Mission 15

2.3K 79 26
                                    


---
"Mommy, wake up."dinig 'kong boses ni Aivonne.

"Hmmm?"wika ko sa kanya bago bumaling sa kabilang side ng kama.

Inaantok pa ko eh. Mag-aala una na rin ng matulog kami kagabi dahil nanuod pa ng cartoons ang dalawang bata. Wala naman akong magawa dahil si Jace na mismo ang umispoiled sa kanila. Tanging wika lang ni Jace:

"Hayaan mo na. Para naman mapalapit sila sakin."

Oh? Iimik pa ba ako kung iyon ang dahilan niya? Iimik pa ba ako kapag umiyak na yung dalawa sa harapan ko at nagmamakaawa na manuod sila? Syempre hindi na. Mahal ko yung dalawang anak ko eh. Pero itong Jace. Mukhang nakikitaan ko na na iispoil niya ang anak namin. Haiist!

"Mommy, wake up.."pangungulit niya pero ayaw pa ring magmulat ng mga mata ko. Antok na antok ako eh.

Aabsent na rin ako ngayong araw dahil bukod sa inaantok ako ay babantayan ko muna ang mga anak ko.

Naramdaman ko na may humalik sa dalawang mata ko tapos sa tip ng ilong ko hanggang sa pinugpog na niya ng halik ang buong mukha ko.

"Wake up, mommy."malambing na bulong sakin ni Aivan.

Haiist! So sweet my little baby boy?

Nakangiti 'kong minulat ang mga mata ko at mukha ni Aivan ang bumungad sakin. Nginitian niya ako at tsaka muling hinalikan ang labi ko. Iniyakap niya pa ang kamay niya sa leeg ko.

"Good morning, mommy."bati niya sakin.

"Good morning too, baby."sagot ko sa kanya.

Umupo ako sa kama at ginala ko ang paningin ko. Nasan na si Aivonne?

"Where's your sister?"

"She left, mommy. Enotosan nyah akoh to wake you up, mommy."natawa ako dahil sa pagtatagalog niya.

Hanggang ngayon ay baluktot pa rin siyang magsalita. Mas magaling pa si Aivonne na magtagalog kaysa sa kanya.

"Mommy, don't laugh. I'm trying my best to speak tahgalog because Aivonne said that we should use that language here."nginitian ko siya dahil sa sinabi niya.

"That's okay baby. You can still learn day by day."ani ko at bumaba na ako sa kama  kaso bigla niyang inispread ang kamay niya tanda ng pagpapabuhat.

Basta 'tong lalaking anak ko talaga gustong-gusto ang nagpapabuhat kaysa naglalakad.

Tumalikod ako para i-piggy back ride siya. Natawa naman siya kaya pati ako ay natawa na rin.

Dumiretso kami sa banyo dahil magmumumog pa ako at maghihilamos. Nang matapos kong maayos ang sarili ko ay nilapag ko muna si Aivan sa kama para makapagbihis ako ng damit.

"Wow, mommy! You are soooo beautiful."pambobola niya pagkalabas ko sa walk in closet.

"Ang bolero mo."wika ko.

"Hmm? Bolero? What's that, mommy?"

"Bolero is boleros. Bluff. The one who's jokingly around."napasimangot siya sa sinabi ko.

"Mommy! I'm not joking. It's true. You're so beautiful and ofcourse, I'm soooo handsome too!"

Ayon. Ayon pala ang gusto niyang iparating. Ang masingit na naman ang linya niyang 'I'm sooo handsome too'. Dahil sa sobrang lapit niya kay Axl ay pati ang kahanginan niya ay namana na ng anak ko.

"Oo na. Handsome ka na. Halika na."yaya ko sa kanya.

Nakapantulog pa siyang damit at hindi pa nagbibihis. Ilang damit kaya ang dala ng mga ito? Tig-isang back pack lang kasi ang bitbit nila kahapon eh. Tsaka saan kaya nakakuha ng pambili ng plain ticket ang mga 'to. Hmm, matanong nga.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now