J-29

19.6K 306 21
                                    

J-29

NAPAKISLOT si Jenny nang maramdaman niyang may mainit na hininga sa kanyang leeg. Napakurap siya at mahinang umungol. Nang magdilat siya ng tuluyan ay natigilan siya. They were holding hands. Ang kaliwang kamay naman nito'y nasa kanyang baywang habang nakayakap sa kanya. She hears him breathing so calmly.

Sandali siyang napa-isip at nang matauhan sa nangyari kagabi ay agad na lumipad sa kanyang bibig ang kanyang kanang palad.

Okay, they did it again. Napangiti siya. Of course, sino ba ang hindi mapapangiti, bumigay ang depensa ni Cole sa kanya kagabi. Oo na, siya na ang malandi pero ayaw niya lang talaga kasing tinatawag siyang bata nito at gusto niyang patunayan iyon na may maibubuga siya. She felt so proud.

"Hmm," ungol ni Cole at niyakap siya ng mahigpit. Hindi siya gumalaw o gumawa man lang ng ingay.

Gumalaw itong muli at tiningnan ang suot na relo.

"Oh shit! I'm late!" bulalas nito.

Dahan-dahan itong umalis sa kanyang tabi at kinumutan siya.

Nang tingnan niya ito'y abala ito sa pag-aayos ng sarili nang nakahubad baro! Tangina! Mura niya sa utak niya. Nahila niya ang kumot at tinakpan ang kanyang mukha. Pulang-pula na siguro ang mukha niya ngayon.

Narinig naman niya ang mga yabad nito palapit sa kanya at umupo sa kama.

Dahan-dahan niyang inalis ang kumot. Nakatingin naman si Cole sa kanya habang inaayos nito ang butones ng polo shirt. Muli niyang tinakpan ang kanyang mukha.

"You're so cute Jen," anito pa. Namilog ang kanyang mga mata at muli ay inalis ang kumot sa kanyang mukha.

Binuksan nito ang drawer at kinuha ang rolex na relo.

Bumangon siya at tinakpan ang hubad niyang katawan.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Cole. Hiyang-hiya siya.

"I'll catch up to you later, okay? I'm really in huryy. If you're bored waiting here, dalawin mo ako sa ospital."

Hinugot nito ang pitaka at kumuha ng business card. Ibinigay ito sa kanya.

Lumapit ng husto si Cole sa kanya at inayos ang magulo niyang buhok.

Inangat nito ang kanyang baba at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.

"We'll talk this later okay?" Hindi niya alam kung para saan ang pag-uusapan nila pero tumango na lamang siya.

Ngunit nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Kinabig nito ang kanyang batok at hinagkan ang kanyang mga labi.

Matapos ang ilang segundo ay ito na ang bumitiw. Tumayo na ito at kinuha na ang hospital uniform.

"Call me if you're planning to go at my workplace, okay?"

Muli siyang tumango hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng kanilang kuwarto.

Nakagat niya ang kanyang labi at impit na napatili! Kilig na kilig siya. Hindi niya malaman kung tatalon ba siya o gugulong. Basta ang alam niya'y nag-uumapaw ang kanyang kasiyahan.

NAKAPAGBIHIS na siya at lumabas na ng kuwarto.

"Good morning ma'am," bati ng katulong.

"Si Cole po ba, nag-almusal kanina?"

"Nako hindi na po ma'am kasi nagmamadali po iyon."

Tumango siya.

"Kayo po si?"

"Aneta po ma'am. Apat po kami dito, si Lina at Myerna ang mga kasama ko. Si Manang Lita naman po ay ang talagang mayordoma ni sir Cole sa bahay na ito. Si Mang Elias naman po ang driver," sagot nito.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now