Mission 20

2.1K 65 8
                                    


---
Sabay-sabay kaming lumabas ng hotel dahil ang dalawang bata ay nagyayang mamasyal dito sa isla. Pormadong-pormado sila kaya pati tuloy ako ay nasama sa kapormahan nila.

Si Aivan ay nakasuot ng board short at sleeveless na T-shirt na hanggang kalahati ng damit ang butas ng manggas. Kaparehong-kapareho sila ng ama niya at talagang naka-ray ban pa silang salamin. Samantalang ako at si Aivonne naman ay parehong nakasummer dress at penaresan namin iyon ng sombrero na pangbeach din.

"Mommy, ang pretty natin."masayang wika sakin ng anak 'kong babae habang nakahawak siya sa kaliwang kamay ko. Si Aivan naman ay sa kanan ko humawak.

"Ofcourse, baby. Ganyan talaga kapag goddess."pagyayabang ko sa kanya. Minsan lang naman ako magsabi ng goddess kami eh.

"Yes, mommy! We're goddess!"masayang segunda niya at tatalon-talon pa siya kung maglakad.

Bumaling naman si Aivonne kay Jace at siya naman ngayon ang tinanong niya.

"Daddy, mommy is sooo beautiful isn't she?"

"Ofcourse she is!"sagot ni Jace na ikinagulo na naman ng pagtibok nitong peste 'kong puso.

"Ahehehe.."hagikhik ni Aivonne.

Napailing na lang ako habang kinakalma ko ang puso ko. Itong anak 'kong 'to talaga. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya. Tsk!

"Mommy, look."nabaling ang atensyon ko kay Aivan ng tawagin niya ako.

Nakaturo ang hintuturo niya sa isang bangketa na may nagbebenta ng mga souvenier. Yung personalize na souvenier na pwede mong palagyan ng pangalan mo. Nasa labas kasi kami ng bora-beach dahil hindi na daw allowed sa loob ang mga bangke-bangketa. May pwesto naman silang binigay kaya di na rin mahirap na hanapin ang mga nagbebenta.

"Let's see, mommy."yaya sakin ni Aivan at hinila-hila niya pa ang kamay ko kaya napasunod ako sa kanya.

Nakasunod din naman si Aivonne dahil hindi niya binibitiwan ang kamay ko. Ramdam ko din ang presensya ni Jace na nasa likod lang namin.

"Wow! Let's buy some daddy!"wika ni Aivonne habang may ngiting malawak sa labi niya.

Yumuko si Jace para magkapantay sila ng mukha ni Aivonne. Nginitian niya si Aivonne at bahagyang pinisil ang pisngi nito.

"If that's what you want, my princess."malambing na sagot sa kanya ni Jace.

Wala sa oras akong napangiti dahil sa nakita ko. Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako makapaniwala na may daddy ng natatawag ang kambal.

"Thank you, daddy!"wika ni Aivonne at hinalikan niya si Jace sa pisngi bago niya ikawit ang kamay niya sa batok ng daddy niya. Magpapakarga na naman siya. Daddy's girl eh.

"Mommy, look. It's so cute."wika ni Aivan kaya napatingin ako sa hawak-hawak niya.

Wood sculpter ito ng dolphin at ang ganda nga.

"Do you want to buy that?"tanong sa kanya ni Jace. Kaya napaharap si Aivan sa daddy niya bago siya tumingin sakin.

"Can we?"

"Ofcourse, baby."malambing 'kong sagot sa kanya. Kaya bumaling na siya sa nagtitinda at ibinigay ang hawak-hawak niya.

"Ang gwapo at ganda naman po ng mga anak niyo, ma'am and sir."wika ng aleng nagtitinda habang nakangiti ito sa kambal.

"Ah hehehe... Mana po eh."sagot ko na lang sa kanya bago ko binalingan si Aivan. "Do you want to put your name there?"tukoy ko sa nagustuhan niyang sculpture.

"Yes, mommy."sagot niya bago siya humarap sa nagtitinda. "Please put M.A.L."deretsong wika niya. Ang sungit talaga ng unico hijo ko.

"Ang gwapo mong bata kaso may pagkamasungit nga lang."wika ng babae na di naman pinansin ni Aivan. Napailing na lang ako dahil doon.

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon