J-46

19.6K 265 5
                                    


J-46

KINABUKASAN ay maaga siyang nagising. Wala si Cole sa tabi niya pero nasa gilid ng kama ang isang tray ng pagkain. Agad siyang napangiti. May kasamang note ang food tray. Kinuha niya ang maliit na papel at binasa ito.

"Good morning my love," basa niya sa sulat. Impit siyang napatili dahil sa nabasa.

She was not really mistaken of forgiving and forgetting what happened to them. Talagang mahal na mahal niya si Cole at kayang niyang ibaba ang pride niya para dito.

Hinila niya ang kanyang kumot upang balutin ang sarili. Pababa na siya ng hagdan nang biglang humilab ang kanyang tiyan. Agad siyang tumakbo sa banyo. Pakiramdam niya'y bumabaliktad ang sikmura niya. She's having nausea. Mariin siyang napapikit at pinigilan ang sarili na huwag masuka pero traydor ang sarili niyang katawan. Isinuka niya lahat kahit wala pa namang laman ang sikmura niya.

May bigla namang kumatok sa pinto.

"Jen, ang ate Grace mo ito. I just want to say that Cole is with Max. Pupunta sila sa hacienda mo."

Hindi siya makasagot.

"Jen?"

Sumuka siya ulit.

"Jen!? Teka, anong problema?" ani Grace nang makita ang kanyang itsura.

"May nakain yata akong hindi maganda ate. Hindi yata ako natunawan," sagot niya

"Namumutla ka. Sigurado ka bang okay ka lang?"

"Opo ate," aniya sabay tango.

"Wait, did you—" anito pa nang makita ang kanyang ayos.

Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Well, I'm so happy that finally you gave in."

Napangiti siya.

"Salamat ate."

"No problem Jen. Anyway, magbihis ka na, let's have some breakfast."

She nodded. Lumabas na ito at iniwan na siya. Agad din naman niyang inayos ang kanyang sarili. Pagkatapos ay kinuha niya ang food tray at sa kusina na kumain kasabay si Grace.

"Nice, breakfast in bed," Grace teased.

"Bumabawi lang ate," sagot naman niya.

"Kahit na. Effort pa din iyan." Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon. Sobrang effort nga ito para sa kanya.

"Here Jen," ani Grace at may biglang ibinigay sa kanya na supot. Kinuha niya ito at agad din naman inusisa ang laman nito.

"Pregnancy test?" gulat niyang bulalas.

"Yes. Baka naman kasi may laman na iyang tiyan mo kaya ka nagsuka kanina. Baka din nasa stage ka na nang paglilihi. Baka din masiyado kang emotional this past few days e dahil buntis sa ka na."

Napalunok siya sa sinabi nito at hilaw na napatawa.

"Nako ate baka hindi."

Tinawanan naman siya nito.

"Nako Jen, huwag mo akong ma hindi diyan. Lahat naman siguro nang ginagawa ninyo ni Cole e pasok lagi sa banga saka ang bata mo pa, mas mabilis mabuntis ang isang babae kapag sa ganyang edad."

Napalunok siya. Bigla siyang kinabahan.

"Gamitin mo iyan pagkatapos mong kumain. Alam mo naman siguro kung paano gamitin iyan."

Tumango siya habang kagat ang kanyang labi.

"It's a blessing Jenny, don't be afraid, okay?"

Alanganin siyang ngumiti.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now