“Pakelam mo!” ingos ko.

“San ka pupunta at sino ang kasama mo? Sagutin mo ang tanong ko Jasmin Samuel.” Madilim ang mga mata niya habang sinasabing madiin ang mga katanungang iyon. Huh! Akala mo boyfriend makaasta pero napakaraming babae at idadamay pa ako.

“Al, let’s go.” Sumingit si Inday sa usapan namin. Sinundan ko ng tingin ang kamay nitong umangkla sa braso ni Al bago yumakap sa kanya sabay halik nito sa pisnge. Napapikit ako ng mariin dahil don.

“Si Sir Montello.” Napakagat ako ng ibabang labi ko sa hindi ko inaasahang sinagot ko. Dahil ssa galit ko sa kanya nadamay ko si Sir Montello na nagtatampo sa akin ngayon dahil hindi ako nakapunta at isinama pa sa kalokohan  ko.

Hindi umalis si Al sa pagkakatayo niya habang nakapamulsa. Nagtiim-bagang ito sa akin na may madilim na tingin na ikinanginig ng tuhod ko, simpleng tingin lang niya sa akin pero milyon-milyong boltahe ang dumadaloy sa akin pero pinatili kong nakapoker face ako. Binalingan ko ang kaibigan niya o ewan na si Inday na masama rin ang tingin dahil hindi niya mapasunod si Al sa paghila niya, buti nga sayong babae ka. “Al tara na.” Tinignan ko ang paghila nito sa braso ni Kupal hanggang sa talikuran na nila akong dalawa.

Tumawag ako kay Mommy na sa Condo muna ni Leslie ako tutuloy ngayong weekend para hindi magtaka si Tita Mildred kung aalis man ako at payagan niya ako hindi naman ako nagkamali dahil tinawagan niya muna si Mommy bago ako payagang umalis. Gabi na nang makaalis kami dito sa Batangas at naipit pa kami sa traffic dahil sa maraming nag-uuwian sa probinsya.

-

Pumasok kami nila Leslie sa isang kwartong VIP na inokupa naming mga Baka. Nakadress akong pula na hapit na hapit sa katawan ko at kita ang cleavage ko habang si Alyssan naman ay nakaskirt na black at nakablouse na dilaw na palobo pero kita ang likod niya at si Leslie naman ay nakablack tube dress na hindi lalagpas sa tuhod niya na katulad sa akin.

Hindi ko pa ino-open sa kanila ang tungkol kay Al at sasabihin ko iyon pag kinakailangan na at kumpirmado na nga ang nararamdaman ko sa kanya sa ngayon kailangan kong magpakasaya tutal masaya naman ang kupal na yon sa iba.

Pagkaupong-pagkaupo ko palang ay inabutan na agad ako  ni Ann ng isang basong Jack Daniels na halatang may tama na. Nauna sila ni Bianca at Charlyn dito kaya marami na rin ang nainom nila pero malalakas kami lalo na pag hard ang iniinom namin kaya matagal pa bago mapatumba.

Umiindak sila sa malakas na tugtog ngayon habang si Alyssa ay tahimik lang at nagcecellphone. Mayroong mali sa kanya. Weird!

Hindi pa ako nakuntento sa Jack Daniels ay binuksan ko na ang Chivas regal para magsalin sa baso kong may yelo dahil badtrip ako ngayon kailangan kong magwala para mawala iyon.

Nang maramdaman ko na ang alak sa tiyak ko ay agad nang nagkayayaan ang mga BAKA sa dance floor para mawala ang hilo na nararamdaman ko. “Let’s go girls.” Yaya ni Bianca na nakaviolet na dress ngayon. Naunan itong tumayo bago sinundan nila Charlyn at ako ang nahuli para inumin ang last shot ko na Tequila.

Pumailanlang ang kantang  Candy Shop ng 50 cent at nagsimula na akong sumayaw ng Dirty dance. Nawala ang mga Baka sa tabi ko kaya nang may lumapit sa akin para makipagsayaw ay hindi ko nalang nilingon bagkus ay umindak pa ako.

I'll take you to the candy shop

I'll let you lick the lollipop

Go 'head girl, don't you stop

Keep going 'til you hit the spot (woah)

I'll take you to the candy shop

Boy one taste of what I got

I'll have you spending all you got

Keep going 'til you hit the spot (woah)

May humila sa braso ko habang nakikipag sayaw sa sinumang lalaki na lumapit sa akin.

“Sa akin ka sumayaw niyan at wag sa iba.” Bulong niya sa tenga ko. Nahihilo na ako at randam ko na malapit na akong sumuka dahil may naaamoy akong usok ng sigarilyo. Hindi ko ininda ang sinabi niya bagkus ay idiniin ko ang sarili ko sa kanya upang maramdaman ang pagkahard niya sa akin, gumiling-giling ako pababa ng dahan-dahan. Humarap ako sa kanya at natigilan sa mukhang nakita ko. Mabilis kong tinggal ang pagkagulat sa mukha ko at ngumiti sa kanya ng mapait.

I put my arms on his shoulders and hug him tighter. “Fuck you!” bulong ko sa mga tenga niya. Hindi ko pa rin nakakalimutan kung anong nakita ko kanina at ang pagtatalo naming dalawa.  Ang lakas niyang magalit kung sino ang kasama ko pero siya? Tang-ina nakikipaglampungan pa sa lintek na Inday na yon.

Girl what we do, what we do

And where we do, and where we do

The things we do, things we do

Are just between me and you, oh yeah

Give it to me baby, nice and slow

Climb on the top, ride like you in a rodeo

You ain't never heard a sound like this before

Cause I ain't never put it down like this

Tatalikuran ko na sana siyang muli para bumalik sa mga kaibigan ko ng hapitin niya ang bewang ko at upang ipagdiinan sa matitigas niyang katawan. Hinalikan niya ang noo ko, napapikit ako sa kuryenteng dumaloy sa ginawa niya. “And I want you!” Natigilan ako sa huling sinabi niya.

Nawala ata ang pagkalasing ko ng dahil doon at naginit ko ng landasin ng kamay niya ang tiyan ko. Fuck!

Sharap (Baka Girls #1)-CompletedWhere stories live. Discover now