J-42

18.7K 358 4
                                    

J-42

CEBU. Finally she's home pero hindi siya sa hacienda niya dumiretso kundi sa hacienda ng kanyang ate Grace.

Nang makita siya ng guard ay agad din naman siyang pinapasok nito sa loob.

"Ang ate Grace po ba? Umuwi na?"

"Ay opo ma'am, ngayong araw lang din po," sagot ng guwardya.

Hinila niya ang kanyang dalawang maleta.

Malapit na siya sa entrada ng bahay nang lumabas ang ate Grace niya. Sobrang fresh ng aura nito at hindi maitatangging masaya na ito kapiling si Max.

Nakagat niya ang kanyang labi. Muli na naman siyang napaluha. Nakararamdam na naman siya ng inggit.

"Jenny!? Diyos ko! Bakit may mga maleta kang dala? Saan ka ba galing?"

Binitiwan niya ang mga dala niya at agad na yumakap kay Grace. Doon ay muling bumuhos ang mga luha niya. Hindi niya kasi magawang umiyak ng matindi habang nasa eroplano dahil baka makaagaw lamang siya ng pansin sa ibang mga pasahero. Kahit na ang biyahe niya pabalik dito sa hacienda ay pigil pa rin ang kanyang emosyon. Ngunit nang makaharap niya si Grace, she finally give in and breakdown.

"Jenny, anong nangyari?"

Hindi siya sumagot at tanging malakas na hagulhol lamang ang kanyang naging tugon.

Hinagod ni Grace ang kanyang likuran.

"Honeybee, I already set up the— what's wrong with Jenny?" Max said.

"Hon, pakidala naman ng mga maleta ni Jenny sa guest room please," ani Grace. Agad namang tumalima si Max at kahit curious man ay hindi na ito nagtanong pa.

"Tahan na Jen, tara sa loob at pag-usapan natin iyan," ani Grace. Tumango lang din naman siya at pilit na pinipigilan ang sarili na muling mapahagulhol.

Pumasok na sila sa loob at inakay siya ni Grace papuntang guest room. Pinaupo siya nito sa kama at binigyan ng tubig.

"Talk now Jen."

Humikbi siya.

"Bakit naglayas ka sa inyo? Alam mo namang hahanapin ka ng Lolo Miguel mo kapag nawala ka sa paningin niya."

Muli siyang napaluha.

"Wala na ang Lolo Miguel ate, wala na..."

Narinig niya ang pagsinghap nito at agad na tumabi sa kanya.

"Kailan lang Jen? Bakit ngayon ko lang alam?" Grace was thrilled with the unexpected bad news.

"Almost a month nang wala ang Lolo Miguel ate..." humikbi siya.

"...minadali ko ang pag-cremate sa katawan niya dahil iyon ang gusto niya ate, sorry kung hindi ko ipinaalam sa iyo ang nangyari. Nasa bakasyon ka at ayaw kong masira ang bakasyon mo. Matagal mo ring hindi nakasama si kuya Max 'di ba?" aniya habang mapait na napapangiti kasabay ang sunod-sunod na pag-agos ng kanyang mga luha.

Umiling ito.

"Maiintindihan namin iyon Jenny, alam mo kung gaano ka kaimportante sa akin 'di ba? Hindi ka dapat nag-alangan."

Hinawakan nito ang kanyang kamay.

"Kahit na ate, mas mahalaga din naman sa akin ang kasiyahan mo."

Napangiti ito.

"Kakayanin natin iyan Jen, okay? Nandito lang kami ng kuya Max mo. Hindi ka namin pababayaan."

Tipid siyang ngumiti.

"Pero bakit may mga maleta kang dala? Bakit? Naglayas ka sa inyo? Paano ang mga trabahador?"

"Bumalik si tita Jean ate at kinuha niya sa akin ang pamamahala sa hacienda..."

Napasinghap ito.

"Seryoso? Hindi ba't matagal nang itinakwil iyon ng Lolo Miguel mo?"

Tumango siya.

"Pero nabawi ko na ate. Any time ay mapapaalis ko na si Tita sa bahay."

"Pero bakit umiiyak ka pa rin? Alam kong hindi lang ang Lolo Miguel mo ang dahilan. Hindi ang hacienda. Tell me Jen, there's still something that you didn't tell me," anito habang titig na titig sa kanya.

"I'm in love with someone," pag-amin niya.

"But he can't love me back," dugtong niya at muli ay napaluha ng matindi.

"And you're married to him," anito at hinaplos ang kaliwa niyang kamay. Shocked ang reaction nito perk nagagawa pa ring maging kalmado ni Grace sa sinabi niya.

She laughed sarcastically.

"I fell in love at Lolo Miguel's personal doctor. I don't when, how or why, pero minahal ko ate. And then Lolo Miguel knew may hidden desire for Cole. Then it happened so fast, we made love then when Lolo Miguel knew that, we're forced to marry. Gusto niyang bago siya mawala, makita niya man lang na ikasal ako sa taong mahal ko ate. Yes, it did! It happened...." humugot siya ng malalim na hininga.

"...but the love I gave to him? He can't returned it back because he still loves his late wife. Nakikipag-agawan ako sa isang babaeng patay na ate."

Muli ay humagulhol siya ng matindi.

"Jen, I don't know where should I start. I'm so startled by this many events of yours but in that case, Jen, dating asawa niya iyon, you can't blamed him for loving his late wife that much. Kahit pa sabihin mong wala na sa mundong ito ang asawa niya, minahal niya iyon Jen. Hindi niya iyon agad mawawala sa sistema niya kaya hindi mo siya masisisi."

Bumuntong-hininga ito.

"But you know what Jen? May nagbago sa buhay niya at ikaw iyon dahil dumating ka sa buhay niya. Sabihin na nating mahal niya pa rin ang asawa niya, noon no'ng hindi ka pa dumating pero ngayong nasa buhay ka na niya, masasabi mo pa rin bang balewala ka sa kanya?"

Umiling siya dahil hindi niya alam ang sagot.

"Ipinagtulakan ka ba niya? Ipinagtabuyan? Ipinamukha na hindi ka mahal o mas tamang itanong sa iyo ay, sinabi niya bang hindi ka niya mahal?"

Muli siyang umiling. She remembered, Cole wanted to explain something but she was not interested because all she felt was pain.

Hinaplos nito ang kanyang buhok.

"You're too young Jen, alam kong hindi mo ko agad maiintindihan pero sa sitwasyon mo ngayon? You're rushing everything. Minamadali mo ang isang taong nasa proseso pa nang pagtanggap ng pagmamahal mo. Yes, I am not Cole but I see and understand why he can't put away his feelings for her late wife. Maybe there's a reason or maybe he was just on the process of accepting your love. Let him be Jen. Ang pagmamahal at ang pagsukli ng pagmamahal ay hindi parang isang investment na agad-agad babalik sa iyo ang tubo. Minsan, kailangan nating maghintay. Pero kapag alam mong wala nang pag-asa? Minsan, kailangan din nating sumuko. Ang pag-ibig ay isang sugal Jen. Hindi ka basta-basta mananalo kung hindi ka matiyagang maghintay ng tamang pagkakataon para manalo."

Niyakap niya si Grace. Gumaan ang loob niya dahil sa may napaglabasan siya ng mga hinaing niya at dahil sa mga sinabi nito.

"Let him realized his own feelings for you, okay? If it doesn't went well, you must accept it Jen. You really must."

Tumango-tango siya. She must wait like what Grace did for Max. She love Cole that much and she's willing to wait for him.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ