Mission 43

1.4K 55 6
                                    


---
Ngayong araw na ito gaganapin ang kasal. Garden wedding ang gustong mangyari ni Mr.Lhou na hinayaan ko na lang tutal wala naman akong pake sa kasal-kasal na ito. Hindi ko naman seseryosohin eh.

Napatingin ako sa pinto gamit ang repleksyon sa salamin ng tumunog ito.

"Prepare yourself Ms.Miyamoto. The wedding will start five minutes from now."wika sakin ng organizer na bahagya ko na lang tinanguan bago siya lumabas at sinara ulit ang pinto.

Kinapa ko ang baril na nasa hita ko bago ako napabuntong hininga. Alam 'kong susugod sila Jace mamaya dahil sa itsura pa lang niya noong dinner meeting ay parang papatay na siya. Ready na din akong makipagbaril para mamaya. Kainis kasi ang matandang iyon! Hindi ko alam kung anong problema niya. Gustong-gusto ko na siyang barilin pero nakiusap si Kino na kung mamaari ay wag akong gagawa ng kahit na ano dahil ang tita niyang si Madeline at mga society ang nakasalalay dito. 

"Miss, labas na po kayo."nakangiting wika ng organizer kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas na.

Hanggang tuhod lang naman ang wedding gown ko dahil ayoko sa bongga. Tsaka na lang ako magbobonggang gown kapag yung taong mahal ko na ang maghihintay sakin sa harap ng altar.

Pumuwesto ako sa pinakadulo at nagsimula ng kumanta ng pangkasal ang bandang binayaran ng lolo ni Kino.

Habang naglalakad ako ay pinagmamasdan ko ang mga taong narito. Ang dami nila at karamihan sa kanila ay puros lalaki. Alam kung hindi ordenaryong bisita ang mga nandito kaya kailangan kong mag-ingat.

Sa dulo ng upuan ay nakita ko si kuya na nginitian ko na lang. Tinanguan ko siya senyales na maghanda sila kapag nag-umpisang magsalita ang paring binayaran namin na pepeke sa kasal namin. Nagbago kasi ang plano namin ng sabihin ng lolo ni Kino na garden wedding ang magaganap. Kaya imbis na ihatid ako ay pinaupo ko na lang si kuya sa harapan para mabilis ko silang makita.

"We are all gathered here to wit-----"

"DAMN! STOP THE FUCKING WEDDING!!!!"umaalingangaw na sigaw na nagmumula sa likuran namin.

Hindi pa man ako nakakalingon ng makarinig na ako ng putukan. Shit!

Agad 'kong inilabas ang baril na nasa hita ko bago ako tumingin kay kuya na nakikipagbarilan na rin kasama ang mga tauhan niya.

*Bang!*

*Bang!*

*Bang!*

*Bang!*

*Bang!*

*Bang!*

Puros palitan na ng putok ang naririnig ko at nakisali na din ako sa pakikipagbaril. Shitty!

Iniwan ko si Kino doon habang nakikipagbarilan ako. Kailangan 'kong makalapit kay Jace.

May nakita akong men in black na nagsilabasan sa hotel at nakipagbarilan na din. Madami din naman ang alliance na kasama ni Jace pero mas marami ang mga nanditong men in black. Parang hindi sila nauubos. Tsaka hindi lang ang nandito sa garden ang kalaban namin kundi pati na rin ang mga nasa taas ng hotel damn!

"Wife, at your back!"dinig 'kong sigaw ni Jace sakin kaya agad 'kong pinaputukan ang nasa likod ko bago ako tumingin. Nakita ko pa ang pagkabagsak nito na inilingan ko na lang. Tsk!

Nang tuluyan na akong makalapit kay Jace ay agad ko siyang niyakap.

"Damn! I miss you!"wika niya habang mahigpit akong yakap.

"Me too. Pero kailangan mo na natin itong taposin. Kailangan kong puntahan si kuya."sagot ko sa kanya pagkakalas ko sa yakap.

Di ko kasi mahanap kung nasaan ang kuya ko. Hangga't maaari ay ayoko siya mawala sa paningin ko dahil natruama na ako sa mga nangyari noon sa kanya.

Make The Mafia's BackWhere stories live. Discover now