J-34

17.9K 328 40
                                    

J-34

SHE WAS FIXING herself in front of the side mirror.

"Mang Elias, ayos ba?" aniya pa.

"Kahit hindi kayo mag-ayos ma'am, maganda po kayo," napangiti siya.

"Salamat po," nakangiti niyang ani.

Kasalukuyan siyang nasa ospital ngayon. Sa ospital kung saan nagtatrabaho si Cole o mas tamang sabihin ay kung saan nagtatrabaho ang asawa niya.

Naiwan kasi nito ang ilang medical files sa bahay nila. Kung hindi lang talaga urgent ay hindi siya maglalakas loob na ihatid ang files. May tumawag kasi sa bahay at sa pagkakasabi nito ay kasamahan ito ni Cole sa trabaho, it was Doctor Connor Eros Villaraza.

Sinabi kasi nitong wala daw sa ospital si Cole kaya naman siya na ang naghatid. Isa talaga siyang dakilang martir dahil nagawa niya pa talagang ihatid sa ospital ang files matapos ang tagpong nangyari kanina sa kanila ni Cole.

Kulang na lang ay magkaroon siya ng martir award dahil sa pagpagiging masokista niya. Mahilig saktan ang sarili.

"Tatawagan ko na lang po kayo kapag uuwi na po ako Mang Elias," paalam niya pa at pumasok na sa loob ng ospital. Diretso siya agad sa elevator dahil nasa third floor daw kasi ang opisina ni Doctor Connor Eros Villaraza.

Nang magbukas ang elevator ay agad din naman siyang pumasok ngunit bago pa ito tuluyang magsara ay may humarang na kamay sa gitna kaya muli itong bumukas ng malaki.

"Fuck, nakasabay pa talaga kita," anito. Nang tingalain niya ito ay agad na nagngitngit ang kanyang mga paningin. It was Abby. Damn it! Pati ba naman dito ay talagang sinundan pa silang dalawa ni Cole. She composed herself. This time, hindi na siya magpapatalo kay Abby. Never!

"So what?" sagot din naman niya.

Humarap naman si Abby sa kanya habang nakapamaywang.

"Come on Jenny, ganyan ka ba ka desperada para puntahan si Cole dito? Don't you know the word freedom? Baka nakakalimutan mong mainit pa rin ang dugo ko sa iyo!"

Taas noo din naman niyang hinarap si Jenny at umismid.

"Let me rephrase your accusations Abby. First, may karapatan akong pumunta dito dahil asawa ko si Cole. Second, kung desperada ang tawag mo sa akin, ano na lang sa iyo? Babaeng may kati!? Third, freedom? Baka naman ikaw ang obsessed kay Cole, kaya nga hindi ka niya nagustuhan 'di ba dahil nakakasakal ang ugali mo! Fourth, I was so pissed off too. And of course, hindi ko makakalimutan ang sampal na binigay mo sa akin kaya naman ibabalik ko na sa iyo!"

Malakas niyang sinampal si Abby. Natulala ito sa kanyang ginawa.

"Oh bakit? Natameme ka? Kung inaakala mong igagalang kita dahil sa age gap nating dalawa, you're dreaming! Hindi karapat-dapat ang respeto ko para sa iyo! Kung noong nasa Cebu tayo ay hindi kita nilabanan puwes ngayon hindi na ako papatalo sa iyo! Bata? Bata nga ako pero hindi isang simpleng bata lang na puwede mong apihin kapag gusto mo!"

Nang magbukas ang elevator ay agad siyang lumabas. Tinungo niya ang hallway kung saan walang katao-tao dahil nasa dulo pa ang nurse station at tanaw na tanaw niya na ito mula sa kinatatayuan niya.

"You witch! Come back here!"

Hinabol siya ni Abby at nahila ang kanyang buhok. Agad din naman niya tinapik ang kamay nito at buong puwersa na itinulak.

Napaupo ito sa sahig.

"You piece of shit!" galit nitong bulyaw sa kanya at agad na tumayo. Muli siyang sinugod ni Abby. Nakalmot nito ang kanan niyang braso kaya naman hinila na niya ang buhok nito at sinabunutan ng todo.

"Iyan ang dapat sa iyo! Desperada kang haliparot ka!" aniya.

"Ouch my hair!" Itinulak naman siya ni Abby kaya napabitiw siya sa mga buhok nito ngunit muli siyang sinugod nito akmang sasampalin. Ngunit may isang kamay na pumigil dito.

"What the hell is wrong with you Abby!?" galit na galit na bulyaw ni Cole at tinabig ang kamay ni Abby.

Agad na lumapit si Cole sa kanya.

"Siya ang nauna Cole! That bitch slap me first!" Abby whined.

"Enough Abby! I don't care who the hell started this fight! Don't you see Abby, you're to much older than Jenny pero pumapatol ka sa bata!"

"That bitch is not a kid for Pete's sake Cole!" Dinuro siya ni Abby at nagsimula na itong umiyak. Itinago naman siya ni Cole sa likuran nito.

"Enough! Bakit ba nandito ka!? Are you following us!? God Abby, why can't you just leave me alone! Can you give me a break!? I had enough of this drama! You and Mama Jenieva. Why can't you just accept the fact that I married Jenny. I am already married! Don't you see Abby? I don't like you and I just only see you as my younger sister. So please? If you want to talk to me, can we just talk in private without having like this? Nagsasakitan lang kayong dalawa ni Jenny, para saan? Para sa akin!? That's totally bullshit!"

Tinalikuran ito ni Cole at hinila siya. Iniwan nila si Abby. Diretso sila sa hagdan pababa sa ground floor ng ospital.

"Damn it Jenny! Alam mo namang mag-aaway lang kayo ni Abby kapag pinatulan mo siya. Why can't you just let it slide for once!? Hindi mo na siya dapat pinatulan pa!"

Nakuyom niya ang kanyang mga kamao.

"Masisisi mo ba ako? Iniinsulto niya ang pagkatao ko, sa tingin mo ba madali sa akin ang lahat nang ito!? Nahihirapan din ako!"

"I did understand you but can't you understand my side too Jenny!? I'm in middle of the situation where I don't know how will I settle this in an instant! Alam mong may gusto si Abby sa akin but you keep on provoking her."

Nangingilid na ang mga luha niya dahil sa walang tigil na sermon ni Cole sa kanya. Umabot na sila sa labas ng ospital habang nagtatalo.

"Provoking her!? How dare you! Siya ang laging naghahamon ng away sa akin! Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit nagagawa kong pumatol sa kanya!"

Hinarap siya ni Cole nang umabot na sila sa sasakyan nito.

"Then don't come here anymore nang hindi na magtagpo ang landas ninyong dalawa ni Abby! Get in!"

"Ayoko!"

"I said get in!"

Binuhat siya ni Cole at isinakay sa kotse. Kinuha nito ang hawak niyang envelope.

"Mang Elias, pakihatid na lang po sa bahay si Jenny," anito at agad din namang umalis.

Sunod-sunod ang naging paghagulhol niya. Hindi niya i akalang siya pa ang masisisi dahil sa nangyaring sagupaan nilang dalawa ni Abby. She was so damn hurt at sobrang sikip ng dibdib niya.

"Ma'am," tawag ni Mang Elias sa kanya at binigyan siya ng tissue.

"Huwag niyo na lang po dibdibin ang mga sinabi ni sir Cole, baka pagod po sa trabaho kaya ganoon. Alam niyo naman po kapag doctor, laging stress."

Hindi siya kumibo at patuloy lamang sa pag-iyak.

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now