nanggugulo sakin kahapon. Kapag nalaman ko lang na may kinalaman siya dito humanda ang lalaking 'to sakin.

["Hello.."]husky niyang wika. Marahil ay kagigising niya pa lang.

"Walanghiya, Kino! Kung ano man yang binabalak mo, pwede ba?! Wag mong idadama ang mga anak ko dito!!"sigaw ko sa kanya.

["What?! I didn't do anything. Wait, anong room number niyo ba? Pupuntahan ko kayo."]wika niya at may narinig akong pagbalibag ng pinto sa kabilang linya.

"Presidential suite."tanging na wika ko na lang bago ako pinatayan ng telepono ni Kino.

Damn it! Hindi si Kino. Kung ganun sino ang may kagagawan nito?! Tangina!

Napapikit ako ng mariin dahil pinipigilan ko ang galit na nararamdaman ko. Calm down. Calm down, Ry..

Muling akong nagmulat ng mata ng marinig ko ang pagbuzz ng pinto kaya dali-dali akong lumapit doon. Nagulat ako ng may yakap na sumalubong sakin.

"Sssssh~ we'll fine him. We'll fine him."bulong niya sakin bago siya kumawala sa yakap at hinarap ako.

He cupped my face and gently wipe my tears that I didn't notice to fall.

Make The Mafia's BackDove le storie prendono vita. Scoprilo ora