J-6

25.3K 322 5
                                    

J-6

PINIGA-PIGA ni Cole ang sarili niyang mga kamay dahil sa matinding frustration at the same time, guilt. Okay, he acted too much but wala na siyang maisip pa na gawin para lamang sumunod sa kanya si Jenny. But at some point, maybe a little rough attitude will make her realized that she should respect him.

Napabuga siya ng hangin. Lumabas siya ng bahay at tinungo ang kanyang kotse.

He kept on looking to his left arm to monitor the time. It's been thirty minutes since he came out to her room.

Nang gumawi ang tingin niya sa pinto ng mansyon ay agad niyang nakita ang dalaga. Nakalugay lang ang maalon at kulay brown na buhok nito na hanggang dibdib. She wore a fitted dress, above the knee. Her blue dress really emphasize how smooth and flawless her skin. She pair her dress with a plain white wedge and a cute white purse.

Nakatitig lang siya sa mukha ng dalaga. He suddenly felt her beauty brings tickles in his veins.

Agad niyang ibinaling sa iba ang tingin nang matauhan siya.

"Sorry, late ako," anito.

He clenched his jaw and open the door for her. Hindi naman na siya kinausap nito ulit nang makapasok sila sa kotse. Simple niyang nakagat ang labi at napailing. Tumatanda na nga yata talaga siya at kung anu-ano na itong nararamdaman niya.

JENNY grip her small white purse. She felt so awkward to his presence and she suddenly remembered what happened earlier.

"What's wrong?"

Nataranta naman siya napabaling dito.

"W-wala," agad na sagot niya.

"You look pale," anito habang ang mga mata nama'y nakatuon sa daan.

"P-pale?" utas niya at agad na kinuha ang maliit na salamin sa kanyang maliit na bag. Agad niyang inusisa ang kanyang mukha. Namumutla nga siya.

"Baka sa air-con," sagot niya na lamang.

Agad naman na kumilos ang kanang kamay ng lalaki at hininaan ang air-con ng sasakyan.

"Anong balak mong kunin na kurso?" Itinuon niya ang mga mata sa labas ng bintana.

"Maybe agriculture engineering," simpleng sagot niya.

"You're doubtful."

Nakagat niya ang kanyang labi.

"I'm not. Yes, I had so many options to take but I just feel like choosing that course. Gusto kong tulungan ang Lolo Miguel sa pagpapatakbo ng hacienda. And I am willing to give my best just to help him."

"Don Miguel is so lucky to have a grandchild like you."

Doon niya binalingan ang lalaki.

"You think so?"

He smirks.

"Except for being so stubborn."

Napangiwi siya sa kumento nito.

"May asawa ka na ba?" bigla niyang naitanong. Nagbago naman agad ang expression ng mukha nito. Naging seryoso ito.

"None of your business," anito kasabay ang pag-igting ng panga.

Natahimik siya. Mababanaag sa mga mata nito na ayaw nitong pag-usapan ang personal nitong buhay. Though she's curious but she never bother to asked him again.

AFTER a long drive, dinala siya ng lalaki sa isang café. Umuna ito sa pagbaba sa kotse at umikot para pagbukasan siya. Nang makalabas siya ng kotse ay agad namang may lumapit sa lalaki. Bigla itong humalik sa pisngi at umingkis pa sa braso ni Cole. Nagsalubong agad ang kilay niya dahil sa inasta ng babae.

"She's Abby, may kakilala siya na puwedeng mag-tutor sa iyo," pakilala ni Cole sa babae.

Hindi siya kumibo at mataman lang na tinitigan ang babae.

"Jenny," tawag sa kanya ng lalaki at may kasama pa itong pagdiin. Tila ba'y binibigyan siya nito ng babala.

"Hi," walang emosyon niyang bati.

"Tara Cole!" excited pa ito at hinila ang lalaki papasok sa café.

Doon na tumikwas ang kanang kilay niya. Padabog siyang sumunod sa loob.

Nang umabot sila sa mesa nila'y todo pa rin sa pag-entertain ang babae kay Cole.

Gusto nang umikot ng mga mata niya. Napansin naman niya ang laptop.

"Anyways Jenny, right? You can check on that website kung sino ang gusto mo. The details are also below on their profiles. You can choose one of them kung sa tingin mo ay pasado sila sa taste mo."

She just nod. Nang bumaling siya kay Cole ay masama na ang tingin nito sa kanya. Pakialam niya ba.

Itinuon na niya ang mga mata sa screen ng laptop at hindi na siya nag-atubili sa pagpili. She even send the details to her e-mail. Then immediately click the button and push the laptop to Abby's side. Gusto niyang matapos agad ang meeting na ito dahil kanina pa siya iritado sa paglalambing ni Abby kay Cole.

"I'm done."

Agad siyang tumayo.

"Don't bother to contact my tutor. I'll do the rest. Thanks," she said bluntly.

Lumakad na siya at diretsong lumabas ng café. Ngunit bago pa man siya makalapit sa kotse ng lalaki ay may pumigil na sa kanyang braso.

"What was that for Jenny? Bakit mo binastos si Abby!?"

Inalis niya ang kamay nito.

"Bakit? Pambabastos na pala iyon sa kanya? My bad," aniya at pinaikot ang mga mata.

"Stop rolling your eyes on meand go back there. Apologize to her."

Bakas sa tono ng lalaki ang pagpipigil nitong pagtaasan siya ng boses.

"Why would I say sorry? Bakit? Magso-sorry din ba siya sa ginawa niyang public display of affection? Akala ko ba pormal na meeting ang pupuntahan natin? Well, as what I saw earlier? It's a goddamn flirting!"

Kinuha niya ang susi na nakasabit sa pantalon nito at binuksan ang kotse. Muli niyang isinuli ito sa lalaki at inis na pumasok sa loob.

Napansin din naman niyang sumunod din na pumasok ang lalaki sa kotse.

"I'm sorry. Ganoon lang talaga ang reaction ng sister-in-law ko kapag nakikita niya ako," he explained.

Natigilan siya.

So he's married. Nakagat niya ang kanyang labi. Why she felt so disappointed?

Hindi siya kumibo. Huli niyang narinig ay ang pag-andar na ng makina ng kotse. 

SEÑORITA SERIES 3: JENNY (PUBLISH UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon