J-40

19.2K 336 12
                                    


J-40

"Nasaan si Cole?" biglang sulpot ni Abby.

Agad na kumunot ang noo niya.

"Lumang-luma na 'to ha pero gagamitin ko pa rin. Kabute ka ba? Sulpot ka nang sulpot e."

"Pakialam mo ba? Hindi ikaw ang sadya ko."

Tumayo siya at tinalikuran ito. Ayaw niyang patulan ang pagiging childish ni Abby. Baka siya na naman ang mapagalitan ni Cole. Diretso siyang lumabas ng store.

Nag-text siya kay Cole na nasa labas siya.

Ngunit laking gulat niya nang hilahin ni Abby ang kanyang braso.

"Hoy bata, kinakausap kita! Nasaan si Cole!"

Tinabig niya ang kamay nito.

"Alam mo ikaw? Nakakapikon ka na ha. Gustong-gusto kitang respetuhin pero nakaka-temp iyang ugali mong asal hayop e."

"Excuse me!" manghang bulalas nito.

"Oh hayan space," sagot niya at umurong.

"Oh my! I can't believe this. Mama was right. Asyenderang bastos!"

Agad na uminit ang bumbunan niya dahil sa narinig.

"Teka lang ha, magdahan-dahan ka sa pananalita mo sa akin ha! 'Di hamak naman na mas may respeto ako sa 'yo at hindi ako pinalaki ng Lolo Miguel ko para maging kagaya mong cheap!"

"Me!? Cheap? How dare you! Ikaw ang cheap! Manalamin ka nga kiddo! I can't believe this! Hindi ko talaga alam kung anong nakita sa iyo ni Cole at ikaw pa ang pinakasalan niya!"

Napamaywang siya at tinaasan ito ng kilay.

"Look who's talking! Simple lang naman iyon, masarap ako sa kama," nakakaloko niyang sagot kay Abby.

Nanggagalaiti naman ito sa tindi ng galit.

"You're a slut!"

"Slut mo mukha mo! Kung mas may malandi man sa ating dalawa, ikaw iyon! Akalain mong may hidden desire ka pala sa asawa ng kapatid mo? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Nanunulot ka ng ibang lalaki?"

"I'm not that kind of person! Cole is mine first! Bawiin mo iyang sinabi mo!"

Hinila ni Abby ang kanyang buhok. Pilit niyang inaalis ang kamay nito.

"Abby!" sigaw ni Cole kaya agad itong napabitiw sa kanyang buhok.

"C-cole, n-not me! She... she did it first!"

Hinarap siya ni Cole.

"Sumusobra ka na talaga Abby! Bakit ka ba nandito ha!? Hindi ka ba talaga titigil!?"

"Cole naman! Alam mong mahal kita and I was just protecting you!"

"Protecting me from what!? From my wife!? Are you crazy? Hindi ba't binalaan na kita, tigilan mo na ang panggugulo sa buhay ko!"

Tinalikuran siya ni Cole ngunit hinabol niya ito at labis na nagmamakaawa. Muli itong hinarap ni Cole.

Jenny bit her lower lip. Nagmahal din naman siya pero ang makitang ganito ang isang babae, nagmamakaawa sa isang lalaking hindi siya makuhang mahalin, nasasaktan siya dahil nakikita niya mismo ang sarili niya.

"I'm on my limit now Abby! Give me your phone!"

"No! Why!?"

Biglang nataranta si Abby at agad na itinago ang bag. Ngunit mabilis na nakuha ni Cole ang bag nito. Kinuha nito ang cellphone.

"I know you've been tracking me all the time! But you really disappointed me Abby! Ilang beses kitang pinagbigyan. Ilang beses kong kinonsedera ang samahan nating dalawa. Kaibigan kita pero ngayon? Hindi na kita kilala at baka siguro nga panahon na para putulin iyon!"

Napasinghap si Jenny nang baliin ni Cole ang cellphone ni Abby.

"No!" umiiyak na daing ni Abby.

"Oh my god Abby!" biglang sulpot naman ng mother-in-law.

"Cole! What are you doing to my daughter!?"

"I've done enough."

"Dahil ba sa ipokrita mong asawa! God Cole! We are just concerned!"

"Concern from what!? To me or my money?"

Sinampal nito si Cole.

"How dare you to talk to me like that!? Maling-mali ako na ikaw ang pinakasalan ni Felicity!"

Cole sarcastically laughed.

"Really? Bakit Mama? When did you treated Felicity as your own daughter!? Hindi mo naman totoong anak si Felicity. Hindi ba't halos ibugaw mo siya noon pero noong nalaman mong mas mayaman pala ako kay Congressman, biglang nagbago ang ihip ng hangin! You let me marry Felicity and now you're regretting? Unbelievable! Kung nabubuhay pa lamang siya, Felicity might laughed at you!"

Muli ay sinampal nito si Cole.

"Great! Well I think that's enough for me to cut ties between me and your family. I've had enough and this is will be the last time that I will face the two of you. Matagal na akong nagtitimpi sa iyo Mama. Gustong-gusto kong ilayo si Felicity sa inyo noon dahil hindi ko masikmura ang ugaling mayroon kayo but my wife is very kind but she's gone now. I think I should stop calling you Mama. I'm ending my connections to your family! And you Abby!? I will file a temporary restraining order! You know how I get revenge from my enemy and try to provoke me again, because I swear! Saktan niyo pa ulit ang asawa ko, makikita niyo hinahanap niyo! And that's not a warning, I am threatening both of you!"

Tinalikuran ito ni Cole ang mga ito ag agad siyang inakay papasok sa kotse. Nanginginig ang mga kamay niya dahil sa nasaksihan at narinig. Nakita niya nang magalit si Cole, ngunit mas matindi ang ngayon. Ibang Cole ang nakikita niya. His aura is so dangerous, like a blue flame if you could compare. 

HABANG nasa daan ay napalo nito ang manibela. Mainit pa ang ulo nito hanggang sa makauwi sila ng bahay. Ni hindi nga siya nito kinibo.

"Ma'am, ayos lang po kayo? Magulo po buhok niyo e," tanong ni Lina sa kanya.

"Nagkagulo kasi kanina. Bigla kasing sumugod si Abby."

Inakay naman si Manang Lita papunta sa kusina.

"Hayaan mo muna iyon Jenny. Kakalma din iyon. Talagang ganoon iyon kapag nagagalit, hindi umiimik. Heto, uminom ka muna ng tubig."

Kinuha niya ang baso at nilagok ang laman nito.

"Manang, gusto ko po sanang magtanong..."

Puno naman ng kuryusidad ang mukha nito.

"Ampon po ba talaga si Felicity?"

"Ay oo Jenny pero sa kabila nang pagiging anak sa labas ng batang iyon ay lumaki namang mabait. Mas sa demonyo lang talaga ang ugali ni ma'am Jenieva. Nako kung alam mo lang Jenny, talagang maaawa ka."

Malungkot siyang napatango. What she heard earlier was all true. Nakagat niya ang kanyang labi.

"Nako Jen, huwag mo na isipin iyan ha. Mahal ka ni Cole at matagal naman nang wala si Felicity. Hindi ka naman pakakasalan ng alaga ko kung hindi ka no'n mahal."

Mapait siyang napangiti at nagpaalam nang aakyat sa kuwarto. Bumuntong-hininga siya. Kung alam lang ng mga ito na hindi talaga siya pinakasalan ni Cole dahil sa mahal siya nito. Pinakasalan siya ni Cole dahil sa isang gabing pagniniig nilang dalawa at dahil sa walang mag-aalaga sa kanya.

Nahilot niya ang kanyang sintido. Sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now