Mission 41

1.6K 55 7
                                    


---
RYLEE POV

Pabalik-balik ako ng lakad habang mariing nag-iisip. Nakipagkita si Kino kay Jace kahapon at may pinaabot na mensahe si Jace. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko muna kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Ba'ka kasi kapag nagkita kami ay hindi na ako makaalis pa sa tabi niya. Lalo na't wala siyang response sa planong sinabi ni Kino kahapon. Alam 'kong di naman papayag si Jace eh. Knowing him. Kapag sa kanya, sa kanya lang. Ayaw niya ng may kahati o ano. Basta sa kanya lang ng buong-buo.

Napapitlag ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ng hindi ko tinitignan kung sino ang nasa caller ID.

"Hello?"wika ko ngunit walang response sa kabilang linya. "Alam mo, wala akong balak na makipaglokohan sayo ha. Kaya kung wala kang sasabihin pwede bang wag kang mang-istorbo!"bulyaw ko sa kabilang linya.

Bwisit! Gabing-gabi pero nang-iistorbo ang kung sino mang hinayupak ang nasa kabilang linya.

["W-wife..."]napatigil ako sa boses na nasa kabilang linya.

Si Jace ito at garalgal ang kanyang boses. Umiiyak ba siya? Tsaka ang ingay sa lugar na kinaroroonan niya. Nasan ba ito?

["Sir, napadami na kayo ng nainom. Kahapon pa po kayo nandito."]napapikit ako dahil sa narinig ko sa kabilang linya.

Talagang magpapakamatay sa alak eh no? Bwisit! Ayaw pumayag sa plano namin pero naglalasing naman.

["Fuck! I can buy everything and don't you dare to stop me! I can buy this fucking bar so leave me alone!!"]sigaw naman ni Jace sa kabilang linya na inilingan ko na lang.

"Nasan ka?"tanong ko pero agad na naputol ang tawag kaya napairap na lang ako sa kawalan.

Bwisit na lalaking ito! Talagang bibigyan pa ako ng problema. Kainis!

Agad 'kong kinuha ang laptop na nasa tabi at sinaksak doon ang cellphone ko para mas mabilis 'kong malocate kung nasaan man siyang lugar. Kainis! Nasan ba ang mga kampon niya at hindi siya samahan.

Nang mahanap ko na ang kinaroroonan niya ay agad kong kinuha ang jacket ko at nagmadaling bumama. Nasa mansyon kami ni lolo kaya malayo-layo ang lalakbayin ko.

Nakasunod ang mga bodyguard na binigay sakin ni kuya na hinayaan ko na lang. In case na may mangyari sakin sa daan atleast may resbak ako.

Tahimik na ang mansyon kaya sigurado akong tulog na si kuya. Gabi na rin kasi.

Ilang oras ang nilakbay ko patungo sa isang five star bar at mula dito sa labas ay masasabi mong magara ito. Kung sabagay ay puros high class naman ang pinupuntahan ni Jace.

Pumasok ako sa loob at maingay na kapaligiran ang bumungad sakin. Iginala ko ang paningin ko sa kabuan pero hindi ko siya mahanap. Nakipagsiksikan ako para makapasok ako sa pinakaloob hanggang sa makarating ako sa bar stall. Doon ay nakita ko si Jace na tumutungga ng alak.

Agad akong lumapit sa kanya at inagaw ang alak na dapat ay iinomin na naman niya sana.

"Ano ba?!"singhal niya na di ko na lang pinansin. Lasing siya.

Tumingin siya sakin at halos mapasinghap ako sa itsura niya. Gulo-gulo ang buhok niya at maging ang nicktie niya ay hindi na mawari kung nakatali pa ba ito ng tama. Hindi rin maayos ang pagkakabutones ng polo niya at ang coat niya ay nasa sahig na. May putok ang kanyang kilay at bibig marahil ay nakipagbugbogan ito.

"Sheno kah?! Bakit kamukha mho ang ashawa ko?!"singhal niyang tanong sakin na nagpaikot naman sa eyeballs ko.

Lasing na talaga siya. Nangangamoy alak na din siya sa sobrang kalasingan. Tsk!

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now