Mission 46

1.4K 45 0
                                    


---
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pabagsak na katok sa pinto ng kwarto namin habang sinisigaw ang pangalan ko.

"RYLEE! RYLEE! GUMISING KA!"

Agad akong tumayo sa kama at papungay-pungay ang mga matang lumapit sa pinto. Kauuwi ko lang kasi galing sa hospital at kulang pa ako sa tulog.

Binuksan ko iyon at bumungad sakin si James na tagaktak ang pawis.

"Si Jace!"agad akong kinabahan ng banggitin niya ang pangalan ng asawa ko.

"Damn! Anong nangyari sa kanya?!"di magkanda-ugagang tanong ko habang mariin na nakahawak sa magkabilang braso ni James.

Ang nag-aalala niyang mukha kanina ay agad na napalitan ng lungkot kaya mas lalo akong kinabahan sa maaari niyang sabihin. Di ko na din napagilan pa ang pagtulo ng luha ko dala ng kaba ko sa kanya.

"Anong nangyari, James? Please sabihin mo..."pagmamakaawa ko sa kanya.

Pansin ko ang pangingilid ng luha niya at kasabay nu'n ang pag-iling niya. Hindi pa man niya nasasabi ay parang nahuhulaan ko na ang gusto niyang iparating. Damn! Hindi pwede.

"J-James..."umiiyak 'kong tawag sa kanya habang may nagmamakaawang tono.

"I'm sorry, Rylee. B-But he didn't m-make it. W-wala na siya..."

Tila tumigil ang mundo ko ng dahil sa sinabi niya. No! Hindi pwede. Hindi siya pwedeng mamatay!

Sunod-sunod na iling ang tinugon ko sa kanya habang nanginginig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko ay babagsak na ako dito anytime from now. Mabilis din ang pagpintig ng aking puso na kasabay ng malakas na mag-agos ng aking luha.

"B-bawiin mo ang s-sinabi mo. P-pleaseee..."pagmamakaawa ko pero umiling lang siya. Kaya napaupo ako sa sahig dala ng sakit na nararamdaman ko.

"P-Patay na si Jace..."

"No... Hindi pa siya patay! Hindi siya patay! Hindi niya kami iiwan!!"sigaw ko dahil ayaw 'kong maniwala sa kanyang sinabi.

Damn!

--
"Wife, wake up! Hey wake up..."

Napamulat ako ng wala sa oras dahil sa pagtapik sa pisngi ko. Agad na bumungad sakin ang mukha ni Jace na nag-aalala kaya napaupo ako ng wala sa oras at agad siyang dinaluhan ng yakap. Ramdam ko ang pagyakap niya din sakin kaya mas lalo akong napaiyak.

Damn! Akala ko totoo na iyon! Akala ko mawawala na siya samin.

"Wag mo kaming iiwan. Pleaseee... W-Wag, Jace.. N-nagmamakaaway ako s-sayo."halos pabulong ko ng wika sa kanya.

"Sssssh~ I won't do that. Stop crying, wife.."pag-aalo niya sakin habang hinahagod niya ang likod ko

"A-akala ko t-totoo na yung panaginip k-ko."

"Ssssh~ it just a dream. Don't think too much, wife. I love you.."bulong niya sakin at ramdam  ko paghalik niya sa buhok ko.

Kumalas ako sa yakap niya at pinaharap ko siya sakin.

"I love you too."sagot ko tsaka ko mabilis na hinalikan ang labi niya.

Napangiti naman siya dahil sa ginawa ko.

"Ang ganda namang pambungad nito sa pagkagising ko."wika niya sakin at doon ko lang napagtanto na kagigising pa lang niya mula sa pagkakacoma.

Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya habang may nang-aalalang mukha.

"Okay ka lang ba?! Cheneck ka na ba ng doctor?! Bakit di mo ako ginising noong gumising ka ha?! Ano? Nagugutom ka ba? Naiinom? Ano?!"sunod-sunod 'kong tanong habang di magkanda ugaga sa pwede 'kong ikilos.

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon