Mission 28

1.8K 74 11
                                    

---
Nilapag ko ang lipstick pagkatapos 'kong malagyan ang labi ko. Ngayon ang launching ng produktong gawa namin kaya naman inihahanda ko ang sarili ko para sa mga katanungan na maaari nilang maitanong mamaya.

"Wife."napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Si Jace pala na may naguguluhang mukha habang di maitali-tali ang kanyang kurbata. Kaya naman naiiling akong lumapit sa kanya at inayos iyon.

"Sino ang nag-aayos ng kurbata mo?"tanong ko sa kanya habang itinatali iyon.

Ramdam ko naman ang paghawak niya sa bewang ko kaya parang nagsasayaw kami sa posisyon na ito.

"My secretary always do that."prenteng sagot niya sakin na muli 'kong inilingan.

Siguro kung di ko lang alam na lalaki ang secretary niya ay makakaramdam ako ng selos dahil siya ang laging nag-aayos sa kurbata niya. Hsst! Buti na lang talaga at lalaki.

"Dapat kasi matuto kang maglagay. Hsst! Paano na lang kung wala yung secretary mo?"

"Nandiyan ka naman."agad niyang sagot at bahagya pang ngumiti sakin.

"Paano kapag wala ako?"

"Hmm? Di mo naman ako iiwan eh. If you'll going to leave me then I'll chase you. I love you and I can't imagine my life without you."agad naman na lumukso ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Kinikilig na naman ako. Parang teenager lang ang dating ko kahit na may dalawa na akong anak.

"Binobola mo na naman ako. Tara na."yaya ko sa kanya at ako na ang kumalas sa pagkakahawak niya sa bewang ko.

"I'm not joking, wife. That's true."habol niya at agad na ipinulupot ang kamay sa bewang ko.

Di na lang ako sumagot at sabay na kaming bumama. Saktong pagbaba namin ang siyang pagtingin naman ng kambal samin. Agad silang lumapit sa pwesto namin kaya lumuhod ako para makapantay sila.

"We'll go. Don't do riduculous things."paalala ko dahil alam ko naman 'tong dalawang 'to. Kapag alam nilang aalis at matatagalan ako ay may kung ano-ano silang pinaggagawa na siyang ikinatataas naman ng presyon ko.

"Yes, mommy. I love you."wika ni Aivonne at hinalikan ako sa pisngi.

Tumingin naman ako kay Aivan na wala man lang emosyon ang mukha.

"Mommy, why we can't go with you?"kanina niya pa itinatanong iyan na paulit-ulit ko lang naman sinasagot ng;

"Because there's no kids there."

"But, mommy..."

"Aivan, we already talked about it. Don't worry I'll be home at nine o'clock."I answered.

Pagtapos lang ng interview at launching ay uuwi na ako. Bahala na si Jace doon na tumapos sa ibang gawain. Hindi ako pwedeng magpagabi masyado dahil wala sa tabi ko ang kambal. Hindi mapapanatag ang loob ko.

"I love you, goodbye."sabay halik ko sa kanyang noo.

Nagpaalam na din sila sa daddy nila kaya lumabas na kami sa bahay. Sandamakmak na tauhan ang pinagbantay ko dito sa bahay dahil gusto 'kong masiguro ang siguridad nila. Ayoko ng maulit pa yung nangyari noong nakaraang buwan.

"Paano ba yan, magkahiwalay tayo ng sasakyan. Kita na lang tayo doon."wika ko kay Jace.

Ayaw naman niya na magkaiba kami ng sasakyang gagamitin pero wala siyang magagawa. Ito ang gusto ko at dapat lang na sundin niya. Ayoko munang may makaalam na iba na may relasyong kaming dalawa.

"Hsst! What will I do."he replied and he gave me weak smile.

I just kiss his lips to ease his sadness bago ako pumasok sa sasakyan na gagamitin ko.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now