Mission 33

1.4K 60 1
                                    


---
Isang puting mansyon ang bumungad sakin pagkarating na pagkarating ko dito sa lugar na pinuntahan ko. Dito nakalocate ang quarter ng ABD kaya naman nandito ako.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumapit doon. Dumaan ako sa pader at saktong pagkabagsak ko sa sahig ay may nakakita sakin na men in black kaya agad ko siyang binaril. Mabuti na lang at nilagyan ko na kanina ng silencer ang baril ko.

Tumayo ako mula sa pagkakabagsak ko at nagmadali akong pumasok sa loob. Nagtago ako sa isang pader habang sinisilip ang mga lugar na dadaanan ko. May nakita akong men in black na palakadlakad kaya naman binaril ko siya. Bulls eye dahil sa mismong sintedo niya tumama yung bala.

Pumasok ako sa isang pinto at parang stock room ito. May mga uniforms na nandito kaya naman dali-dali 'kong kinuha yung pang-made na uniform at nagbihis. Naglagay ako ng mask sa mukha ko para di ako makilala. Saktong paglabas ko ay siyang pagdating naman ng isang nakamade uniform din pero matanda at matabang babae ito.

"Anong ginagawa mo diyan?! Tumulong ka nga sa kusina! Pabagal-bagal!"singhal nito sakin na di ko na lang pinansin at dumiretso na sa kusina. Madali ko lang naman iyon mahahanap dahil mula sa kinaroroonan ko ay nasisilip ko ang mga taong nagluluto doon.

Lumapit ako sa kanila at nakasalubong ko pa yung chef nila na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Maghugas ka na lang ng pinggan. Di ka pwedeng magdala ng pagkain ba'ka lagyan mo pa ng bacteria."wika nito na tinanguan ko naman at dumiretso na doon sa paghuhugasan. Pero bago pa man ako makarating sa lababo ay pinagbabaril ko na ang mga tauhan na nandito.

Kinuha ko muna yung tray bago ako lumabas sa kusina at nilock ito. Hindi naman ako pinapansin ng mga men in black dahil akala siguro nila ay isa akong katulong dito. Tsk! Tsk!

"Pakidala na lang daw ang pagkain ni boss sa kwarto niya."wika sakin ng men in black na kabababa lang sa hagdan.

Mukhang sumasang-ayon ang tadhan sakin kaya naman agad-agad akong tumango sa kanya. Umakyat ako sa taas para mapuntahan ang kwarto ng boss nila. Hindi naman ako nahirapan dahil may mga men in black naman na nagbabantay sa labas ng kwarto. Tsaka nung makita nila ako eh agad nilang binuksan yung pinto para makapasok ako.

Nang maisara na nila ito ay agad kung pinindot ang lock. Nilingon ko ang matandang lalaki na nakaupo sa kama habang nakasandal sa headboard. May nakakalokong ngisi ito na nakapaskil sa kanyang mukha.

"Kilan ako nagkaroon ng sexy'ng katulong?"tanong niya habang iniinspeksyon ang katawan ko  na para bang hinihubaran niya.

My ghad! Tumatayo ang balahibo ko sa matandang ito. Kadiri!

Di ko na lang pinansin iyon at nilapag ko ang pagkain niya. Pero bago ko pa man ito mabitawan ay hinawakan na niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangisi siya sakin kaya naman nginisian ko siya kahit na di niya nakikita.

Agad 'kong hinawakan ang kamay niya at binaliko ito. Napadaing siya ng sakit na ikinangisi ko. Inalis ko ang mask na suot-suot ko at kita ko mula sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Scared?"ngising wika ko at tsaka ko mas hinigpitan ang pagbaliko sa kamay niya.

"Aaaaaaaaahhh!!! Shit!"sigaw niya.

Hindi naman kami maririnig sa labas dahil sound proof ito. Base na din sa dingding nito at may ilang aparatus na nakadikit dito.

"You want me to die?"ngising tanong ko sa kanya. "Then I'll make you suffer first!"sigaw ko at tinuluyan ko ng binali ang kamay niya.

Dinig na dinig ko pa ang malutong na pagkabali nito at mas lalo akong nasiyahan noong umiyak siya sa sakit.

Nilabas ko ang aking poison card at muli aking tumingin sa kanya. Kita ko na naman sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagkatakot. Messing up with me is like messing up the hell. They want demon? Then I'll give the demon!

"What style do you want to die?"I asked him in fierce and scariest tone.

"No. No. No.... it's not my fault. It's not my fault."paulit-ulit niyang wika habang winawagayway ang isa niya pang kamay na hindi nabali.

"Not your fault? YOU ALREADY KILLED MY CHILD THEN YOU'LL GOING TO SAY THAT IS NOT YOUR FAULT?!!"I screamed because of angerness.

I want him to die too. I want him to pay what he did. His life is not enough for my child's life. Damn him!

Tinarak ko sa binti niya ang number one spade ko. Hindi masyadong malala ang poison nito at kayang kaya niya pang makaligtas. Sa kaliwang binti naman niya ay tinarak ko ang number two spade ko.

Kita ko sa kanyang mukha ang pag-indi ng sakit kaya mas ginanahan akong itarak sa kanyang binti ang mga brahang hawak ko. Hanggang sa sampo na ang nakatarak doon kaya umiitim na ang kanyang binti. Tsk!

"Please... wag mo akong patayin. Please..."pagmamakaawa niya sakin na inilingan ko naman.

Wala silang awa kung pumatay tapos ngayon naman ay nagmamakaawa siya? Wala siyang pinagkaiba sa isang bata na siga pero pagdating sa nanay niya ay wala siyang masabi.

"You killed my child! It is a life versus life!"wika ko tsaka ko hinagis sa dibdib niya ang king of spade.

Kita ko ang paghirap niya sa paghinga at ang pagmamamkaawa sa kanyang mukha pero inilingan ko lang ito.

Tinutok ko ang baril sa noo niya at ready na akong kalabitin ang gatilyon ng marinig ko ang pagbagsak ng pinto kaya sa kanya ko naibaling ang baril na pinaputukon ito. Mabuti na lang at nakaiwas siya dahil kung hindi ay sigurado akong malamig na siyang bangkay ngayon.

"Shit, wife!"dinig 'kong sigaw niya dahil sa kamuntikan na siyang mabaril.

Pinagsawalamg bahala ko na lang siya.

Nilingon ko yung lalaki at walang alintana na binaril ang kanyang ulo.

"What the?!"sigaw ni Jace at tsaka siya lumapit sakin.

Agad niya akong niyakap at ramdam ko ang panginginig sa kanyang katawan.

"Don't do that again!"wika niya sakin kaya tinap ko lang ang balikat niya.

"It's done."simpleng wika ko at hinarap naman niya ako.

"Yeah. It's done."sagot niya sakin pero parang may kung ano sa kanya na di ko maipaliwanag.

Damn it! Ito na naman ang mga instinct na nararamdaman ko.

****
Jace POV

Damn! I'm scared to her. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang maghiganti. She wants revenge to the point that she never notice herself that's slowly turning into devil. Damn it!

That man she killed was not the real boss of this clan. Kumbaga ay pain lang ang lalaking iyon para sa mga taong gustong maghiganti sa clan na ito. Kaya naman nadali ang asawa ko doon. Why I knew it? Kasi trinap ko ang mga tauhan na nandito. Piniga ko sila hanggang sa magsalita sila. Hindi ko din aakalain na ganito pala ang set up ng clan na ito. Damn it! I don't want my wife to know it. Kung may dapat na humanting sa totoong leader nila ay ako ang huhunting sa kanya. I don't want to harm my wife. And who ever that person who planned this all I will take revenge on him. Damn!

"Let's go?"I asked my wife and she just nod.

Ginayak ko siya palabas ng bahay na ito. Wala na ang mga men in black dahil napatumba ko na ang iba at ang iba naman ay ang clan ng asawa ko ang nagpatumba.

"Lady Ae, ayos lang po ba kayo?"bungad na tanong ng isang medyo bata pa na tauhan niya.

"Hmm."sagot naman ng asawa ko at bahagya pa itong tumango.

Iniwan na lang namin sila doon at dumiretso kami sa sasakyan ko.

"May sasakyan ako, Jace. Doon na lang ako sasakay."tutol niya but I insist.

"Sumabay kana sakin, wife. You need rest."I said and I guide her in my car.

I set her selt belt before running on the other side.

Tumingin muna ako sa kanya at bahagyang ngumiti. I hope she will have a peace of mind now. I don't want her to stress on things na dapat ako ang gumagawa.

Bumuntong hininga muna ako bago ko pinaamdar ang aking sasakyan. 

---
Copyrights ©Miixxiimii
All rights reserved

Make The Mafia's BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon