Mission 45

1.4K 47 0
                                    

---
"Ang mafia world ay nahahati sa tatlo. Ang white society, black society, at cinerious society. Ang bawat society ay may namumunong prime habang ang buong mafia world naman ay may namumunong King and Queen. Walang pwedeng makaalam sa identity ng King, Queen, and primes para na rin sa kaligtasan."panimula ni kuya

Alam 'kong may society kaming kinabibilangan pero hindi na ako nagseek ng kaalam para doon dahil ayokong ipahamak ang clan na nabuo ko. Kapag kasi ang isang clan ay maraming alam tungkol sa society'ng kinabibilangan niya siguradong marami rin ang sisira at magpapatumba dito. Basta, ang tanging alam ko lang ay parehong nasa white society ang clan namin ni Jace at siya ang nangunguna na clan sa society namin at siya din ang pinakamayaman na Clan sa buong Mafia World.

"Yan ang dahilan kung bakit hindi ako nagpakita sa iyo noong mga panahong namatay ang ating mga magulang natin dahil ako ang susunod sa posisyon ni lolo. Wala din ako sa tabi mo noong akala mo ay tinalikuran ka na ng mundo. At pasensya na rin kung mas pinili ko ulit na mawala sa tabi mo noong mga panahon na pinagbubuntis mo ang kambal. Alam mo naman kung gaano kadelikado ang pagpapakita sa publiko at ayaw na ni lolo na maulit pa ulit ang nangyari noon sa kanila."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni kuya. Anong nangyari noon?

Tumikhim si Mr.Feng kaya sa kanya napunta ang atensyon ko. Pinagpatuloy niya ang kwento para malinawan na ako.

"Magkakaibigan kami ng nga lolo niyo noon at sa pagtatago ng mga identity namin ay naging pasaway kami ng mga lolo niyo dahil ibinunyag namin sa isa't-isa ang mga sekreto namin. Sa una ay naging masaya kami dahil alam naming magtutulungan kami. Ngunit ang pagkakaibigan at tiwala namin sa isa't-isa ay nawasak dahil na rin sa iisang babae na dumating sa buhay namin. Ginulo niya kami kaya kami mismong magkakaibigan ay nag-away-away. Ngunit sa pagkakaalam ko ay nagbati na si Lhou at Seonji pero ako? Nagmatigas ako at pinili 'kong iwan sila dahil sobra akong nasaktan. Una kaming nagmahalan ni Li Xia. Masaya kami pero nagbago ang lahat ng iyon ng magkalapit ang loob nila ni Seonji. Ang pagmamahal sakin ng mahal 'kong si Li Xia ay unti-unting nagbago dahil nahuhulog na siya kay Seonji. Galit na galit ako sa kanya noon. Galit na galit ako sa kanila. Nagpalamon ako ng galit ko kaya nakagawa ako ng isang bagay na pinagsisisihan ko."

Nagsisisi at umiiyak niyang pahayag.

"Si Emillo ay galing sa Black Society na pinamumunuon ni Lhou pero nakipagkampihan siya sakin. Ginamit niya ang galit na nararamdaman ko upang maisagawa niya ang balak niya sayo. Sa inyo."sabay tingin niya saming lahat. "Hindi lang iyon  ang nais niya. Dahil ang nais niya din ay mag-away-away tayong lahat upang umunlad society'ng binubuo niya. Utos ng king samin na lituhin siya. Makipagkasundo at makipaglaro sa kanya. Kaya kahit na galit ako sa mga kaibigan ko ay nakipagkasundo ako dahil di ko naman kayang hayaan na bumagsak ang society namin. Kahit may galit kami sa isa't-isa ay nag-aalala pa rin ako sa kanila. Hanggang sa maipaliwanag na sakin lahat ni Lhou at nagkapatawaran na rin kami at doon nagsimula ang braso."

Tumingin ako kay Kino at Kuya na ikinatango naman nila. Alam nila pero hindi nila sinabi sakin? Nakikipaglaro sila ng hindi sinasabi sakin? THE HELL!!!

"Calm down, Ae."pagpapakalma ni Kuya at hinawakn pa nito ang kamay kong nakayukom ng di ko man lang namamalayan.

"Si Emillo ang may kahagawan ng lahat ng ito. Siya din ang namblack sa lolo ko at sa kuya mo. Kaya naisagawa namin ang planong ito. Pasensya na Ae kung di naman nasabi sayo ng buo ang plano. Ayaw lang kasi namin na gumawa ka ng isang hakbang na ikakapahamak mo at nang kuya ko."mahinahon na wika ni Kino pero hindi iyon nabawasan ang inis na nararamdaman ko.

Alam 'kong kapakanan ko lang din ang iniisip nila pero sana nagtiwala din sila kahit na isang beses lang.

"Kaming lahat ang nagplano dito kaya sana wag mong ibuntong lahat kay Mr.Feng. Naiintindihan 'ko kung magalit ka samin. Pero sana maintindihan mo din kami. We're primes and we should keep the secrets especially if this is order from the king."

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now